Friday, November 26, 2021

Payo lang

Alam nyo bang ang pagbabasa ng mga posts at comments online lalo't sa Facebook ay minsan Toxic sa ating katawan. Nag dadrive ito ng negativity at minsan Depresyon, mas masama, mag dulot pa ito ng anxiety sa ating mga sarili. Nangyayari din ito pag nahina-hina ang iyong pangunawa sa mga contents ng pinost. lalo't madalas iaassociate mo ito sa iyo. Kasalan mo ito sa iyong sarili, kasalaman din ito ng mga matatandang nagtuturo sa iyo...maaring magulang, o mga impluwensya ng mga maling kaibigan. (Kaya ingat sa mga nag susulsol, dapat gagawing kang mabuting tao, hindi yung gagamiting kang instrumento lang para maging mapanirang tao) Magkaroon ng sariling bait.

Kaya payo lang mga Tsong:

1.Focus lang sa positive comments, makakabuti ito. Pag naiinspire ka kasi, mas madami kang magagawa. Mas mabuti kung magiging ehemplo ka ng pag-asa at magandang gawi.

2. Alamin mo yung “predisposition” mo sa buhay. Baka mamaya eh may problemang asawa ka, problemang kaibigan at problemang trabaho *tinangalan ka ng work. Aba'y 'wag ka munang mag online, maaapektuhan ang mga desisyon mo. Maapektuhan mga stands mo. Makakalimutan mo ang mga magagandang bagay na dulot ng mga nakaraan. Kasi nga Weak ka! Tandaan, “Touch move” tayo pag nag-react ng alanganin.

3.Mag-aaral din minsan para tama ang pag-uugatan. Mahirap kasing mangmang ka na,tapos magiging iyakin ka pa. Aba'y kawawa naman ang katawang lupa mo. Dapat factual lang para mas magaang dalhin. Ang ending nyan mag iscreenshot ka ng wala ka namang basehan. *Ginagawa lang ito ng mga taong nag hahanap ng simpatya. Kaya muli, aral-aral din. Libre naman! 🤣🤣🤣

4.Idelete, block or iignore mo nalang. Sayang ang mga panahon lalo't tumatanda ka o inaasaan ka na ikaw ang magdadala sa isang grupo. Tapos hindi mo mapakitang marunong kang umunawa. Sakit nyan Brad, lalabas nagpipilit ka lang sa bagay na hindi mo gagap. Kaya ierase mo nalang. Ok?

5. Ilimit nyo lang ang oras din ng mga pag-babasa nga mga comments. 'wag ubusin ang oras at sayang naman. Pwedeng gamitin sa mga magagandang bagay. PWede mong idate asawa mo, or pwedeng mas maging produktibo. Mahirap din yung trying hard ka lang.
Eto lang muna ang mga masasabi ko. Salamat sa inyong pag-babasa!

Magandang Araw!

Kaya iwas nalang

 Stop the clock!!!

Imagine na hihinto din muna ang lahat sa paligid mo at mananatiling ikaw lang ang gumagalaw. Kung baga...Moment mo! Sa pelikuha ko lang nakikita yung ganitong pag-kakataon. Pero ang sarap din isipin yung mabigyan mo ang sarili mo ng moment ng mailalabas mo yung mga saloobin mo. Tao lang!

Sampolan ko lang ng kwento. Alam nyo ba? Ingatan ninyo ang inyong mga panahon. Nakita ko ito noong nalagay sa alanganin ang Nanay ko. Mahilig kasi tumulong iyon eh. tapos yung nadehado sya, hindi ko naman nakitang tumulong ang ilan para tulungan sya. Buti nandito kami at hindi bibitaw sa isa't isa, hanggang dulo.Ganun kasi dapat, kasi naniniwala kami sa isa't isa. Harangan mang ng sibat, hindi namin isasanla ang aming mga tiawala, hindi sa dahil kami'y mag-kakasama, bagkos, Pamilya.

Mahirap kasi kung yung kasama mo eh hindi mo maipaglalaban. hindi mo mapapahalagaan, tapos sisiraan mo pa sa likod..Aba'y iiwan mo nalang at ibigay ang sanidad ng tao na iyon. Naku ang sarap mong kaltukan pag ganun. Kahit kasi sumuporta ka sa isang tao, kahit galingan mo ang pagtulong, pag pala nikompronta mo , minura mo sa kanyang aksyon at kamalian para sa kanyang kahinaan ( upang maituwid nya) eh babalandra pa din pala sa iyo. Ang Weak eh! Kaya mo nga kinausap para sa pag-babago, hindi para sa panggagagago. Pero kung gago kausap mo, gaguhan talaga, Gago pa din. (lalo't nag pasalamat pa, eh iyon pala wala naman pala kayong pinaguusapan). Dapat talaga malinaw sa ating lahat na mahirap talagang turuang lumipad ang Isda. *nakakalimutan ko din kasi minsan. hehehe! 

*Syempre pag balandra, tatawanan mo nalang. 


Ang lesson, layuan nalang natin yung mga ganitong tao, ika-nga,  sayang ang oras at hindi naman tayo bumabata. Tumatakbo ng mabilis ang panahon, tayo din naman ang magdadala nito. 

Sa totoo lang,  hindi na din maitutuwid yan ng taong malaki ang tingin sa sarili ngunit maliit ang T_t_. Ganun din naman eending niyan, laging ibibida ng tao ang kanyang kagalingan, ang kanya pag-gagaling-galingan: Hindi para sa pagkatuto, kundi para sa magtuturo at taas noon ang pagkahunghang.,Hindi naman kahit kailan magmamatter ang "malasakit" para sa kanya, mas tutuon ang mga ganitong tao sa kanyang mga pabalat na anyo..yung pagbabalandra ng tumubong pagpapakumbaba at kabutihan asal  ng isang kupal…mas mataas pa ang Ego sa tangkad nitong gungong na ito. Ganyan talaga pag walang sariling bait, yung umaasa sa pakikinig ng mga bulong ng mga taong wala namang napatunayan maliban sa ang pumisan ng pumisan sa kung saan saan...Mga parasites!  Imaginine mo yun sandigan mo mga parasites! at may bonus pang pagiging Tsismoso (kaya mga Marites eh...Mare anong latest! Gets?) Na naipamana ata ng kayang mga magulang sa kanya...isang malaking lokohan. Ni hindi nga kayang magbayad ng dues tapos sandigan mo. Ang labo nun Tsong! Mag sama-sama nalang kayo!


Kaya iwas nalang, 

Walang sakit sa ulo

Walang assumptions

Walang makakasalamuhang humble (Hambolan lang)

Walang tsismis...


Para sa mapayapang mundo, Wala namang din tayong kailangan pang ipaliwanag. Gampanan nalang natin ang ating mga kakayanan para sa magagawa pa natin habang nabubuhay. Dun nalang ako, tayo!Hindi ko naman pa kailangan ikwento yung mga natutulungan ko sa komunidad. Sila nalang ang mag kwento. Mas tama iyon kasya nagtatakbo takbo pa tayo  na kasehodang kunong tumutulong eh sa likod, puro naman tayo kalokohan. Deserve ng mga taong tutulungan natin na mabigyan sila ng mga pagkakataon matulungan ng tama. Mas nakakataba ng puso yung mga bukal na gawain. 

Hanggang dito nalang muna... 


Ayan, pwede na ulit tumakbo ang oras ng normal.  Magandang Umaga!

Friday, November 12, 2021

Bangsamor University of the Philippines


with -Hon. Dr. Solaiman M. Sandigan,

1


 

Saturday, October 23, 2021

RCMD Rotahack!

 RCMD Rotahack! 


The project is not new. We started this project way back in 2015 by doing IT seminars and hackathons in some universities in the country. But just last year, we started the regular execution of this project. For 2022, we are tagging the project as Rotahack.


With the lockdown, COVID-19 has affected  technology in our daily lives as well as cybersecurity in  cyberspace. 

Every year, the total number of internet users has continuously increased. Because of this, most of the criminals also converted their activities online. Lots of online scams have existed and cyber crimes are now very rampant. However, a lot of people using the internet are still not aware of what's going on. 


To solve this issue, we created the project "Rotahack" in which the aim is to create a professional but fun way of educating people on how they can be protected online and how they can use the internet effectively and safely. 


Last October 21, we started the first RCMD Rotahack activity for 2021. We invited Mr. Art Samaniego, the Technology Editor & IT Head of the Manila Bulletin, a Tech Support Professional, and a Cybersecurity Analyst. The event gathered almost 80 attendees from difference Rotary Clubs in D3780, military and professionals.  Our speaker shared to the audience his advocacy on "How to avoid online scams" by sharing practical tips that are also timely to fight  online scamming activity by cybercriminals. It was really fun and full of learning.


After the event, RCMD gave some raffle prices to the audience ie. Hackers T-shirts and cash prices to make the event more memorable. 

We thank our sponsors and individuals who supported this event, this will not be possible without your help. 

Our Club, RC Midtown Diliman, will always be grateful for the time and resources that you have given us. 


We really appreciate it. 


RCMD will continue to spread the good news and do our part in protecting cyberspace.


Rotahack will always be here!






Friday, October 22, 2021

Monday, October 18, 2021

Meeting with EUTELSAT

 



RC Biak na Bato 40th Club Induction Ceremony

Good evening, Gov Ed, Past District Gov Dan, Past Gov Rey David, First lady Gov Dulce, PDG Dwight, To our District Gov Elect Florian, LCP laya and fellow Rotarians.


First, allow me to congratulate RC Biak na Bato for your 40th Club Induction Ceremony. It’s so amazing to know that it’s been 40 years of “Service above self”.


I’m so happy to be invited to this ceremony and see a lot of gentlemen… people of action.


For the new members, I congratulate all of you. Know that this is just the beginning of your new journey. I’ve been with Rotary since 2015 and I really enjoyed it a lot especially when I am in the field, doing advocacy work that transforms and changes the lives of others.


Being a Rotarian is more than just community service, it’s more than the seven areas of focus. 


We, Rotary members, are diverse. We are leaders of business, art, government, sports, military, religion and all other disciplines. As we are the oldest and most prestigious service club in the world, we have executives, managers, and professionals who make decisions and influence our policies. Above all, we are nice people. We value kindness in our work, and we live out obedience in our policies. 


The fellowship, the friendship, and the collaboration we have as a team make us more powerful in doing projects. A lot of the opportunities we get to do something gives us this sense of self-fulfillment which in addition adds to the satisfaction of one’s life.


I also want to give emphasis that at some point, Rotary will help us in our leadership development. Remember that Rotary is an organization of leaders & successful people. Serving in Rotary is like college education, this is where we learn to motivate and lead others. 


In the end, Rotary isn’t your regular organization. It’s fun, unique, and diverse. It’s more than just a group of people, we are individuals who are community-centered, compassionate, and service-oriented.


Continue to be an inspiration to others, to your fellow Rotarians as RC Biak na Bato has always been a pillar for D3780.


Again, on behalf of all PEs gathered here tonight, we thank you for inviting us and enjoy the celebration. Enjoy the night! 


Thank you!

Monday, September 13, 2021

Battle Song - Rotary

    As for our battle song, Region 2 composed an original Tagalog song entitled "Rotary". It's simply describes how Rotarians represent it's advocacy statement "Service above self". It’s about how we praise and thank God in His guidance in everything we do and how we rally the rotary 4 way test by heart. 

 As our chorus says,  

Sa Rotary, buhay ay sa Madla 

Sa Rotary, yakap ang mabuting gawa 

Sa Rotary, patas at malaya Sa lahat ng kapwa.. 

Yan ang Rotary 

    We also added some action pictures from different clubs of Region 2 to showcase all our service projects in fulfilling Rotary areas in focus. We want the world to know the value of Rotary, the filipino way, the District 3780 way, Region 2 way... and we are very proud of it. Here is the Youtube video and we hope that you’ll enjoy it and also be proud to share it in other regions and to the world. 


 Thank you!




Sunday, September 05, 2021

Wala naman palang future

Mas madalas ang karamihan sa atin ay nagpapakapagod,nagpapagal at ika-nga, lumalaban sa buhay para magkaroon ng better future kuno. Kayod dito at kayod doon, utang dito at utang duon para mapagwagian ang hamon ng buhay at sa huli, ganun padin...ang kagustuhan na magkaroon ng magandang future. 

Natatandaan ko noong kabataan ko mga edad 16-30 siguro ako nun.Pag binabalik balikan ko ang mga nangyari sa aking buhay. Parang ang saya-saya: Una,nag-aaral para kako sa mga magulang ko kasi nga hindi naman kami mayaman at sana mapaghandaan ko sila para kung dumating man ang panahon magkasakit sila eh at least may maitulong man lang ako. 

Pangalawa,Hawak ang gitara,ballpen at papel madalas tutula lang at magsusulat ng mga kanta. Iniimagine ko lang parang wala ako sa tunay na mundo at malayang nag-iisip para sa istorya na magagawa ko para sa aking ninanais na akdang mga tula at kanta. Daig ko ang mga super hero pag nasusulat ako, pag naiisip ng malaya,1ang saya ng pakiramdam.

Minsan aakyat ng bundok para tulungan ang mga kababayan nating nasa bundok. Paborito ko talaga ito.Madalas nagbabasa lang din ng mga aklat dun at nagpapalaro.Actually kahit hindi sa bundok, kahit sa mga paaralan dito sa syudad basta ba maimbitahan mag bahagi,aba sige, at aarya lang tayo. Naiisip ko din kasi na sana mag maiambag ako sa mga kaalaman ng mga kabataan para sana sa future nila.

Pag may kaunting kita eh mag tatravel sa iba't ibang parte ng mundo.Pagmamasdan ang ganda ng mundo ang ganda ng iba't ibang kultura. Nakakagaan din sa pakiramdam.  At sa dulo ng mga araw noon,kasama ang ilang mga kaibigan nandyan din yung mga tinatawag na inumang walang humpay. Grabe pag binabalikan ko hindi ko alam kung magsisi ako o matutuwa at parang ang dami kong oras sa lahat. Pero, wala namang pag-sisisi maging makulay ang lahat madaming mga pag-katuto.

Madami pa akong mga gustong ikwento..pero hindi ko naman maisusulat na itong lahat. Magandang mga alala-ala. 

Pero kung titinangnan natin, ang pinakamahalaga talaga eh ang magenjoy ka sa lahat ng mga gagawin mo. Kasi sa mga araw na pinagkakaloob sa atin nandun ang kwento, nanduon ang esensya ng buhay..wala sa future at wala namang future. 

Darating ang panahon mamamatay ang magulang mo---walang future

Darating ang panahon mamamatay ang mga mahal mo sa buhay--walang future

Darating ang panahon hindi na din ako makakaakyat ng bundok--walang future

Darating ang panahon hindi na din ako makakapagsulat--walang future

pasasaan at hindi na din ako makakatravel--walang future

lahat ng pinaghirapan mo at inaalayan mo ay mawawala eh sila nga dapat ang future di ba?

Kaya kung kaya nyong alagaan ang inyong mga sarili mas magandang bagay. 

Mas madalas kasi mas inuuna kong alagaan ang ibang mga tao, isusubo ko nalang eh binibigay ko pa sa kanila. Naku ang dami na kayang mag utang sa akin, milyon milyon na din (nagtatago na sa akin) Masaya naman akong ginagamit din ng karamihan..alam ko namang wala sila eh kaya nga mas madalas eh gagamitin ka lang. kaya kung kaya nyo, unahin lang muna ang sarili dahil sa panahon ngayon mas gamitan ang nananaig para sa mga interest kaysa ang tunay na pagtutulungan..('wag nyo akong gayahin..matututo kayogn tumanggi). Hindi ko nga mapinta ang future sa patuloy na daloy ng ganitong sistema sa lipunan. 

Kaya yung mga mahal nyo sa buhay, Lalo't yung asawa nyo...alagaan nyong maigi.iEnjoy ang bawat minutong kasama sila. 'wag nyong bibigyan ng sama ng loob hanggat maari. 'wag nyong ibuild ang future, sabay nyong pagsikapan na mabantayan at maalagaan ang isa't isa...sabay nyong tuklasin ang mga ganda ng buhay. 

Laging magpasalamat sa dyos,

Laging sumuporta sa inyong Pamilya, 

Kumain ng tama sa oras at ng mga masarap ng pag-kain,

Umawit ng papuri at mga nakakagaan sa damdamin,

Maglakbay,

Umiwas sa mga taong Toxic. 

Monday, August 23, 2021

Paalam Noel!

Nabawasan kami sa hanay ng mga kapitapitagang Rotarians ng RCMidtownDiliman dahil sa COVID19.

RIP PP Noel Aperocho! 🙏🙏🙏
Isabay ko na din ang paghingi ng panalangin para sa aming Ann Anita (na kabiyak ni PP German Tan) na syang pumanaw nitong nakaraan dahil din sa COVID19. 🙏🙏🙏

Hindi ito biro, hindi tayo pwedeng mag tawa at magsawalang bahala. Magsariling disiplina at sikap nalang tayo at isama ang ating mga kapamilya at mahal sa buhay para sa mga programang laban COVID19. Kaya natin iyan ng nagtutulungan ng hindi umaasa sa ating gobyerno.

Hindi naman kasi alintana talaga ng “ilang” mga nasa puder sa gobyerno ang “magnitude” nitong pandemya na ito. Sige lang at mag enjoy lang kayong mangurakot sa kabila ng kami’y nagluluksa. May araw din kayo!!! 😡😡😡 Pasasaan at sisiilin din iyang inyong mga ganid at kapabayaan sa inyong tungkulin. Isasama na din namin kayo sa aming mga panalangin.





Positive Psychology

Kwentuhan ko lang kayo.

Sabi ko kay Sophia Quin-Mara. (Habang kumakain ng pancit canton) Maganda siguro kung mag kukwentuhan tayo lagi at bago matulog ng mga 3 positibong nangyari sa atin sa araw-araw. Pagusapan din natin ang mga pangit na bagay at tingnan kung paano ito magiging maganda.

Kung ating sasanayin kasi ang ating mga utak ng mga magagandang bagay, ito ay magbibigay ng magandang kahihinatnan sa kung paano tayo mag-isip at gumanap. Syempre wala namang perpekto, ngunit sa mga nangyayari sa ating mundo (nandyan ang pandemya, ang pg-ulan at pag-baha, ang pagbiyak ng lupa atbp). Kailangan natin ibahin ang diwa ng ating pag-iisip at pag-ganap. ‘Wag na tayong dumagdag sa sakit ng mundo. Ngayon ang panahon upang maghatakan tayo paitaas. Hindi natin na kasi nakakalkula kung paano ang sikad ng inang kalikasan. Kaya mas madalas, tamang tayo’y nananalangin.

Maganda ding p    alibutan ang ating mga sarili ng mga taong hindi “Toxic”. Yung hindi puro negatibo ang lumalabas sa bibig lalo’t yung mga nanlalamang. Nakakahawa kasi…yung mga palusot ng palusot. Naku,sakit sa ulo yan. Sa amin nga, natutuwa akong nabigyan kami ng mga challenges sa pag-gawa. Dito kasi nahahasa namin ang aming sarili upang maging creative, upang magkaisa at nakasalamuha ang mga mahuhusay sa aming larangan. Yung matuto lang kami sa isa’t isa ay napakalaking bagay na. Paano pa kung susumahin natin ang ating mga nagagawa upang mag-bigay saysay sa ating mga kababayan, sa ating bansa? Wow! Langit yan! Mahirap ngunit sa huli,masarap. Proud akong makatrabaho ang mga mahuhusay na kasama yung mahusay makaunawa. (Kilala nyo naman kung sino-sino kayo, kayong mga madalas kong pasalamatan)….Kayong may mga “Malasakit”.

At pag natapos ang isang buong araw….alam mong may nagawa ka, may narating kahit paunti unti.
Pwede ng matulog ng mahimbing.



Tuesday, August 17, 2021

D-VAS Project

 https://dict.gov.ph/sec-honasan-lauds-lgu-response-in-vaxcertph-list-submission-highlights-data-accuracy-as-key-factor-in-vaxcertph-roll-out/

Nakakatuwang pinapasalamatan ang aming gawa para sa programang bakuna ng Bansa. Sana lang husayan din ng ibang mga gumagawa sa kanilang proyekto lalo na iyang (VLL at VaxCertPH) nakasalalay sa ating mga kamay ang mabilis na solusyon laban sa COVID19 para sa ating mga kababayan. *Umiyas sa korapsyon hanggat maaari. 


Ang sarap basahin nitong mga sinasabi nila sa aming proyekto.

"Through the D-VAS, the whole vaccination process from registration to actual vaccination takes around 5 to 10 minutes only. As the whole process is paperless, data is managed properly. "



Sunday, August 08, 2021

Paalam Brutus



Paalam Brutus! Kasama mo na ang iyong kapatid na si Douglas sa langit. 
 Maraming Salamat sa iyong pag-sama sa amin at sa pakikipag-laro.

 







May nanalo na!!!

May nanalo na!!! Nagtatago sa pangalang “G” ang tatangap ng selfproclaim award.

Profile:
-Nakagawa na daw sya ng 100K transaction per Minute (At financial pa daw ito)
-Mataas daw ang IQ nya.
-Nagbanta na idodown system namin.
-Eto ang mobile number nya. +639479021176 (pa check at baka sa Phone book nyo)
-Consultant

Kung matapang tapang lang sana ito, mas magandang ilagay nya buong pangalan nya. Malinaw na utak talangka ito na swaking ang ugali at pananalita.

Sa ganang akin, ‘wag sasali sa usapang hindi ka naman kasama. Pwede ka ding magpasintabi upang mapagbigyan ka ng pagkakataong makasali sa usapan. Tapos kung tunay kang magaling, maaari mong ibahagi ang iyong kaalaman upang mas maging maayos ang usapan. 

Syempre, ang mga hirit ay hindi kahit kailan na magpapatunay na mataas ang IQ mo.





Monday, August 02, 2021

'Wag matigas ang Ulo.

 'Wag matigas ang Ulo.

    Noong bata kami, Early 80's iyan. Nauso ata na papaluin ka ng tatay mo tuwing mag-kakamali ka. Tuwing hindi ka mag huhugas ng pingan at mag-iigib sa balon atbp. Nais lang naman nilang matuto ka ng mga gawing bahay at maging matikas sa mga hamon ng buhay sa iyong pag-tanda. Gayun din naman ang nais ng ating gobyerno para naman mapaglabanan ngayon ang pamdenya, ninanais nilang sumunod tayo sa lockdown na pinapaimplement nila. Syempre, mahirap sa ating lahat iyan, mahirap para sa ating mga kababayan dumidiskarte lang para mabuhay tapos biglang maglalockdown, mahirap din iyan sa ating Ekonomiya at sapul na sapul ang mga kabuhayang Pilipino nito.

    Sa Ganang akin, wala namang problemang sumunod lalo't nasanay naman tayo noong bata palang na laging sumusunod upang 'wag mapalo. Ang nakikita kong problema ay walang tamang istratehiya ang ating gobyerno, Parang Tsumatsamaba lang,lantad naman eh. Paulit-ulit na yung lockdown natin. Yung mga naimpliment na contact tracing noon? Nasan na? nauwi na ata sa kwentuhan? Sumunod naman ang mamayan dyan, Ang tanong anong naging output? Nasaan ang kapakinabangan maliban sa mas madami lang ang mga namatay? Anong pakinabang dyan? Maliban sa mas madaming naghihirap,anong kapakinabangan dyan?

    Ngayon, May programang bakuna at vaccine passport pa tayong pinag-uusapan? Paano nyo gagawin iyan? Hanggang kailan iyan aantayin ng mga kababayan natin? ang kukupad kaya nitong mga taong gobyerno natin na nangagasiwa nito. Puro lang "feeling" na nakakakaunawa. Ngunit salat naman tunay sa pagmamalasakit sa ating kababayan..sa URGENCY!!!. Centric kasi na pagsasabi sa sarili na "basta ako may trabaho sa gobyerno",(Eh ano ngayon?) pero hindi iniintindi ang mga mamayang pinagsisilbihan nito.

    Sa usaping ito, Sino ba talaga ang matigas ang ulo? ang Nagpapatupad sa batas? o ang tumutupad sa batas? mamayan? o taong gobyerno? may kanya-kanya tayong sagot dyan. Pero sa pagkakataong ito, may problema tayong kinakaharap. Kailangan ng agarang Aksyon.

Sana lahat 'wag matigas ang ulo.

Sunday, August 01, 2021

Parang walang gana.




Agahan na at may nakahaing itlog, spanish sardines at masarap na Arozcaldo. Usually, pag ganito ang nasa harap ko…mas madalas ganado akong kumain. Kaya lang pag-iniisip ko ang mga kababayan natin ngayong lockdown na naman, nawawalan ako ng ganang kumain. Hindi naman kasi nabigyan ng tamang pagkakataon lahat, hindi lahat ay pinanganak na mayaman. Marami ang magugutom ngayon, marami ang mahihirapan na namang dumiskarte para makatawid sa hamon ng buhay.

Paano na yan?

Nawawalan ako ng gana kasi naiisip ko ng paulit l-ulit na hindi ginagawa ng “iba” lalo’t nasa pwesto ng gobyerno ang kanilang pinanumpaang tungkulin. Walang konkretong programa at parang nag kukwentuhan lang tayo at puro media pogi, walang tamang contact tracing, walang solidong programa sa bakuna, hindi nagbabayad ng on-time sa mga mahuhusay na suppliers…kapos na kapos! Patay ang mga Pilipino, hindi man lang nakalaban ng tama para mabuhay ng mapayapa at patas.
Nakakawalang ganang kumain, walang gana sa gobyernong ito kung paano ihandle ang mga kritikal sa sitwasyon.

Parang wala lang.

Malasakit.

Pandemic ngayon at ingatan ang inyong mga sarili. Ang isa kasi sa masakit dyan ay parang nag e-eksperimento lang ang gobyerno natin kung paano ihandle itong problema ngayon, Tsamba dito at tsamaba doon. Kaya nga dapat matalino tayo sa mga oras natin at kung paano natin gugugulin ito. Napapaisip nga din ako at parang nasasayangan ako sa ibang oras na natatapon nitong nakaraan mga buwan...Parang nagpuyat lang ako sa wala. Bale, isa naman ang hindi matatawaran...Yan ang mga biyaya ng dyos at mga sipag at tyagang kakikitaan ng malasakit para sa mga kababayan natin. Iyan lang din naman ang pwede naming magawa.

Alam nyo, kwentuhan ko pa kayo na sa kabila ng mga nangyayari, Sa opisina namin ay nakakatuwang makaramdam ng mga malasakit sa aming mga kasama. Si Sophia Quin-Mara nga nakakatuwa sa sobrang ibinibigay ang halos lahat 'wag lang malagay sa alanganin ang kasama. Nandyan na ayaw nyang magkasakit ang aming mga kasama. Gabi-gabi din ang aming sabay panalangin para mabigyan ng maayos na kalusugan ang aming pamilya, mga kaibigan , mga katrabaho, at mga kababayan.Tapos pag gising mo may mga bliessing na nakaabang. Bagong araw, bagong kaalaman bagong mga nagmamalasakit para sa kapwa (syempre pa may mga bago ding pag-subok). Kanina nga sa sobrang abala namin sa trabaho nagulat ako at may nag PM pa...Tungkol naman sa mga pwedeng nyang maitulong para sa kanyang mga kasama. Grabe umaapaw ang kagandaang asal at sariling palo para magmalasakit sa iba. Ramdam nya kasi na malaki ang naiambag nito sa kanyang buhay at trabaho. Grabe saludo ako!

Mapalad tayo pag may mga ganito tayong kasama, Yung tinitingnan ka palang alam na kung anong mga pwede magawang tulong para as iyo upang 'wag kang malagay sa alanganin (YUNG HINDI MANHID). Sana gawin natin ito ng taos puso, Sana kung may mga maitutulong pa tayo at gawin natin lalo sa mga taong may mga ginawa ng buti sa buhay natin. Hindi naman kailangan ng labis, hindi naman ito patungkol sa baryang iaabot kundi patungkol ito sa mga mabuting kamay ng pag-tulong.

Ang ganda ng simpleng agahan ngayong Linggo.

 Ang ganda ng simpleng agahan ngayong Linggo.

Pag-gising ko, sabi ni Sophia Quin-Mara "Ipagluluto kita ng agahan...Sardinas at Itlog."(May kasama pang mainit na Kape iyan) Syempre nahiya naman ako, kaya bumangon na din ako at nag simulang tumulong. Nilinis ko muna yung mga kulungan ng aming mga kaibigan at alagang mga Aso, tapos pinakain ko na din sila, Gayun din para sa aming mga SG's at Hedgehogs. Tapos nun, ng nakahain na ang aking may-bahay..Syempre nagsimula na ang mga magagandang kwentuhan sa hapagkainan. Nandyan na pag-uusapan ang halaga ng "pag-iisip bago ang pag-sasalita".
Napag-uusapan din namin bakit sumasablay ang ilang mga bagay-bagay sa kanilang mga gawain. Na sa aming pakiwari ay dahil sa iba ang prioity ng ibang mga tao. Hindi nila nai-sasapuso kung bakit sila naatasan sa gawain, mas madalas ang iniisip lang kasi ay basta papasok at sana'y may gawin. Iba talaga ang halaga ang "gustong gusto mo ang ginagawa mo". Iba ang nararating at ang nagagawang output...Talagang nakakabilib at nakakamangha. Lulutang at lulutang naman iyan sa kung paano tayong lahat gumanap ng tungkulin. kaya nga may salitang "ramarkable,outstanding, extraordonary etc"...kung baka, Lodi!

Nabusog naman kami. hehehe! (Ako basta may Kape sa umaga ay sapat na)
Magandang Umaga!

Saturday, July 24, 2021

Rotary - Chords

 Intro:

D / Em / F#m / G (2X)


Verse 1:

G / F#m / Em / D

Em / F#m / G / A


Ref

G / A / F#m / Bm

Em / F#m / G (pause) / (A)


Chorus:

D / Em / F#m / G

D / Em / F#m / G


Verse 2:

G / F#m / Em / D

Em / F#m / G / A


Ref


G / A / F#m / Bm

Em / F#m / G (pause) / (A)


Chorus:

D / Em / F#m / G

D / Em / F#m / G

Friday, July 23, 2021

Rotary - Dance Instruction

 





Rason.

 Rason.

Syempre pangarap nating maisayos ang lahat. Kaya tayo gumagawa ng istraktura. Tapos lagi nating pinapaalala na okay lang ang mag-kamali ngunit dapat matuto. Ang hirap kasi pag ang mali mo ay paulit-ulit at laging ganun. Parang “First honor” at may gintong medalya sa papaulit ulit na pag-kakamali. Lekat yung ganun! Mapapaikot ang ulo mo sa banas. Tapos iisipin mo na milyong milyong pera ang nagiging damage. Idagdag pa natin dito ang mga puyat,oras at mga resources na natatapon. Sayang talaga!

Pag may mga ganitong sitwasyon, dapat may umaako ng mali. Dapat hindi nagtuturo. Nasan ang sinasabing matutong humarap sa pagkukulang kung pilit nating tinatapalan ng mga dahilan? Mga rason? Mga rason na bumubulag para sa mga progresibong pag-unlad.

Mag-simula ng magbago. Mag simula ng umintindi na sa ating mga kamaliaan,tayo’y may nadadamay. ‘Wag ganun!


Thursday, July 22, 2021

May Malasakit!

 Hindi naman talaga lahat nagmamalasakit, madami sumasampa lang para sa sarili nilang mga interest at mas worst eh manlamang(Ika nga, survival mode yan eh). Madali naman malaman ang mga taong may malasakit at pakiramdam, yun hindi puro kabig. Alam lumugar at may binibigay ng tamang oras para sa tamang kalalagyan nito.

Actually, may mga nahihirapan sa buhay dahil may mga nagpapahirap, at madalas hindi nito gagap ang mga ganap at pangyayari, akala ng mga ito ay normal lang ang lahat. Lagi ko ngang sinasabi ang aral sa pangangalakal. Pag bumili ka ng isang sakong semento na nagkakahalaga ng dalawang daang piso. Dapat tama ang palitan. Pag inabot mo ang 200 pesos mo, bibigyan ka ng isang sakong semento. Ganyan din sa buhay lalo sa usapang trabaho at pag-gawa. Kung anong inaasahan sa iyo dahil sa karampatang sweldo mo eh ganpanan ng walang pag-aatubili. Walang lamangang ika nga. Kaysa naman pasok ka ng pasok para mag bi-si-busy-han. Pero wala namang saysay ang iyong pag-gawa. O kaya, papasok ka ngunit iba naman ang iyong ginagawa. Mas malala at mas Baduy iyon! Pag work from home naman, mag report at mag paramdam. Ika nga, ibigay ang nararapat para sa inyong mga tungkulin. (‘Wag mag assume dahil may mga nagtatrabaho ng tapat at sumusunod sa mga alituntunin)
Kaya bilib at saludo naman ako sa mga taong higit ang pag-gawa, inuunawa ang mga pangyayari at ang mga ninanais na paglago sa buhay at pagtungo sa progresibong pag-gawa. Ayaw ng may nakikitang pangit sa kanyang ginagalawang mundo, mapagkumbaba at may mga efforts para pag-papaunlad(may mga rewards para dito). May malawak na pang-unawa upang tumulong sa pangangailangan ng iba at mag-saayos ng mga gawain. May Malasakit!

‘Wag nating kalimutan mahirap ang mundo ngayon, may pandemya. Hindi pinupulot ang pera. Sana ay maintidihan natin ito. Magtulungan at ‘wag maglamangan. Tumulong tayong mapaglabanan ang suliranin at ‘wag sanang maging parte ng suliranin lalo’t maging pasakit sa iba.

Tuesday, July 20, 2021

Rotary - Dance

 Naimagine nyo bang mapapasayaw ako? 😎😎😎




Sunday, July 18, 2021

Rotary


 


Rotary


Sa rotary alay sa dyos ang karangalan

Tatak na kayamanang ina-angat magpakailanman

Sumasayaw sa pagsisilbi… kapatid, kapanalig, kaibigan

Ganyan tayo dito!


Koro:


Rotary..

Buhay ay sa madla

Rotary…

Yakap ang mabuting gawa

Rotary…

Patas at Malaya

Rotary…

Sa lahat ng kapwa


Taas nuong dumadalisay sa pagtulong

Kapaligiran ay niyayakap at inaalagaan

Pag-kakaisa ang ninanais..na nagbibigay sigla sa'ting lahat

Ganyan tayo dito!



Rotary..

Buhay ay sa madla

Rotary…

Yakap ang mabuting gawa

Rotary…

Patas at Malaya

Rotary…

Sa lahat ng kapwa



Rotary

Monday, July 12, 2021

Philippine Space Agency

 


Katig NMS

 Magandang Umaga 8layer Technologies, Inc. MaraLabs ,Mulat Media Mara Telecoms! may regalo kami sa inyo.

Ang ating Katig NMS ❤❤❤ Ang ganda ng mga exporters na gawa ng ating Technical head dyan para sa bagong monitoring natin ng ating network at performance ng ating mga apps. Medyo bago pa kaya pag-pasensyahan nyo na. Pagandahin natin ng pagandahin sa susunod na mga araw. Salamat sa aming Technical group, sa CTO at aming Sysad/DepOp sa kanilang didikasyon, sipag at malasakit para sa ating mga layunin.
Mabuhay!



Lady Eagle Hymn

Lady Eagle Hymn

By: Meric Mara


We are united lady eagles

Helping hands for the needs of others

Service above self 

That makes us unique and better


We are the wings of our worthy brothers

We embrace the love and stand as a good mother

Support and embrace 

We are the heart of peace, we are together


We fly the highest mountain 

Eagles of love that’s what we maintain

Sisterhood that always empowers

We are one and the light for others


We move as one. As lady eagle

We support with love, your lady eagle

Always a good lady eagle, 

worthy lady eagle


Eagles of love









Grand Pamalo


 

Monday, July 05, 2021

Sunday, July 04, 2021

Sa Rotary

 Sa Rotary


Alay sa dyos ang karangalan

Rotarian ang tatak na kayamanan

Iaangat  magpakailanman

Kapatid,kapanalig at kaibigan


Sumasayaw sa pagsisibi

Mga pusong umiibig sa bayan at sa tabi

Ganyan ang gana dito sa Rotary

Indak ng pag-tulong ay para sa marami.


Sa Rotary...

Alay ang buhay sa madla

Sa Rotary...

Yakap ang mabuting gawa

Sa Rotary...

Patas na nagsusuri at malaya

Sa Rotary...

kapaki-pakinabang sa lahat ng kapwa.


Sama-samang nagkaka-isa

Katotohanang alay ang laging una

Higit sa sariling yan ang binibida

pag-tulong sa marami ang saya. 


Saturday, July 03, 2021

Servant of All (TGFOPEI HYMN)

 Servant of All (TGFOPEI HYMN)

By: Meric Mara 


For the Love of God and Country 

Worthy Eagles raised their hands 

Serving people at its finest 

Worthy Brothers Do it hand and hand 


With High morals and dignity 

Priceless moments in every activity 

Soaring high and in service 

Worthy Brothers always in Unity 


Bonding and Brotherhood 

Always in heart, mind and spirit 

Always Helping each other 

Together for making this nation better 


Servant of All, We will always be Servants of All 

Eagles of Love, Equality and Peace 

The Greatness and Leadership 

By being Servant of All 


Servant of All 

Servant of All

Servant of All 

Servant of All


Servant of All

Aksyon Academy and Grafana

 I'm so happy watching our very own LMS called Aksyon Academy and our own version of Zoom called Walloo being used in San Juan by teachers and students.

I'm so proud of my team for their dedication on this platform. While all of them are busy maneuvering the platform, I'm also on the monitoring side
seeing the real-time data and analysis on what's goin on in the system and its performance. Powered by Opensource tools Zabbix and Grafana, it was really fun seeing the live data in action. Cool!
Overall, it's a perfect shot for all of us!
 

Casa Mara

 




Friday, June 18, 2021

Thursday, June 17, 2021

RCMD Strategic Planning 2021-22

 We are in the RCMD Strategic Planning 2021-22. It was fun and full of sharing as we set our goals for our club. It was really service above self.