Friday, December 23, 2022

Ikaw at ako ang Pasko

 Ikaw at ako ang Pasko

Ni Meric Mara


Ikaw ang nagbigay ng sigla

Sa paskong inantay na Tila

Ako ang iyong sintang 

Tumitibok ang puso sa saya


Ikaw ang nag-aalay sa belen

ng panalangin at tanging hiling

Ako naman ang dumadalangin

at sa iyong puso ay naglalambing


Koro:

Ikaw at ako ang Pasko

Ang pag-ibig natin ay di magbabago

Sabay ang ating mga pangako

sa lamig at init ay magkasama tayo


Ikaw ang aking pinangarap

ako ang iyong kabalikat 

Sa Buhay ay tapat ang pag-iingat

Mga damdamin natin ay maglalapat


Bridge:

At sa twing may hidwaan

ramdam natin ang mga pighati

mga puso man ay mahati

Sa dulo at mag-iisang labi


Koro:

Ikaw at ako ang Pasko

Ang pag-ibig natin ay di magbabago

Sabay ang ating mga pangako

Sa lamig at init ay magkasama tayo


At sa tuwina'y magkasama

Sa pasko na hatid ay saya

Walang lungkot at pangamba

Sige na, Sulong na, 

    tayo't laging magkasama





Tuesday, December 06, 2022

Sabay tayo

 Sabay tayo

Ni Meric Mara

12/06/222


laban sa patak ng ulan

kahit anong hamon ang dumaraan

Dlawang puso ang nagmamahalan

pinag-isa magpakainlanman


Hamunin man ng pangamba 

Lalaban lagi sa tuwina

Dalawang puso ang umaasa

Pag-ibig at isip ay iisa.


Koro:

Sabay tayo,Sa panalangin..

Sabay tayo,sa isang pangarap..

Sabay tayo,sa paglipad

sa bagong buhay na ating hanap


Sabay tayo sa pag-angat

sa mga suliraning sinagap

magwawagi ng tapat

yan ang pangakong siniwalat


Tayo'y Hari at Reyna 

ng kastilyong pinamana

Sa atin ng dakilang Ama

Papayabungin ang pag-sinta


Koro:

Sabay tayo,Sa panalangin..

Sabay tayo,sa isang pangarap..

Sabay tayo,sa paglipad

sa bagong buhay na ating hanap


Sabay tayo..

sa pag-ibig na walang hihigit 

walang ngunit at subalit

busilak na alay sa langit.. 


Sabay tayo,Sa panalangin..

Sabay tayo,sa isang pangarap..

Sabay tayo,sa paglipad

sa bagong buhay na ating hanap