Monday, March 31, 2008

8layer BIGBiz Technology


Letter From the CEO: 8layer at Three: Why are we still here?

Letter From the CEO: 8layer at Three: Why are we still here?
Written By: Meric B. Mara
Date: March 30, 2008

Tis the time to be Happy. Happy New Year, Happy Birthday and Happy Anniversary to 8layer.

Time to be happy....

We walked, we stumbled, we stood up and climbed and as we hike we saw and experienced how bumpy, rough, narrow and deceiving the road is as we go on our journey.

But We are happy.

A New Year...

Going on four, we are at the forefront of bigger responsibilities. New learnings every year that we urgently heed and act upon thus make us stronger. At Three, we are firm of who we are, as a team, as an IT player and as people believing that there is still hope, just as we hold on to make each day a little better than yesterday.

And so, We ought to be happy.

It's 8layer's Birthday...

Last year, I mentioned to you in passing that the Launch of an Integrated Solutions Program will be borne. And was I just fooling or dreaming? That program is now known as the PLDT Snap!. PLDT Snap! is a PLDT product conceived and put together by Industry Leaders, PLDT, Intel, IBM Phils. and 8layer which was launched in October 2007. I'd like to make special mention that 8layer is also supported by Mr. Yatin Kantak and Mr. Greg McClement and their team at NIAP and Net-Integration Technologies for the NITIX Operating System bundled with this PLDT Snap! offering.

Likewise, this year is also the birth and launch of our 8layer homegrown solutions (such as the Avi8tor ERP Suite , CLIX Back-up Solution and WeBCre8 v.1.0) . I suggest that you visit our site often for a clear grasp of this developments.

Thus, We should be happy.

Three Years and Counting...

*

We got a bigger office; one that is more conducive for 8lien learning, work and play.
*

New Set of Board of Directors; for a leaner but meaner structure whose belief and values seats on respect and responsibility for the organization and its employees
*

Yes, more homegrown solutions for all segments; majorly credited to our Best of Breed RND team.
*

Not to mention, that we are heaping to be ready with our 8layer Support System to respond and address these IT nitty-grittys on solutions that we do provide.
*

We have now started to engage with government projects, whose proponents do realize the gains it will reap for its organizations and the people they serve.
*

Continuously, we will uphold and build our advocacy for IT awareness and education on Open Source Technologies. This means more trainings and modules for schools and other organizations.

As always, we will be happy.

Truth is at three, I am more delighted to share with you the essence of our happiness and our existence—our reason why 8layer is still here, standing and would like to soar for us to achieve our goal of freedom.

We are happy. That 8layer coagulates the right mix. I feel more lucky than those with so much money because I found great people, with great values to work alongside with me (Hindi ako Nag-iisa!) living a simple life yet achieving the goals of other companies and sharing themselves to others.

We are happy. That at the onset, I really felt disappointed at how companies and people decide on what solutions and providers to take on for their organization. It was a strange feeling for me that our foreign partners and foreign companies believed and entrusted their work to us rather than to those with bigshot names. I kept on bugging our other IT practitioner friends (really good ones!) to come back to the Philippines because of lack of resource and talent but I can't blame them, they have more valid reasons than money. And so, We take our hats off to the men and women of multi-national and big companies for more than believing and seeing through our team that we can still spell and make a difference.

We are happy. That despite fears and havoc brought about by ignorance and greed, we will never be swayed to be used and abused for personal gains. That we will never forget why we are still here.

We are happy. That slowly and meaningfully, people and companies are now becoming to be aware of the value of intellectual property, of value of time, of talent and of people.... and of understanding why they need IT.

We are happy. Because we are still here at THREE and Counting...

Meric B.Mara
CEO

Saturday, March 22, 2008

ang aking EeePC

ang aking EeePC, ilang araw na din muna ng naiutang itong bagong laptop ko na sya ngayon bago kong laruan..na bukod sa madaling bitbitin sa mga kapihan, maayos ko namang na gagawa ang aking mga documents o ang pagsusulat din ng mga bagay bagay...sabi nga ni Mat.."ang CUTE". naalala ko lang nung dumating ito..di ko pa nga sya masyadong pansin dahil sa dami ng ginagawa ko nun,may tinotrobolshot pa ako at dadagan pa ng pagkairita sa mga TELCO..dahil wala kaming internet sa opis..down yung aming mga DSL.

pero nang maharap ko na sya, unang unang inupakan ko ay yung pag papalit ng desktop. do ko asi trip yung default nya. mas gusto ko kasi yung full desktop kesa dun sa basic desktop na default..good thing eh linux ang naka bundle sa EeePc mas madali kong nagagawa yung mga gusto ko at na iinstall yung mga software na gusto ko. sumunod kasi dito ay ang pag iinstall ng mga remoote at admin tool ko tulad ng nmap,telnet,ssh para kahit maliit yung laptop na ito eh malalakign server naman ang kayang kausapin o ma imanage.



sa kabuuan, medyo masaya ako sa laptop na ito,madaling dalhin,linux ang OS at ngayon na eenjoy ko din sya s aking mga gawaing opisina nilagyan ko na sya ng mga tools ko to track yugn aming mga projects,task manager at calendar. dito na din ako nag reresearch at nagdodownload ng email ko.



sa kabilagn banda, kailangan ko lang sya sigurong lagyan ng additional drive,upgrade yung memory at bilhan ng mga external na mga accesories..di ko pa masyadong iniisip sa ngayon..basta ang short term goal ko eh mag focus sa work gamitin ang laptop na ito upang makakalap ng pambayad sa kanya..hehehe! aba kailangan bayad ni aptop na ito ang sarili nya no...kunghindi..yare! =)

eeepc.asus.com/
eeeph.com/

Friday, March 21, 2008

obserbasyon sa cutud

ang cutud ay isang barangay sa pampanga. dinadayo ito dahil sa popular na pag papako sa krus tuwing biernes santo. marso abente uno, na kung nung highschool ako eh araw ng graduation ko ito..ngayon eh araw naman sya ng pagdayo sa cutod upang masilayan ang aktuwal na pagpapako sa krus (papular na tradisyon ito dito sa pampanga).

eksakst alas tres ng marating namin ang lugar, mainit,maalikabok, mahabang lakaran na siksikan sa daan. Eksaktong eksakto ang eksenang pag pako sa krus. kanyang kanyang tumpukan ang mga tao, nag kukwentuhan,nakatingala, kanya kanyang turo kanya kanyang litratuhan. lumulutang ang mga senturion sa kanilang pag papapicture at mga kasuotang may kapa pang kulay pula...


tatawa lang ako sa mga nag vivideo marahil nakatuon sila sa pagkuha ngunit yung tunog na kapaligiran na marahil ay nasasagap ng kanilang camera eh tunog ng team song ng selecta ice cream,walang paki alam ang mamang nag bebenta, kesyo may mga nananalangin, sumasamba, sya at ang kanyang karitong ng ice cream ay nangingibabaw ang alingawngaw.

may media, may mga dayuhan, na hindi papayag na hindi sila makaakyat sa itaas ng burol para lamang makakuha ng magagandang shots. click click ..dala ang mga mamahaling camera.



medyo suya lang ako sa mga mamang nakahubad (dun sa bandang sto nino..dito iniiwan yung mga sasakyan dahil hindi na ito pwedeng pumasok sa brgy. cutod sa dami ng tao), sigaw ng sigaw..walang inatupag kundi ang pag kubra sa parking. parking na halos parang ginto ang singilan...magkano? P150...na 150 na sakit ng ulo din ang dulot sa bukod sa mahal,pang aabuso ata ang mga pinapatupad ng mga ito sa araw ng semana santa.

isa pa sa obserbasyon ko eh mahirap palang pumunta din sa lugar na talagang hindi mo pa napunpuntahan..hindi na kasi lahat ng akala ko nung bata ako eh ganun padin sa panahong ito. dati kasi kahit saan ka mapadpad marami kang pedeng tanungan maraming mabubuti pang taong walang hangad kundi ang tulungan ka...ngayon kasi hindi..eto nga't ng papunta kami sa cutod. pag baba sa sto. nino. lahat ng mga tao eh sabay sabay na nag sasabing malayo pa ang lugar..mag pedecab nalang kayo..pag sakay sa pedicab at tanong..mag kano ba at malayo ba? naku malayo ho..nubenta ho ang biyahe (90 pesos)..sabi ko nga sa mamang padyak..mahal..grabe ka naman..bawasan mo, medyo napahinto sya at para bang nagiisip at nag mamath pa..maya maya may presyo na sya 70pesos..hay! grabe..sabi ko nalang..50 pesos ibiyahe mo na....mamaya mga limang minuto ang nakakaraan sa amin pag bibiyahe..ibinaba na kami. sa bay turo sa eskinita na dun daw ang daan papuntang lugar kung saan may pinapako..pag suong..at labas sa eskinita..mahaba haba pa palang lakaran! may mga nag ooffer pa ng sakay pedecab..grabe...syempre tanong ulit kung malayo pa ba..malayo pa daw..kailangan sumakay daw kami at ngayon naman 40 pesos ang bayad...sa huli 90 pesos na pamasahe..ang mahal! hindi malayo ang biyahe..mga pandurugas ng mga taal ng pampanga barangay CUTUD. marahil ay parte nga ng panata.

bahala na sila! malalaki na sila. para sa akin isang maganda karanasan. karanasan na hindi ko makakalimutan. ang makakita ng ipinapako sa krus at ma ekspiryens na ipako sa krus ng mga kababayang walang inatupag kundi ang makapanglamang...teka..marahil mas magandang title sa entry ko na ito ay "kikilan sa cutud"

Thursday, March 20, 2008

TAYO ANG GUMAGAWA NG SARILI NATING KWENTO

Medyo maaga akong nagising kanina, madaming tumatakbo sa utak ako at para bang nag sasabing “ HOY TUMAYO NA, DALI..GISING” dahil sa maraming kailangan bigyan ng atensyon at oras. Nakaka challenge na pagpa-prioridad at mga pag iisip kung paano isu-swak ng maiigi ang tinatawag time management. Mag aalis onse na ng makarating ako ng opis, sa hrapan ng aking dalawang laptop, (isang pinoformat at yung isa eh habang nag dodown load ng CENTOS v5.1 eh binuksan ko yung aking chat client.. nakakatuwa, online ang aking kapatid na si Kong,dalidali ko syang kinamusta. Nakakamiss! Matagal tagal ko na kasing hindi nakakakwentuhan yung kapatid ko na ito na sobra busy ko sa work at marahin sya din busy sa kanyang work (sya ay nasa larangan din ng IT)sa aming kwentuhan eh isa isa kong kinamusta yung mga mahal namin sa buhay.Yung kapatid ko na si "KAKA" na nag aaral din sa ADAMSOM pero Architecture ang kanyang napiling larangan at hindi sa IT, nagtatawanan nga kami nung amin napagusapan itong aming bunso na si Kaka, medyo nag pahaging lang ako ng konti kay kong…(Nakita ko kasi one time yung blog nya..meron syang sinulat dun na di ko makalimutan..”TAYO ANG GUMAGAWA NG SARILI NATING KWENTO)..pinayuhan ko sya ng konti patungkol kay “kaka” na pwede nyang I guide..pero wag darating sa punto na sya yung gagawa ng mga asignatura nito sa pag aaral yung mga research ay dapat Sya mismo at tumutuklas at gumagawa..hindi sapat ang sahin mong "WALANG ORAS" eto daw kasi ang dahilan ni kaka sa sobrang dami ng kanyang projects...sinasabi ko ito kay Kong para Makita din ni kaka yung puwang para sa improvement nya, para sa igagaling pa nya na kung sya mismo at gagawa ng mga bagay bagay pa patungkol sa kanyang pagaaral at mga desisyong pang sarili. Napagusapan din namin at aming mga pinsan mga pinsan na ngayon lang naman nakakapiling dahil sa ito’y mga lumaki talaga sa aming probinsya sa "STA CRUZ ZAMBALES” yung isang pinsan ko eh mag tetraining daw sa amin, eto nga't halos araw araw eh nag tetext sa akin upang mangamusta at mag tanong tanong sa kung ano nga mga bagay bagay na ginagawa naming sa opisina mga bagay bagay na gusto nyang matutunan..yung isang pinsan din namin na si Rhea na sa amin na ngayon sa "Manggahan sa Caloocan" tumutuloy, nakakatuwa at isang taon nalang eh ga-graduate na sya..NURSING at nag aaral naman sa Fatima College. Ang bilis ng panahon!

sa aming kwentuhang mag kapatid ah nasagi naming pag usapan si “NANAY”.(nanay ang tawag namin sa aming Lola).sabi ko nga kay kong..KAMUSTA na SI NANAY? Miss ko sya…nakakatuwang isipin dahil sabi ni Kong..eto malakas naman at NAGSISIBAK PA NGA ng kahoy! Ang Lolo talaga…din a nag bago..KLASIK na KLASIK…yung bata pa kasi ako, katuwang ako ng lolA ko na ito SA PAG LULUTO ng mga ampaw, suman na moron, banana-q at kamote-q..mahilig din kasi mag luto itong lola ko at binibenta sa mga kabitbahay..at eto pa..isa ako ng mga nag lalako nito..inilalagay ko pa nga yung bilao sa ulo at habang nag lalakad sa daan at sumigaw ng SUMAAAAAANNN….na miss ko tuloy si nanay! ) sabi naman ni Kong i-ki kiss nya naman daw ako ke nanay eh.

anyway..nag tapos na din kami ni Kong sa aming mahabang kamustahan at kwentuhan…sabi ko nga sa kanya! Sana madalas..sana may mga panahon sya na ang gumawa ng paraan upang mag kakwentuhan din kami ng mag kakaharap an gaming mga pinsan…pasasaan.mangyayari din ang mga iyan…na exicite lang akong mangyari ang mga pagsasalong ito, marahil sa mga pagbibinata at pagdadalaga ng akong mga kapatid mga pinsan eh marami na silang kwento sa buhay. Mga kwentong kapupulutan ng aral..saya! mga hinabi ng kanya kanyang karanasan.

Monday, March 17, 2008

8Layer Avi8tor Suite

Halos isang lingo ding pa contest ang nangyari sa aming opisina. Tungkol sa saan? Paligsahan ng pagiisip ng ipapangalan sa aming bagong productong “ERP” oo ERP na gawang pinoy at webbase ito na gawa sa PHP,SYMFONY,APACHE at LINUX. Matagal tagal din ang aming mga binunong panahon, at pinagsamasamang mga galing para sa proyektong ito..syempre gawang 8liens. eto pa, may mga papremyo: eto nga yung huliung parte ng email ko patungkol sa premyo ng paligsahan ito.

"ang mapiling pangalan ng ating ERP may libreng entrance sa 70'sbistro =) at syempre beer hanggang malasing. bonus: meron akong nakulang "key chain" yung huling pumunta kami sa IBM event..ibibigay ko na din sya bilang premyo. =) note: yung key chain ay TIRA ata ng IBM last year..kasi nakalagay eh.."IBM PHILPIPINES 70/07 celebrating 70 years" eh 2008 na kaya..."

The PROJECT: The AVI8TOR
he AVI8TOR is 8Layer's ERP Suite. IT is a webbased tool or application with the goal to integrate information, data and processes of an organization. Apart from the long haul objective to decrease cost of quality and increase productivity, the benefit of such system is to effectively plan, manage, effect implementation and empower management with decision on the fly. The system shall integrate Customer Management, Trading, Purchasing, Accounting, HR and Payroll, Sales, Delivery and Logistics and Inventory. Furthermore, USERS are not licensed based or unlimited.

Concept and Rationale:
•To eliminate the manual and clientbased processes to create realtime system that would
integrate such processes defined.

•To develop and install a web based tool that can minimize maintenance and provide ease of
consolidation. Remote access to reports and processes can also be achieved with this
particular system.
•To validate inventory, estimation or actual finances in the form of sales, payables,
collections, incentives, etc.
•To manage and monitor all procedures and processes real time.


balik sa paligsahan: syempre kanya kanyang entry kanyan kanyang pagalingan at kanya kanyang tagline

Pangalan ng ERP: 8lienSuites
tag layn: open ERP for growing business


Pangalan ng ERP: bERP!
taglayn: Busog ang business mo dito!

L8AP (read: Leap) Application Systems
Tag: Get your business ahead with a L8AP.

L8AP Applix --> L8AP Application Suite

Pangalan ng ERP: 8's ERP or 8'sERP*
tamang pagbigkas:*(eyt's iy-ar-pee) or (eyt'sERP) or whatever
tag layn: Keep moving forward...

Pangalan ng ERP: *8's ERP or 8'sERP** *

Pangalan ng ERP: ERAP (Enterprise Resource Autonomic Planning)

Pangalan ng ERP: octalien
tag layn: 8's penguins., for lyf!

Pangalan ng ERP: SERPET stands for "Simplified Enterprise Resource Planning made by 8layer Technologies"

Tag Line: "OpenERP : A Basket of Strategy,Hassle free to manage a Growing IT Business Industry"


erp8t->kasi papa's girl ako eh...miss ko na si papa huhuhu...kninang umga tumwg xa napaiyak ako...miss ko na papa ko *teary eyed*

pangalan: TRANSERP
tagline: To reach all needed in a suitee(system kung anu-anu pang simula sa s) ERP

Pangalan ng ERP:
8 l i e n E R P v1.0
l
i
e
n
E - ERP for your business
R - Rapid
P - Progress!
v1.0
ERP for your business Rapid Progress! - db ang gandang pakinggan? hehehe.
P.S.:
may "v1.0" pa yan ha. hehehe!

Pangalan ng ERP: 8LIEN MENTES (8lien minds)

tag layn: "A proactive solution for a brighter business future."
tag layn2: "The next mainstream in ERP solutions!"

Pangalan ng ERP: 8Layer Avi8tor / Avi8tor Suite
tag layn: Because business is meant to fly.

Pangalan ng ERP: 8Layer HALO(tm) Suite
tag layn(s): Because business is meant to fly.

Pangalan ng ERP: HALO-HALO(tm) Sweet
tag layn(s): A-a..gawang pinoy ire!

pangalan: OCTOPUS
tagline: For all your enterprise needs. (or pwede rin Customized to your needs...? Kaya ba natin un?)


AYAN! ganyang kadami yung mga pagpipilian, pero syempre isa lang ang pwedeng manalo...kaya! matapos ang masusing pagaaral. ANG NAG WAGI..SI KUYA REY...yung "8layer Avi8tor Suite" mabuhay ka kuya Rey! eto pa...syempre may picture taking ito..no..no... =)

Friday, March 14, 2008

Kasal na si pangkie!

Umaga palang ng march 11 eh may txt message na akong natagap “agahan nyo dapat mga 7pm..dumating na kayo kasi iyong yung oras ng pasabit”….medyo madami pang tinatapos nagawain sa opisina..marahil dahil sa kailangang mag doubletime dahil sa salot at sigalot na idinulot sa aming negosyo at oras ng isang lukaret na piling sa pagnenegosyo….kaya muli..double time…kaya matapos ang ilang proposal..dalidaling takbo naman sa isang client sa las pinas…at nagbabakasakaling ma iclose yung isang deal na iyon…inabot din kami ng halos mag aalasotso sa pagdemo at patetraining…di man ganap na na ko-close pa ang deal…eh nag paalam na kami ng maayos…matapos pumapak na masarap at mainit init na MANE eh...bitbit ang pabaong mga cookies at dali dali na ang pagtakbo sa batangas city upang abutan ang sayawan at bisperas ng kasal ni pangkie…

MAg aalas onse na ng gabi ng marating naming yung bahay nila pau sa greenwoods batangatas city..sino sip au? Siya ang kabiyak ni pangkie…oo mag aalas onse, sinalubong kami ni pangkie at pinakilala sa ilang mga personalidad sa kanyang pamilya.ang kanyang maadder…madder ni pau…syempre sa haba ng biyahe..kailangan kumain..ang hirap nga lang kumain ng panahong iyon..sa dami ng pagkain di mo alam kung ano ang putaheng uunahin mo..sampung baboy ata ang nakatay ..umaapaw sa pulutan..este ulam..may kilaw..dinuguan at kung ano ano pa..nakatutuwa lang isipin na habang kumakain ka eh nakakanood ka pa ng mga tin-edyer. Na nag sasayaw sa ilalim ng strobelite sa gitna ng kalsada sa harap ng bahay nila pau…ang saya! Naalala ko yung mga kasalang napanood ko nung ako’y bata bata pa, hawig..may mga sayawan at sa bahay din ng babae madalas nagaganap ang mga kasiyahan..may mga pasabit (eto yung pagsasayaw ng mag-irog at sinasabitan sila ng mga pera ng mga manonood ot mga kamaganak..ang mga ito ay magiging unang pera ng magasawa) iyon nga lang..di na naming naabot yugn pasabit ni pangkie..(saying din at di nanakapunta ang dekada boy’s..si PING kasi eh….PING..dami ka ng utang at mga promis..sana next time wala ng ganito ah…) anyway, may munting kantahan naman..bumanat naman si CHOX ng “knocks me off my feet”..oh I don’t want na bore you with me….”oh boy I love you I love u..” wiewit! Mabhuay ka chox kasi ikaw lang ng matapang tapang kumanta sa saliw ng gitarang parehas ata ang string number 1&2.

Umaga na! AYUS! MARCH 12 na..at araw na ng kasal, di ko na ikukwento yung mga panahong bagong gising at kanya kayang madaliang ligo para makaabot sa 9am na kasal ni pangkie..basta ang natatandaan ko lang..pag tapos kong maligo..eh sinalubong akong ni jasper na sumisigaw ang nag tatanong “SINONG MAY TISSUE?”

Maganda yugn simbahang napili, bago pa! pwede ka ngang mag mall..dahil ito ay nasa tabi ng SM batangas city. Sa bahay naman! Madami dami ding mga bisita. Marahil mga taal ng lugar na iyon..pardito ni pau at ni pangkie ang mga nagdodomina. Syempre..kami! pamilya ni pangkie din na TAGA remco tower naman, na matapos kumuha ng madaming pagkain eh dun pumuwesto sa likod..kasama ang mga karpentero sa ilalim ng matinding sikat ng araw…nagkukulitan! Nagkakainan. Nakakatuwa lang isipin na para bang ayaw huminto ang pagdating ng pagkain..may dumating pangang “UNAN” este/..KAIN na halos kasing laki ng UNAN at pwede mong tulugan sa laki…AT ETO PA..ihehele ka ng “ARIMUNDING MUNDING MUDING MUNDING”..ARE MUNDING”…na awit ng isang lola na na boses lolo na di ko maipaliwanag..dahil ako’y naiindak sa kanyang pag awit…hehehe..ARIMUNDING…di na rin kami nag tagal!!! EAT ng RUN nga ika nga…matapos ang pananghalian nag paalam na kami sa mga magulang ni pangkie at kay pangkie..madami pa silang mga kailangan asikasuhin at madami pang bisita..kaya sa aming pag uwi! Aba..may pabaon pang isang plastic bag na malaki na puro ulam at salad..may lecheplan pa nga…CHAMPION!..kaya anong masasabi ko sa kasal ni pangkie!...CHAMPION! NABUSOG MO KAMI…

Ay meron pala..MAGALING KA NA RIN PALANG MAG PHOTOSHOP =) hehehe

CONGRATULATIONS ULIT!

Thursday, March 06, 2008

Isumbong mo sa lelang mong panot.

Kanina habang nagkakape sa Coffe Bean sa makati (greenbelt) meron akong binabasang isang mahalagang documento..isang position paper na ginawa ng aming grupo…kasabay ng pagbabasa eh yung pagbabalik tanaw ng bata ako na kung saan pinapalo ako ng lolo ko ng buntot ng page at ng aking papa ng sinturon na di ko alam kung anong balat ng hayup iyon sa kapal at talagang pantal ang mangyayari sa iyo pag inabot ka…eto kasi yung isa sa pamamaraan ng pagdidisiplina sa amin noon..naalala ko kasi na isang beses yung grade 5 ata ako nun..napalaban ako sa kalye ng basketball..syempre..panalo! ang pustahan..isang boteng POPCOLA (mala mucho ang laki)..nakakainis lang isipin na PANALO na nga kame eh may isang umapela pa….yung isang kalaban naming na di ko alam kung anong posisyon nya sa basketball kasi ba naman..lahat ata eh ginagawa sa loob ng basketball court. Hindi siguro nya kinaya yung mga super powers ng aming team (MYC) oo..MYC yung unang team ko sa basketball (mangganian’s youth club)…ABA itong lintek..nagsumbong sa kanyang TATAY! At itong tatay naman eh dali daling lumusob sa amin sa basketbolan…malas ko lang! umuwi na mga kakampi ko ning mga panahong iyon..kaya ayun an gang INABOT…anong nangyari? Wala lang naman..sinabi lang naman ng tatay na dapat kami daw ang manlibre ng POP kasi kami ang talo…HAHAHA! Ang korni..pero ayun..sabi ko nalang..ubos na po at tapos nap o yung laban..aba! sineryoso ako ng kolokoy..pasugod akong sasampalin ng tsinelas..BUTI nalang nakatakbo ako….HINGAL na hingal na umuwi sa bahay namin…tamang tamang nagpapahinga kasi nun yung papa ko sa upuan naming sa SALA!..dahil feeling na naargabyado ako..SYEMPRE! sumbong ako sa PAPA ko…PA yugn tatay ni gerald..sinugod ako sa basketball court sasampalin ako ng tsinelas buti nakatakbo ako…aba imbes na pakingan ako..ISANG matinding hataw ang inabot ko! At isang malakas na sigaw…AYAW na AYAW kong LUMALAKI KANG SUMBUNGERO..KUNG GAGAWA ka ng mga KALOKOHAN mo dapat matutukang I SOLVE O PANINDIGAN MO…(balik sa kapihan sa Coffee Bean)..napangiti ako kasi naalala ko yung mga pangyayaring ito nung bata ako..nagpapasalamat ako kasi may ganito akong pagkatuto yung bata ako..mahusay ang pagdidisiplina…kasi may mga tao akong mga nakasalamuha na ngayon palang ata nagiging bata sa kabila nang kanilang edad…ngayon gumagawa ng mga kasagsagan ng mga kaululan ngunit pag hindi kayang mapanindigan..kung kani kani nag pupuputak..PUTAK DOON..PUTAK DITO..PUTAK ng INA….matatawa kang pagmasdan..tuliro, wala sa sariling bait at walang pagpapahalaga sa mga oras ng may oras at talino.…maraming satsat..may mga ESCALATION PANG kwento…MADRAMA! Iyak nang iyak na parang bata na kumukuha ng atensyon ng lahat..ngunit sa kabila nito ito’y isang IYAK na talagang plinano upang makakuha ng mga simpatya…pagbabalatkayo!...may mga ganito pa palang mga taong nabubuhay sa drama..nabubuhay upang magtapon ng oras para sa mga pinaglalabang mga kaululan..pandaraya...at nagpipilit mangaalipusta sa mga may alam..katatawa at kaawaawang nilalang.

(balik sa binabasang position paper)…nasa huling pahina na ako! Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang na sa kabila ng aming kahirapan..sa kabila ng di pagkakaroon ng marangyang buhay nung kami’y mga bata pa…naibigay naman nila yung tunay na disiplina..maging patas..maging mapagmahal at magmalasakit sa kapwa..lumaban at ipag laban ang prinsipyong “TUNAY” na kayamanan…gamitin ang edukasyon at leksyong pinamana at iginapang para maging sandata sa hamon ng buhay! Walang sumbungan..laban...

Kung ikaw eh walang laman at para bang natalo o nalugi ka ng tadhana…kung ako ikaw..ISUMBONG MO NA LANG SA IYONG LELANG NA PANOT! =)