Saturday, September 22, 2018

Batibot,nasan na?

Batibot,nasan na?
May Akda: Meric Mara

Naaalala pa ba?
Mga alala ng batibot
Yung bang pagmulat ng mata
Ang langit ay nakatawa =)

Ang paraan ay kagiliw-giliw
Magtatanong ka ng alin ang naiba?
Ang pagong o matsing?
Si ningning ba o si ginging?

Sinong bang makakalimot?
Kay Kapitan Basa?
Sa daldal ni Irma Daldal?
Lahat ng karakter at bida

Tapos ang perlas ng bilog
Ni manong bolang kalog
Ang atin mga ate at kuya?
Na ngalan ay bojie at sienna?

Ang mga kantang tinapang bangus
Ako ang kapitbahay at kaibigan
Paano na yung kapitbahay nyo?
Na laging handang tumulong sa inyo

Hay! nasan na?yun alin ang naiba?
Ang saya-saya kaya noong bata pa?
Ang mga liksi at mga sigla
Doon sa batibot,tayo na?

Babalik pa ba? mga bata sa batibot?
ang dating inaabangang batibot?
nasan na? nasan na?
ano ulit ang Maliksi at masigla?

Batibot,nasan na?


Sunday, September 09, 2018

Miss ko na si Mama!




Miss ko na si Mama!
May Akda: Meric B. Mara

Si Mama ko na masigla
Si Mama ko na masalita
Si Mama ko na matulungin
Si Mama ko na kumpyansa
Si Mama ko na matalino
Si Mama ko na mapagmahal
Si Mama ko na istrikto
Si Mama ko na magpamalasakit
Si Mama ko na palangiti
Si Mama ko na matapang

Si Mama na nasa ospital
Si Mama na matamlay
Si Mama na hindi nagsasalita
Si Mama na natutulala
Miss ko na!

Sisipol nalang ako



Sisipol nalang ako
May Akda: Meric B. Mara

Sisipol nalang ako
Pag may hindi gusto
Sa mga maling paratang
At mga nang-gagago

Sisipol nalang ako
Sa mga kwentong iniimbento
Nitong mga mangmang
At nag pifeeling henyo

Sisipol nalang ako
Sa mga dasal na hindi totoo
Baka mapunta sa impyerno
Sisipol nalang ako

Sisipol nalang ako
At bibilang ng tatlo
Sisipol nalang ako
Kaysa manapak ako ng bobo

Sisipol nalang ako

Sunday, September 02, 2018