Tuesday, January 15, 2008

Regalo ni kaka

madaming beses na akong nagbertday..madaming beses ng di ko alam na bertday ko na...at marami na ding nagregalo ng kung ano ano...pero ngayon di ko malilimutan yung "REGALO ni kaka". si kaka yung aming bunsong kapatid nag aaral sya sa adamson bilang isang architect...syempre di ko na iyayabang..kapatid ko eh..

nakakatuwa lang, kasi mula ng bata itong kapatid ko na ito..ngayon ko lang naramdaman yung regalo nya...ano iyon? isang calling card holder na may nakatatak na pangalan ko..o ha! sosyal. naisip pa iyon ng aming KAKA.

sabi ko nga ..wala lang..natuwa lang ako! =) salamat kaka.

Tuesday, January 01, 2008

happy bertday to me!

happy bertday to me!

tatlumpo at isang taon na ang nakakaraan mula nang aking pagsilang.
marami rami din ang bumati. masaya! maingay at nakakabusog na bagogn taon.
oo kasabay ng aking kaarawan ang araw na pagpapalit ng taon...ang araw ng "BAGONG TAON"
katabi ang isang boteng beer,laptop at bash scripts..okay na..solve na!

madaming nagtext at nagtatanong ano daw ang aking mga new year resolutions.
sa totoo lang? di ko pa kasi alam..kaya di ko sila masagot..di ko pa naisusulat sa akong VIM editor
tulad ng mga drafts at mga technotes ko na nakasafe sa draft folder ko sa loob ng aking linux-sa home folder.
may mga nagtatanogn din kung ano ang personal na regalo ko sa aking sarili...nagiisip isip..napapangiti..
sabay tutok ng hintuturo sa aking sintido..hay!...di ko pa din maiisip! marahil hindi ngayong araw na ito..ewan!..baka bukas..isang araw ngayong linggo.
di ko pa alam...marahil sa isang buwan..kaya sa mga nagtatanong pasensya.

ngayong bertday ko kasi! gusto ko lang magisip. magsulat..tumula! magmasid! payak at walang halong kahit ano.
batiin ang sarili ko...maligayang bati! maligayang kaarawan! marahil matapos ang isang tulog! lalarga na ako..
magwawala! mag sasaya kasama ang mga kung sinong nais makisaya at maglasing...celebration ika nga nila!
maki jam at kung ano ano pa...

tulad ng mga "balita at mga palabas" sa telebibisyon. isa sa mga kaigayahan ko lang ngayon kaarawan ko
eh mag baliktanaw..ano ang mag masasaya at mga masasaklap na pangyayari nitong nakaraang taon..mula ng huling bertday ko..
aralin ang mga pangyayari..isulat ang mga dapat ituloy at mga dapat iwasan! pumikit at dumilat sa katotohanan..maging maingat at payapa.
payak...kasabay ng masarap na simoy ng hangin na syang sumakod sa gabign payapa matapos hawiin ang mga usok sa paligid na likha ng mga paputok at mga kwusitis na syang nag tataboy daw ng masamang ispirito sa kalaigiran.

isasabay ko na rin marahil ang awit ang aking puso at mga dalangin habang nag mumuni sa mga ingay at kasiyahang dinudulot ng videoke sa aking kapaligiran..
mga tawa ng mga bata at huntahan ng mga naglalasing.

nasayang ngiti! isang patak ng mahihing luha..solve na!
ang iba ay dyos na ang bahala.

ang mahalaga! nadagdagan na naman ako ng isang taon..isang taon upang magpatuloy sa aking paglalakbay.
taon upang matutoo at magbahagi ng kaalaman.

muli! MALIGAYANG BATI...SA AKIN! MALIGAYANG BATI..MR. MERIC MARA. naks!

SALAMAT ULIT SA MGA BUMATI! maligayang bagong taon sa inyong lahat.