Monday, August 23, 2021

Positive Psychology

Kwentuhan ko lang kayo.

Sabi ko kay Sophia Quin-Mara. (Habang kumakain ng pancit canton) Maganda siguro kung mag kukwentuhan tayo lagi at bago matulog ng mga 3 positibong nangyari sa atin sa araw-araw. Pagusapan din natin ang mga pangit na bagay at tingnan kung paano ito magiging maganda.

Kung ating sasanayin kasi ang ating mga utak ng mga magagandang bagay, ito ay magbibigay ng magandang kahihinatnan sa kung paano tayo mag-isip at gumanap. Syempre wala namang perpekto, ngunit sa mga nangyayari sa ating mundo (nandyan ang pandemya, ang pg-ulan at pag-baha, ang pagbiyak ng lupa atbp). Kailangan natin ibahin ang diwa ng ating pag-iisip at pag-ganap. ‘Wag na tayong dumagdag sa sakit ng mundo. Ngayon ang panahon upang maghatakan tayo paitaas. Hindi natin na kasi nakakalkula kung paano ang sikad ng inang kalikasan. Kaya mas madalas, tamang tayo’y nananalangin.

Maganda ding p    alibutan ang ating mga sarili ng mga taong hindi “Toxic”. Yung hindi puro negatibo ang lumalabas sa bibig lalo’t yung mga nanlalamang. Nakakahawa kasi…yung mga palusot ng palusot. Naku,sakit sa ulo yan. Sa amin nga, natutuwa akong nabigyan kami ng mga challenges sa pag-gawa. Dito kasi nahahasa namin ang aming sarili upang maging creative, upang magkaisa at nakasalamuha ang mga mahuhusay sa aming larangan. Yung matuto lang kami sa isa’t isa ay napakalaking bagay na. Paano pa kung susumahin natin ang ating mga nagagawa upang mag-bigay saysay sa ating mga kababayan, sa ating bansa? Wow! Langit yan! Mahirap ngunit sa huli,masarap. Proud akong makatrabaho ang mga mahuhusay na kasama yung mahusay makaunawa. (Kilala nyo naman kung sino-sino kayo, kayong mga madalas kong pasalamatan)….Kayong may mga “Malasakit”.

At pag natapos ang isang buong araw….alam mong may nagawa ka, may narating kahit paunti unti.
Pwede ng matulog ng mahimbing.



No comments: