'Wag matigas ang Ulo.
Noong bata kami, Early 80's iyan. Nauso ata na papaluin ka ng tatay mo tuwing mag-kakamali ka. Tuwing hindi ka mag huhugas ng pingan at mag-iigib sa balon atbp. Nais lang naman nilang matuto ka ng mga gawing bahay at maging matikas sa mga hamon ng buhay sa iyong pag-tanda. Gayun din naman ang nais ng ating gobyerno para naman mapaglabanan ngayon ang pamdenya, ninanais nilang sumunod tayo sa lockdown na pinapaimplement nila. Syempre, mahirap sa ating lahat iyan, mahirap para sa ating mga kababayan dumidiskarte lang para mabuhay tapos biglang maglalockdown, mahirap din iyan sa ating Ekonomiya at sapul na sapul ang mga kabuhayang Pilipino nito.
Sa Ganang akin, wala namang problemang sumunod lalo't nasanay naman tayo noong bata palang na laging sumusunod upang 'wag mapalo. Ang nakikita kong problema ay walang tamang istratehiya ang ating gobyerno, Parang Tsumatsamaba lang,lantad naman eh. Paulit-ulit na yung lockdown natin. Yung mga naimpliment na contact tracing noon? Nasan na? nauwi na ata sa kwentuhan? Sumunod naman ang mamayan dyan, Ang tanong anong naging output? Nasaan ang kapakinabangan maliban sa mas madami lang ang mga namatay? Anong pakinabang dyan? Maliban sa mas madaming naghihirap,anong kapakinabangan dyan?
Ngayon, May programang bakuna at vaccine passport pa tayong pinag-uusapan? Paano nyo gagawin iyan? Hanggang kailan iyan aantayin ng mga kababayan natin? ang kukupad kaya nitong mga taong gobyerno natin na nangagasiwa nito. Puro lang "feeling" na nakakakaunawa. Ngunit salat naman tunay sa pagmamalasakit sa ating kababayan..sa URGENCY!!!. Centric kasi na pagsasabi sa sarili na "basta ako may trabaho sa gobyerno",(Eh ano ngayon?) pero hindi iniintindi ang mga mamayang pinagsisilbihan nito.
Sa usaping ito, Sino ba talaga ang matigas ang ulo? ang Nagpapatupad sa batas? o ang tumutupad sa batas? mamayan? o taong gobyerno? may kanya-kanya tayong sagot dyan. Pero sa pagkakataong ito, may problema tayong kinakaharap. Kailangan ng agarang Aksyon.
Sana lahat 'wag matigas ang ulo.
No comments:
Post a Comment