Alam nyo bang ang pagbabasa ng mga posts at comments online lalo't sa Facebook ay minsan Toxic sa ating katawan. Nag dadrive ito ng negativity at minsan Depresyon, mas masama, mag dulot pa ito ng anxiety sa ating mga sarili. Nangyayari din ito pag nahina-hina ang iyong pangunawa sa mga contents ng pinost. lalo't madalas iaassociate mo ito sa iyo. Kasalan mo ito sa iyong sarili, kasalaman din ito ng mga matatandang nagtuturo sa iyo...maaring magulang, o mga impluwensya ng mga maling kaibigan. (Kaya ingat sa mga nag susulsol, dapat gagawing kang mabuting tao, hindi yung gagamiting kang instrumento lang para maging mapanirang tao) Magkaroon ng sariling bait.
LinuxG33K,Geekineer,Open Sourcerer,Social Entrepreneur,Certified Linux Engineer,Computer Engineer,Explorer,Community Volunteer,Poet,Lyricist and Composer
Friday, November 26, 2021
Payo lang
Kaya payo lang mga Tsong:
1.Focus lang sa positive comments, makakabuti ito. Pag naiinspire ka kasi, mas madami kang magagawa. Mas mabuti kung magiging ehemplo ka ng pag-asa at magandang gawi.
2. Alamin mo yung “predisposition” mo sa buhay. Baka mamaya eh may problemang asawa ka, problemang kaibigan at problemang trabaho *tinangalan ka ng work. Aba'y 'wag ka munang mag online, maaapektuhan ang mga desisyon mo. Maapektuhan mga stands mo. Makakalimutan mo ang mga magagandang bagay na dulot ng mga nakaraan. Kasi nga Weak ka! Tandaan, “Touch move” tayo pag nag-react ng alanganin.
3.Mag-aaral din minsan para tama ang pag-uugatan. Mahirap kasing mangmang ka na,tapos magiging iyakin ka pa. Aba'y kawawa naman ang katawang lupa mo. Dapat factual lang para mas magaang dalhin. Ang ending nyan mag iscreenshot ka ng wala ka namang basehan. *Ginagawa lang ito ng mga taong nag hahanap ng simpatya. Kaya muli, aral-aral din. Libre naman!
4.Idelete, block or iignore mo nalang. Sayang ang mga panahon lalo't tumatanda ka o inaasaan ka na ikaw ang magdadala sa isang grupo. Tapos hindi mo mapakitang marunong kang umunawa. Sakit nyan Brad, lalabas nagpipilit ka lang sa bagay na hindi mo gagap. Kaya ierase mo nalang. Ok?
5. Ilimit nyo lang ang oras din ng mga pag-babasa nga mga comments. 'wag ubusin ang oras at sayang naman. Pwedeng gamitin sa mga magagandang bagay. PWede mong idate asawa mo, or pwedeng mas maging produktibo. Mahirap din yung trying hard ka lang.
Eto lang muna ang mga masasabi ko. Salamat sa inyong pag-babasa!
Magandang Araw!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment