Tuesday, January 11, 2022

Paalam Tita Nene!


Ang bigat naman nito. Nabawasan na naman kami sa Pamilya. Paalam tita Nene!

Si Tita Nene ang bunsong babae na tita ko sa “Father side”. Matapang, Malakas ang loob at mapagmahal na ina (Tita sa amin). Mapagmahal at supportive iyan sa kanyang mga kapatid, kitang kita ko yan sa Tatay ko at kay Tita Auring. Isang tawag lang at nandyan na ang tulong nya. Nasa Amerika sya ngayon at dun na nanirahan, dun na din tinawag sa kanyang huling oras. 🥲🥲🥲

Syempre mabigat sa Pamilya, ayaw papigil ang pagdaloy ng luha ng pag-ibig. Mahirap man tangapin, tayo’y tinuruan ng pang-unawa sa mga ganitong sitwasyon. Tao lang! Nagmamahal!
Sa aking mga Magulang, mga Tito at Tita, mga Pinsan, at mga kaanak,

Mahigpit na yakap! Tayo’y mag aalay ng panalangin at mag-gugunita sa kanyang mga magagandang ala-ala. mananatiling buhay sa ating puso at isipan si Tita Nene. 🙏🙏🙏

No comments: