Tuesday, January 11, 2022

TeknoTsamba!

 Usapang Technology lang.

Uso pa ba ang contact tracing at case investigation system? *Hanggang umpisa lang tayo eh..porma lang. Yung mga info na nakolekta sa atin eh nagamit na para bentahan tayo at itext ng kung-ano ano. (iling nalang muna tayo, may araw din kayo!)
Ang laking bagay sana kung may working version tayo nito. Lalo ngayon, na dumadami ang cases. Lalo ngayon at uso na ang pangangampanya ,Madaming mga tao ang nasa labas at naghahawaan , maraming tao ang dumidiskarte nalang para mabuhay sa kabila ng tuloy-tuloy na pagtaas pa ang bilang ng mga kaso ng COVID sa bansa. Patay kung patay, Matira ang matibay.

Madalas-dalas ko ding nabibigkas ito kay Sophia Quin-Mara, Paano kung walang Technology? Paano? mapagwawagian ba ng tao ang COVID? Paano masosolve ng mabilis ang Vaccines? Marahil ubos na ang tao sa Mundo. Ang ganda kasi talaga kung pagaganahin ng tama ang teknolohoya, Malaking bagay ito sa automation. sa supply chain atbp. Etong naidulot lang ng mga digital payment at online stores, saludo na ako eh, darating nalang sa pinto ang produktong gusto mo.. pero kung pupunahin mo, madalas inisyatibo ito ng mga private entities, ng mga mayayaman. idagdag pa natin dyan yung nasa remote lang ang lahat ngayon at nagiging epektibo na sa pag-gawa...work from home etc.. nasanay na ang mga tao dyan. Iba talaga ang Teknolohiya.

Mas nararamdaman ko lang kasi na parang "way of life" ng mga private entities yung mga ginagawa nila kaya napag-huhusayan. Madami din namang sabit na proyekto ng private at gobyerno lalo't may kinalaman sa Pandemic kasi ang "kurapsyon"ang pinaghuhusayan, Hindi kasi nila ito "way of life" lalo't walang tongpats. Kawawa ang mga pagtataya ng buhay ng mga Frontliners natin. parang ganun ganun nalang. (Salamat pa din ako sa inyo at sa mga kaibigan natin nasa gobyerno na may tunay na dedikasyon sa pag-gawa) Kaya bawat nawawala nating mahal sa buhay, Sorry nalang. *Nakakasama mang isipin, sa Pinas, ganun talaga. Wala pang harmony sa iba't ibang sangay ng lipunan kaya walang epektibong paraan para sa pag-unlad,
TeknoTsamba!

No comments: