Friday, July 23, 2021

Rason.

 Rason.

Syempre pangarap nating maisayos ang lahat. Kaya tayo gumagawa ng istraktura. Tapos lagi nating pinapaalala na okay lang ang mag-kamali ngunit dapat matuto. Ang hirap kasi pag ang mali mo ay paulit-ulit at laging ganun. Parang “First honor” at may gintong medalya sa papaulit ulit na pag-kakamali. Lekat yung ganun! Mapapaikot ang ulo mo sa banas. Tapos iisipin mo na milyong milyong pera ang nagiging damage. Idagdag pa natin dito ang mga puyat,oras at mga resources na natatapon. Sayang talaga!

Pag may mga ganitong sitwasyon, dapat may umaako ng mali. Dapat hindi nagtuturo. Nasan ang sinasabing matutong humarap sa pagkukulang kung pilit nating tinatapalan ng mga dahilan? Mga rason? Mga rason na bumubulag para sa mga progresibong pag-unlad.

Mag-simula ng magbago. Mag simula ng umintindi na sa ating mga kamaliaan,tayo’y may nadadamay. ‘Wag ganun!


No comments: