Hindi naman talaga lahat nagmamalasakit, madami sumasampa lang para sa sarili nilang mga interest at mas worst eh manlamang(Ika nga, survival mode yan eh). Madali naman malaman ang mga taong may malasakit at pakiramdam, yun hindi puro kabig. Alam lumugar at may binibigay ng tamang oras para sa tamang kalalagyan nito.
Actually, may mga nahihirapan sa buhay dahil may mga nagpapahirap, at madalas hindi nito gagap ang mga ganap at pangyayari, akala ng mga ito ay normal lang ang lahat. Lagi ko ngang sinasabi ang aral sa pangangalakal. Pag bumili ka ng isang sakong semento na nagkakahalaga ng dalawang daang piso. Dapat tama ang palitan. Pag inabot mo ang 200 pesos mo, bibigyan ka ng isang sakong semento. Ganyan din sa buhay lalo sa usapang trabaho at pag-gawa. Kung anong inaasahan sa iyo dahil sa karampatang sweldo mo eh ganpanan ng walang pag-aatubili. Walang lamangang ika nga. Kaysa naman pasok ka ng pasok para mag bi-si-busy-han. Pero wala namang saysay ang iyong pag-gawa. O kaya, papasok ka ngunit iba naman ang iyong ginagawa. Mas malala at mas Baduy iyon! Pag work from home naman, mag report at mag paramdam. Ika nga, ibigay ang nararapat para sa inyong mga tungkulin. (‘Wag mag assume dahil may mga nagtatrabaho ng tapat at sumusunod sa mga alituntunin)
Kaya bilib at saludo naman ako sa mga taong higit ang pag-gawa, inuunawa ang mga pangyayari at ang mga ninanais na paglago sa buhay at pagtungo sa progresibong pag-gawa. Ayaw ng may nakikitang pangit sa kanyang ginagalawang mundo, mapagkumbaba at may mga efforts para pag-papaunlad(may mga rewards para dito). May malawak na pang-unawa upang tumulong sa pangangailangan ng iba at mag-saayos ng mga gawain. May Malasakit!
‘Wag nating kalimutan mahirap ang mundo ngayon, may pandemya. Hindi pinupulot ang pera. Sana ay maintidihan natin ito. Magtulungan at ‘wag maglamangan. Tumulong tayong mapaglabanan ang suliranin at ‘wag sanang maging parte ng suliranin lalo’t maging pasakit sa iba.
No comments:
Post a Comment