Wednesday, August 16, 2006

Tula para kay Koen

maligayang kaarawan kwang kwang ko.. =)
sanay magustuhan munting tula ko para sa iyo.

Pamagat: Koen (maligayang kaarawan)

May Akda: dada (Meric B. Mara)
Lugar na ginawang ng tula: Office sa San Juan
Oras: 10:02 ng gabi

Saan ka man naroroon ikaw ay pinapatnubayan
Di lamang ang aking damdamin pati ng panginoong hirang
Ngayong iyong kaarawan hiling ay iyong kaligayahan
Bagong yugto at bagong bugso sa puso ko’y dumuduyan

Sulong lang sa bawat araw ; iyan ang aking puhunan
Minamadaling hinahatak masalimuot na dinadaanan
Uhaw at yapak sa batuhan daan lahat ay walang bulay
Walang pagod , tuloy tuloy para sa iyong maganda ipapamuhay

Tandang tanda ko pa yung ikaw ay unang “umuha”
Labis labis na tuwa sa puso ko ay di humuhupa
Lahat ay sumasariwa di kailan man iwawala
Mga mahahalagang araw sa atin ay ginantimpala.

Sa pagpapalaki ng iyong ina ako ay nagpapasalamat
Walang bahid na pag mamahal sa iyo ang kanyang pinamalas
Sa bawat aral,gapang,laro sya ay laging nanggigilas
Kaya sa aking panalangin sya ay di iniiwas.

Sa iyong kaarawan eto lang aking hiling
Mahigpit na maghigpit na yakap sa akin iyong damhin
Isang patak ng luha na kaligayahan ko’y baunin
Na syang gabay at nagmamahal na iyong ama na tambing.

Maligayang bati mahal kong Koen...


No comments: