Saturday, March 28, 2020

Simula


Simula

'Wag mabahala
'Wag mangamba
Ang mga problema
Di yan uubra
Basta sama sama
Sa panalangin
Bigkisin ng Pagkakaisa
Liwanag ng bukas
Ay parating na

Koro:
Wala ng masasaktan
Wala ng mahihirapan
sa ating pag-kakaisa
Bagong mundo ay nagsimula na
Habang may-pagasa
Lalaban tayo,hindi ka nag-iisa

Sa unos na dumating
ang hapdi ay gagaling
*damdaming nailibing
Ay Mabuo-buo din
Ang hirap at suliranin
Sadyang lulupigin
Diwa ng lambing
Yumayakap na sa atin
at ngayon din

Koro

Ang mga nawala
Di tuluyang naglaho
Iduyan ng pag-suyo
May balik na pangako
Ipikit ang mata
Damhin ang araw at minuto
Eto na ang bagong mundo
Pag-asa’y matatamo
sa bagong pangako

Habang may-pagasa
Lalaban tayo, Lalaban tayo, hindi ka nag iisa

No comments: