Tuesday, March 10, 2020

Kape Kape tayo?




Salamat Lariz Santos! 


Ang mga nag-lalason ng mga isip at malay ng mga naaalipin ang syang tunay na kaaway. Sa kabulgaran ay hindi naman tatayo at maninindigan para ituwid ang mga maling gawi. Paulit-ulit ang "Sorry" at paumanhin galing naman sa pango at sipuning ilong at hindi sa puso. Nararamdaman ng mga mamamayan ang kapulpulan sa mga maling desisyon at kahandaan.

Maraming masasaktan, Mga pilit na dinadamay, Mga Kabataan at Katandaan na dapat ay nililinang ang kaalaman at hindi nilalamangan. Nakakatawa lang isipin ang mga likha ng mga "BOBO" at mga hunghang ay walang kinahinatnan buti sa madami. Sa talikuran lang magaling at walang bayag para ituwid ang sariling pag-kukulang.

Ang laro ng manipulasyon ay walang kahihinatnan. Kaya dapat supilin!!!
Mag-ingat mga kababayan at alagaan ang ating Kalusugan at mga sarili. Walang tutulong sa atin kundi Tayo-tayo lang at hindi kahit kailan kasali ang mga iilan na nag gagaling-galingan.

*Kulang na nga ako sa Kape 😂😂😂

No comments: