Saturday, March 28, 2020

Hindi ka nag-iisa



Hindi ka nag-iisa


'wag mabahala
'wag mangamba
Ang mga problema
Di yan uubra
Basta sama-sama
Sa panalangin
Bigkisin ng Pag-kakaisa
Liwanag ng bukas
Ay parating na

Koro:
Wala ng masasaktan
Wala ng mahihirapan
Sa ating pag-kakaisa
Bagong mundo'y nagsimula na
Habang may pag-asa
Lalaban tayo,hindi ka nag-iisa

Sa unos na dumating
ang hapdi ay gagaling
Damdaming nailibing
Ito'y Mabubuo din
Ang hirap at suliranin
Sama-samang haharapin
Diwa ng lambing
Yumayakap sa atin
Sa bawat saglit

Koro...

Bridge:
Ang mga nagkalayo
nagkasama sa puso
Iduyan ng pag-suyo
May balik na pangako
Damhin ang tamis ng
 bawat yugto ng buhay mo
ngayong ang pag-babago
Pag-asa ay matatamo
magtatagumpay tayo..

Habang may pag-asa
Lalaban tayo,Lalaban tayo
hindi ka nag-iisa



No comments: