Matagal na tayong sumusunod ngunit wala pa ding benepisyo.
EDUKASYON AT TAMANG PAG-LINANG NG KAALAMAN para sa ating mag kababayan kung ano talaga COVID-19. Pa-igtingin ang programang Kalusugan upang lubusang masugpo ang crisis ngayon na dulot ng COVID-19. Madami-dami nadin ang mga bagay na likha ng mga iilang taong na patunay na pinapakita ang katangahan at binabalutan ito ng salitang pag-sisibi sa bayan.
Mga Gung-gong!
Sa ganang aking hindi ako pabor sa 8 p.m. to 5 a.m. Curfew program ng gobyerno.
1.Walang kahandaan ang gobyerno na mag mobilisa ng mga tao para isakatuparan ito. Alam na agad natin na hindi mag mamaterialize ang ganitong programa. Magagamit lang ito ng ilang mga tao na nasa katungkulan upang mangipit at makasakit ng mga maliliit nating mga kababayan.
2.Paulit ulit nyong sinasabi na pagwalang nagkalat sa daan at lalo't sa gabi, mas maigsi ang potential ng kumalat ang virus. Para sa akim, hindi ito epektibo. Ang kailangan ng mga tao ay kaalaman hindi ang gawin silang tanga dahil sa hindi nyo nililinlang ang kanilang kaalaman.
2. Mas wala bang bisa ang virus pag 8 p.m. to 5 a.m.? *TAWA LANG MUNA NG MALAKAS! LOL!
Kung mapapatunayan pa sana nila ito baka pumalakpak pa ako.Ngayon natatawa akong isipin na gawa lang ng gawa ang ating gobyerno ng mga programa na hindi naman akma sa hinihingi ng pag-kakataon...Ngayon ang COVID-19.
Sa hinaba haba ng panahong gumastos ng kabang ng bayan,Nasan ang mga bunga ng research? Nasaan na yung magagaling sa medisina? Nasaan na ang mga pantas? Nasaan na sila ngayong kailangan sila at kailangan maramdaman ng mga kababayan ko ang mga buwis na inilaan para sa pagsisilbi sa bayan? Wala! Bukod pa iyan sa nag-aabang pa sila ng mga amot na mang gagaling sa malalaking Bansa na wala namang inatupag kundi gamit-gamitin tayo.
Hangat i-isang side lang ang mananaig sa mga usaping pambasa, Wala tayong mararating..Tayo'y mananatiling puppet na ginawang mga uto-uto at pinapanatiling mangmang upang magsunod-sunuran sa mga Tangang programa. Sana, Sana man lang magkaroon ng malinaw na program hindi yung pandidikta.Maliit man o malaki ay dapat lang na maging patas at malaman ng mga mamayan kung ano na ba ang lagay..lalo't usaping Kalusugan, hindi ang limitahan ang mga mamayan sa kanilang laya.
I Curfew nyo mga mukha nyo!
No comments:
Post a Comment