Sunday, December 16, 2018

Sa Tamang Panahon 
Akda ni: Meric Mara 
Disyembre 16, 2018

Nangingilid ang mga luha 
Damdamin ay kumakawala 
Isipan ay natutulala 
Tikom at Walang masalita 

Lakas ng loob ang syang dasal 
Sa pagsubok ay hindi mabubusal 
May dahilan bakit hindi mailuluwal 
May Panahon sa ating may kapal 

Sinta ikaw ay aking yayakapin
Sa pagsubok ay lalambingin
Hangad ng d'yos ay ating palayain
Gantimpala nya ay masususnod din

Sa pag-sibol ng tamang panahon
Itong biyaya ay ating iahon
Sabay itataguyod ng mahinahon
Biyayang supling ng ating poon

Sa Tamang Panahon.

No comments: