Sunday, December 09, 2018

Delusyon



Delusyon
Akda ni: Meric B. Mara

Naniniwalang magaling
Sa kakayanan ay bitin
Sa aktwalan ng magigiting
Sa wala sya'y maihahambing

Sa Agila daw maihahambing
Sa sarili yan ang tingin
Sa pagdagit ay walang galing
Walang tikas na nasasaling

Tiwala daw ay hindi maibibigay
Nitong wala naman galing na taglay
Ni insektong walang malay
Buhay ay hinding-hindi iaalay

Pinapaniwa ang sarili
Sa mga hindi nya naman gawi
Sa paninidigan nga ay sawi
Kahangalan ng bobong duhagi

Wala pang tinag na nagagawa
Itong Agila na salita kumakawala
Sa himpapawid ay natutulala
Utak bibe ang walang hiya

Delusyon.

No comments: