Sunday, December 23, 2018

Sa Pasko

Sa Pasko
Akda ni: Meric Mara

Mangingilin sa Pasko
Kapahingahan ay matatamo
Sarili'y binabato
Sa mga taong nanggagago

Mga anak ko'y iingatan
Ilayo sa kapahamakan
Kagalingan ay biyayaan
Sa puso'y hindi iiwan

Sa aking mga magulang
tunay lang sa paggalang
Mahabang buhay ay lagakan
tapikin ng yakap ng kalakasan

Sa bansang Naghihikahos
Iligtas sa pagkakagapos
Sa mga mapangaping mga bastos
Pag-ibig ang dumaloy na agos

Sa Pasko

No comments: