Sunday, December 23, 2018

Ako sana'y patawarin

Ako sana'y patawarin
Akda ni: Meric Mara

Hindi man ako makapiling
Ngunit nais kong sabihin
Kayo ay mahal kong supling
Laging gagabay sa inyong piling

Aabangan ko ang panahon
Na ang unos ay maging mahinahon
Itatangkilik ang edukasyon
Yan lang ang aking maipapabaon

Sana'y inyong dinigin
Masakit man ngayon ang damdamin
Patuloy akong maglalambing
Higit sa pinagmulan ang giting

Sa panahon humihimbing
Ako'y sa lupa'y yayakap din
Sa mga gantimpalang nawala na din
Ako sana'y patawarin

No comments: