Sunday, December 23, 2018

Patawad

Patawad
May Akda: Meric B. Mara

Mga luha ay mababakas
Sa mga gawi ay minamalas
Puso’y sumisigaw
“Kailangan kong maging tapat
Kailangan kong maging patas”

Ako’y nagkasala
Ako’y naging pabaya
Ang mga anak ko ay sinanla
Sa Masariling mga gawa

Nais ko ng tunay na pagbabago
Gabayan ng kapayapaan ang isip ko
Kalayaang hangad ay di matatamo
Kung sarili ay niloloko

Ako sana’y patawarin
Sa Walang buti  maihahambing
Mga kasalan ko ay sana’y mailibing
O Dyos ko, sana’y iyong dingin

No comments: