Friday, December 14, 2018

Pustahan tayo


Pustahan tayo
May Akda: Meric B. Mara

Ano? Pustahan tayo?
Ikaw ang perwisyo
Tanyag na parasito
Na hindi alam ang totoo

Sarili'y didikit-dikit
kung kani-kanino kumakapit
Pag-iisip ay sabit-sabit
Utak Bibe ang bitbit

Hindi mo kailangan sabihin
Madali ka lang intindihin
Sa Katangahan mong angkin
Sa galing ikaw ay bitin

'wag mag piling magaling
Wala sa iyo'y mahuhumaling
Pinagmamalaki mong angkin
Kinopya na'y tanga tanga parin

Pustahan tayo?





No comments: