Thursday, December 24, 2020

Binago ng 2020

Binago

Ni: Meric Mara



Binago ng 2020 ang abalang Mundo
Ang ating pamumuhay ay biglang nagbago
Ilang sa atin ay bigla nalang naglaho
Damdaming payapa ay biglang gumuho.

Nawalan ng pag-asa ang ilan
Ang iba naman ay lalong tumapang
Diskarte dito at doon ay di mabilang
Ang Buhay at Pamilya'y mataguyod lamang

Binago ng pagkakataon ang puso at pag-iisip
Lalaban tayo ang syang nagpupumilit
Ganun pa man, Pasko ay sasapit
Bumabangong Pilipino ay makikitang sulit.

Sunday, December 20, 2020

Rémy Martin --- Dagdag Koleksyon

 1994 LOUIS XIII de Rémy Martin Grande Champagne Cognac



 

Monday, December 14, 2020

State of Cybersecurity in the country



Due to the fact that the Philippines had just started to adopt the value of CyberSecurity in the country, in totality, the current state is being executed very poorly but it is slowly progressing.

Big contributors for this growth are the initiatives of the advocates in the community to help institutions understand the value of CyberSecurity and by giving advice to most private companies as well as government agencies.
Their good acts to help are really commendable.

That's why we need to gear away from the belief that CyberSecurity is about buying security products. Starting to study the value of CyberSecurity, it’s framework, value to technology, impact to the people and to the process really matter.  

Our country should understand that Cyber threat is exponentially increasing due to digital revolution. Thus, readiness in at least  basic  security model is important. Confidentiality, integrity and availability are already there and were developed to help people think about various parts of IT security and surely preventing different attacks.

Honestly, I'm excited to see agencies and companies incorporating CyberSecurity as part of their strategy. This is for us to have a better and secure CyberSpace in the Philippines.

Action and Education are the keys.

Tuesday, December 01, 2020

Anong plano ninyong gawin?

 Sa mga may bubong pa ang tirahan at nakakakain ng maayos. Maswerte kayo! Alagaan nyong maiigi ang biyayang meron kayo at ‘wag abusuhin.  Higit sa lahat ay ipanalangin nyong malayo kayo sa sakit at madaming umaasa sa inyo at maging instrumento sa pag-tulong.

Alam nyo bang sa panahon ngayon,tsamba na ang makabili ng pag-kain sa ilan nating mga kababayan. Maswerte sila kung maambunan ng mga malalasang pag-kain. Umiikot din ang mga pwet kung saan kukuha ng mga pambili ng gamot.  
Ang facemask at faceshied nga ay hindi na din napapalitan at ang paulit- ulit na sampung piso ay mabigat upang ipambili ng mga ito na critical para sa kanilang pag-sunod sa tinatawag na health protocol.
Nai-imagine nyo ba? Kung OO, anong plano ninyong gawin?  

Sa mga nakatunganga,
Sa mga nagsasawalang bahala,
Sa mga manhid para sa kapwa,
Sa mga waldas ng biyaya,
Sa mga kurap na mandaraya,
Sa mga nasa dilawan at pulanan na kawawa,
Sa mga naga pi-feeling na marangya.
Aba’y anong plano nyo? 


Balik tayo dun sa usaping pag-ganap at pagtulong upang mabuhay ang nagpipilit mabuhay. Hindi tayo inaasanag mag-abot lamang ng barya, mas-inaasayan tayo na ibigay ang ating mga kamay na matulungin kasabay ng utak na nag-iisip at pusong umiibig sa Bayan at sa marami.



Sa Paskong darating

Disyembre na,ilang araw nalang ay Pasko na,tapos ang bagong taong 2021. Ramdam nating lahat ang mga pasakit na dulot ng pandemya ng 2020.  Medyo masakit din yung namatayan ka pa ng mga mahal sa buhay,mga kaibigan at mga kamagnak. Minsan nga hindi mo mapipiligan ang lumuha.
Hindi lang iyan, nandyan pa yung mga bagyong dumating na syang sumapak din sa ilang buhay at kabuhayan ng ating mga kababayan.
Paano na? Susuko na ba tayo?

Sa iba marahil ay OO, ngunit sa mga nagpapahalaga sa sarili at mga tao sa paligid. Kailangan lumaban.
Kailangan ding umagapay sa mga wala at magpalakas ng loob sa mga mahihina. Kampihan tayo pag-hindi umaayon ang pag-kakataon...group hug!!!
At dahil unang araw ng Disyembre. Ito’y buwan na pwede kong sabihing buwan ng pag-tatyaga at selebrasyon para sa pag-wawagi sa hamon ng buhay. Palakpakan natin ang ating mga sarili dahil hindi tayo kailanman sumusuko at patuloy tayong lumalaban. Mabuhay po at muli, palakpakan ang ating mga sarili! 👏🏻👏🏻👏🏻
Kanta nalang tayo muna nitong klasikong awitin...Sa Paskong darating. 


Sa Paskong darating
Santa Claus nyo’y ako rin
‘Pagkat kayong lahat
ay naging masunurin
Dadalhan ko kayo
ng mansanas at ubas
May kendi at tsokolate,
peras, castañas na marami
Sa araw ng Pasko
huwag nang malulumbay
Ipagdiwang ang araw
habang nabubuhay

Tayo ang bagong Bonifacio!

 Tayo ang bagong Bonifacio! ✊✊✊





Sa Alon ng Mundo

 Sa alon ng mundo, tayong lahat ay naglalakbay sa hiram na buhay. Minsan may mga karanasan tayong magaganda at minsan nama’y may mga hindi din kanais-nais.   Yan ay normal lang. Tayo’y nasa mundo na kailangan maintidihan ang dinamikong kapaligiran. Na dahil dito, Tayo-tayo ang gagawa ng ating buhay na kung ano man kahihinatnan, Tayo nga lang ang may gawa.  

Minsan tayo’y iiyak,tatawa,mag-mamahal,malulungkot at kung ano-ano pa.  Base kasi iyan ng ating mga pinipiling desisyon sa buhay. Kaya minsan maiiling ka kung bakit ninanais ng iilan ang manglamang sa kapwa,gayun din kung bakit may nagpapatiwakal. Lahat naman tayo ay magwawakas, hayaan natin ang daigdig ang humusga..’wag nating madaliin..nag mamasid ang panginoon na syang laging gumagabay sa ating lahat.  May tamang panahon nasa ating lahat ay nag-aantay.
Sa gitna ng agam-agam, tayo’y mananalangin. Na sana’y tayo ay gabayan at ilayo sa mga masasama. Maigsi lang kasi ang buhay. Kung pupunahin nga natin,sobrang bilis ng oras.Kung mali man o tama ang gamit natin, hindi na natin iyan maibabalik. Kaya gawin nating makulay ang ating pag-lalakbay. Gawing kaiga-igaya,Ika nga.

Suklian natin ng saysay itong buhay na hiram. Matuto tayong pagpasalamat sa mga pag-papala. ‘Wag nating abusihin ang sa ati’y biyaya ng tadhana. Matutong makiramdam at ‘wag maging pabaya. Kaya sa ating pag-lalakbay ang mga mali at wasto ay magbabase iyan sa kung paano tayo umunawa ng mga ganap ng atin buhay.Base sa karanasan na syang pinagtibay ng ating pag-lalakbay dito sa alon ng buhay.

R.I.P sa aking pinsan, Frank Joey Bardeloza

Isa sa masakit na maramdaman ng mga mas nakakatandang kuya ang makita nya na isa ng malamig na bangkay ang kanyang mas nakakabatang pinsan/kapatiran. *wala akong masabi, wala akong maibulalas. Mag-kahalong lungkot at di mapakiwaring pag-luluksa ang aking nararamdaman. Bakit naman ganun? Paano na ang mga mas batang mga anak mo at iniwan? 
 

Sa ngayon, isang mataimtim na panalangin nalang muna ang aking alay. Magkikita pa tayo! Maging masaya sa iyong pag-lalakbay sa kabilang buhay. Paalam! 
🙏🙏

May Sinehan na ako

 






Sunday, November 29, 2020

Bukas Palad and Kalinga Operation

On Nov 28, 2020 - Advocates from  8layer, Mulat Media, Maralabs, Kampo De Mara, and Rotary Club of Midtown Diliman went straight in the early morning to Brgy. Wawa, Pilillia Rizal for the "Bukas Palad and Kalinga Operation". This is an initiative to support our Kababyan that were greatly hit by Typhoon Uysses. 



This was coordinated properly with Brgy. Wawa. Their Captain and  Kagawads were very supportive in this initiative and helped us in executing the project complying with the health protocols mandated in their area.

Full of smiles and images of hope are things that are visible in the faces of the people in Brgy. Wawa. We always pray that they will be safe and will overcome the challenges left by the Typoon.

This initiative was supported by OCL K.S.A, RTS Philippines, RTS Malaysia, Dugtong Tulong and Istrat who donated goods that will be useful for our Kababayans.


Sunday, November 22, 2020

No one is left behind.

On Nov. 21, 2020, RCMD once again mobilized and rallied to Daraitan, Rizal to help our kababayans who were greatly hit by Typhoon Ulysses.
 
RCMD donates sacks of rice, canned goods, new Clothes, blankets and more.
We salute RCMD Rotarians who supported this activity initiated by Rtn. Meric Mara and Ann Sophia Mara who called this program, "Bukas Palad and Kalinga Operation". 
 

 
Other donations are the ff:
1. PE Rex Britos and Rtn. Joshua Maquiling --donated 10 sacks of rice
2. IPP Ben donated 5 Thousand Pesos
3. Joel and Irish - Donated 1K Pesos/Volunteer work
4. SC Meric Mara and Ann Sophia 30K and new clothes / Volunteer work
5. PP Emong for sacks of new shirts and pajamas
6. Ann Doya, Agnes and Glenda --Blankets
7. Johanna- 1.5K
8. Glenn and Glenda- 500 pesos and blankets/Volunteer work
9. Jao and Aubrey --- Volunteer work
10. Allan and Beth -- Volunteer work
11. Erwin Galang and Ann Lyz --Coffee and Donuts for Volunteers
And our Transforming President and Ann Celi who donated 2K pesos. 
 
The Rotary of Makati also collaborated with RMCD led by President Peter, First Ann Pam Manzano and Rtn. Ron Dotaro. They supported this initiative and served about 530 meals with mineral water to feed the our kababayans. This happened through the Rotary Club of Makati Paul Harris Kitchen, in partnership with Stepping Stone School.
 
With this activity, no one is left behind and all the families in Brgy. Daraitan got the support they needed from the generosity and sincerity of our fellow Rotarians and friends.
 





 

Monday, November 16, 2020

Bukas Palad at Kalinga Operation - Preparation

 




Barya ng BSP

May dagdag na naman ako sa aking koleksyon.



Marshall

 

Happy Boy! ❤️❤️❤️ #marshall\
 
Na-experience ko ang ganda nito noong bumisita kami kila PP
Eric Reyes Illescas
nila
Allan C. Sanchez
Glenn Ymata
.
Nakita ko din na kahit saan ay pwede na ang masarap na musika/togs pag may bitbit ka nito. *Madala nga sa bundok.
Siga kung tumunog eh!
 



Rotary Sisterhood: RCMD and Metro Kalibo

 



Tuesday, November 03, 2020

Saturday, October 31, 2020

Happy Birthday, Ma!

 



Nuknukan ng yabang

Mag-lalabas lang ako ng sama ng loob.

Kung hindi dahil sa akin ay hindi ka magiging ganap...hindi ka magiging magaling. Yan ang tinuringan ng isang langsingerong pulpol..nag claim na naman ng mga bagay-bagay na wala naman syang pinuhunang pawis at galing. Ewan ko ba at parang anim na po't limang taon na eh parang walang pinagkatandaan. Bilib na bilib sa sarili ngunit hindi naman nag-aaral.. Sabit-sabit ang mga pinapanindigan .

Maisingit ko lang, Natatawa pa din ako pag aking naiisip ang mga ito. na sa gitna ng malalim na usapan eh biglang iyayabang ang mga ito sa usaping "root words" daw..

Ang root word ng Advocacy at "Äds", may kinalaman daw ito sa kapitalista. Tapos eto pa, ang root word naman daw ng principle ay "prince".Napa Toink ako bigla. Saan ba galing ang mga ito? Parang may kausap akong taga ibang planeta. Ewan ko ba, iiling nalang muna ako ng ulo ko at sisipol sipol na parang wala nalang narinig.

Ganyan ang mga sample at malakas na boses na ipaglalaban ng isang bopols na ito ang mga mali, ngunit iclaclaim ang pagiging hari ng kagalingan. 

Syempre pa, ang nakakalungkot dyan ay eto. Yung kakausapin ka sa harap ng maraming tao at papangalandakan na ikaw ay Bobo..lahat ng kausap at kaharap nya ay Bobo lang sa kanya, anong level kaya ang IQ na ito na lagpak naman noong kanyang kabataan sa pag-aaral.... Galing na galing at talinong talino ang isang mamang hindi naman lumalabas sa kanyang lunga, walang ginagawa kundi ang iasa ang pag-babanat ng buto at gagawa ng dahilan na parang sya ang tunay na nagsusumikap. Eh sa bote lang naman ng alak ito magaling..yun lang naman ang tunay nyang kayakap. na kung magsalita ng galing ay sa usaping kayaman ay parang nakabili ng mga pag-katao at may malaking kayamang ipinapamana. Naghahari-harian sa ibabaw ng barong-barong na sa loob ng mahabang panahon ay hindi man lang nya nagawang maging kanaais nais. Iba talaga ang pag-ka nuknukan sa yabang nito..ibang iba.. Pati ang pag-papagal ng isang Arkitekto an nag sunog ng kilay ay sa kanyang panuntunan ay ito daw ay kapos padin.. Grabe siguro ang galing nitong sa mga bagay bagay na wala naman syang alam.

Ramdam na ramdam mo na hindi nito natrain ang sarili na magpakumbaba, hindi na train ang sarili na maging mahusay sa pakikipagkapwa tao.na dun man lang sana eh masaluduhan sya..Dahil iyan ang mga Basic na hindi kahit kaylan man matatapatan ng salapi. Paano na iyan? sa ganang akin..kawawa at nakapahirap ng tao na ito. Wala ng pinag-aralan, inoorkestra pa ang pakikisama at pinapaniwala pa ang kanyang sarili na syaý magaling. pilit mo mang unawain eh mahirap maintindihan.

Sa usaping prinsipyo na kanyang niyayabang, Malinaw naman na sya ang tagapagtanggol ng mga magnanakaw. Nang mga mapanglamang na tao. Walang paninidigan upang ituwid ang tama,bagkos dahil sa kanyang hindi pag-tupad bilang nakakatanda upang maisaayos ay iaasa nya ang mga ito sa mga taong gumagawa ng buti at palabasin na ang mga nag-sisikap ang syang mali at tama ang patuloy na ginagawa ng mga mapanlamang na tao..Nasan ang prinsipyo dito? Wala, nasa baliktad na kukote lang at nasa salita lang ang yabang..Wala ng pag-asa. Sabit talaga! nanghihingi na nga lang eh parang sya pa ang babanat ng buto kung umasta. 

Maraming mga pinangaral ngunit sya mismo ay hindi nya nagagawa. Ni ang disiplina sa pag-inom ay hindi kayang ma-control, paano pa ang laban sa buhay? Paano pa ang pagtataguyod para maasahan? Syempre sya nalang ang aasa ng may teknik para hindi mahalata na wala naman syang kakayanan. 

Nuknukan ng yabang.

 




Wednesday, October 21, 2020

Usaping trabaho tayo at kakayahan.

Isa sa pangit na ugali ng ilang mga pinoy ang mapag-puna. Pag bumira pa ang mga iyan mga iilan na iyan ay akala mo kung sinong gagaling.
Madaming mga pag-pupulang sinasabi, ngunit kung iyong susuriin sila itong madaming kapansanan. Sila itong nakailang kumpanya na at wala pang napapatunayan.
Lipat dito at lipat duon, satsat dito at satsat duon. Hindi mapermanente ang pwet, bagkos ang tanging permanente lang ay ang patuloy na kapalpakan ngunit pasikat sa pag-pupula na reflective naman sa kanilang mga kahinaan. may ilan nga akong mga kakilala na nag poach na ngunit sa kwentuhan eh akala mo best employee ang tema, medron din dyan na nangongopya lang ng mga sinasabi na akala mo ay sila ang nagpuyat ang nag-aral para sa kaalaman. kaya pag-dating ng boxingan, aba'y kamote. Meron pa dyan kung mag claim sa kakayanan eh daig pa ang mga pantas ngunit sa exam at sa mga sukatan eh lagpak naman.

Nakakhiya man eh, tatawa ka nalang.  'Na nyo!

Friday, October 16, 2020

Mahirap talaga pag bulaan

Minsan malulungkot ka nalang sa mga taong sinusuportahan mo para mag karoon na magandnag kinabukasan. Yung bang taos puso mong pagkakatiwalaan at ilaaan ang iyong mga resources para lang sa paniniwala para sa pagbabago. Nandyan din na maipakilala mo sya sa ilang network mo upang nang sa ganun ay magkaroon  ng mga taong tutulong sa kanyang pag-unlad. isinasama mo pa sa mga milestone ng buhay mo upang maramdaman nya na sya ay welcome sa aming Pamilya at mga kaibigan. Maging ang mga kaibigan nya ay sinusuportahan natin lalo na pag may mga pangangailangan pinansyal at problema sa buhay. Ganun tayo sumusuporta..

Pero mas mauuna pa din ang sariling interest at panlalamanag sa kapwa itong ulupong at traydor na ito. Ang masakit pa dito eh yung bang pinagpaplanuhan nitong tao na ito ang mga bagay bagay upang maging mapanlamang at upang pumabor sa kanya sa mga sitwasyon. Nakakainsulto lang na ginagwa nyang mangmang ang mga taong mga kausap nya kahit na obvious ang kanyang katangahan. Mag sosorry sa harap na parang maamong tupa, ngunit sinlaki ng Pangil ng Dragon ang Ahas pagdating sa talikuran. Hari talaga ng kakupalan ang supot na ito.

Tandang-tanda pa namin noong nasukol ang taong ito sa kanyang gawaing "Conflict of Interest"" at humihingi pa ng paumanhin  sa kanyang pagkakasla..Matapos mong patawarin, abaý oras palang ang lumilipas ang umaarangkada na naman sa kapulpulan, Paggawa ng mga paninira sa aming likuran. Lodi ng kaimpaktuhan at kabulaan itong gagong ito.Walang talim ang pasg-sisi at pag-papaumanhin. Mas mataas pa sa kanyang kaunanuan ang kanyang yabang at pag-ibig sa kasinungalingan.

Ngayon iba na ang bersyon ni Bulaan na parang ang bait at totoo sa sinasabi- Pinanilwa na nya ang kanyang sarili na tama ang gumawa ng mga Mali.  Isang klasikong halimbawa ng taong hindi sanay humarap sa sariling pag-kukulang na ginagawang katatawanan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pananaginip ng gising at pagsanay sa mga maling salita upang maging mabango sa mata ng iba.  Gago talaga!    Hay E! Mahirap talaga ang maging bulaan. hindi ka dadalhin nyan ng maayos na buhay. Goodluck at galingan mo pa yan!

'Wag  mong estimahin at mamaliitin ang aming kakayanan. Yun lang!




Monday, October 12, 2020

8layer Coffee nook

Ang dami ng mga pagbabago dito sa aming opisina. Luminis, Bumango at nawala ang mga daga,ipis na tila inalagaan ng mga dati kong kasamang (mga taong parasites at mga insekto) na walang inatupag kundi ang mga interest at pambababoy sa aming lugar. Malayo na ang iginanda.

Ngayon ang sarap ng pakiramdam. Yung improvement ay tuloy-tuloy at naisasapuso na ng aking mga kasama.

isa sa mga dagdag, may Coffee nook na kami.Mukhang dito ako tatambay ng madalas.
Pag-usapang kape kasi, iyan ata ang aking super power. Tuwing iinom ako parang ang saya ng pakiramdam ko, parang bumibilis yung aking pag-iisip at na pifeel ko yung creativity.


Friday, October 09, 2020

Ang aking sarili (Ni KirkLucas)

 


Huwaran,Yan si Richard!

Huwaran,Yan si Richard!
Ni: Meric Mara

Bakas pa ang mga ngiti
Alaala ng kaibigan ay nandyan lagi
Pag si Richard ang namumutawi
Gaang ng loob ang pakiramdam lagi

Mapagmahal sa anak,maging sa asawa
Ang hamon ng buhay,hindi yan uubra
Sa haligi ng pamilya,na tapat lagi sa tuwina
Yan si Richard, Pamilya lagi ang una!

Tapat na kaibigan at hindi ka iiwan
Alam nya kung kailan mo sya kailangan
Papalakasin ang iyong loob
Yan si Richard,mabuting kaibigan!

Serbisyong tapat at walang bahid
Huwarang nagsisilbi ng walang sabit
Hindi nagnakaw,hindi nangupit
Yan Richard,Pag Likod Bayan yan ay Sulit

Sa kanyang pag-panaw sya'y mananatiling gabay
Kasama ang poon sya ay laging buhay
Mula noon hanggang ngayon
Yan si Richard, sa puso natin at mananalaytay
Huwaran.

Tuesday, October 06, 2020

Paalam Batorni

 
Manalangin tayo. 🙏🙏🙏

Hindi ko naiwasang maluha.Naaalala ko pa din ang magandang samahan namin ng aking kababata,kaibigan..Best Friend at kumpare. Hinding hindi ko din pwedeng tangalin sa alala ang mga nakaraang suporta at payo ng aking kaibigan at lalo’t hindi ko kayang sabihin ang salitang success kung wala sya sa aklat ng aking buhay.
Para kay Batori, Atty Richard Pascual, Maraming Salamat! Hinding hindi ka mawawala sa aming puso at isipan. Paalam Tol at We love you Tol! Ingat ka sa biyahe! Masaya akong kasama ka na ng may Kapal at hindi ka na mahihirapan.

Faith Alegre, nandito lang kami k
 

 
 
 

Friday, October 02, 2020

Wednesday, September 30, 2020

Ika ang uunahin -- Chords and Lyrics

Ika ang uunahin


Intro: Bb--Eb (2x)

Verse:
Bb
Ikaw ang uunahin
Bb            Eb
uunahin ka sa aking puso
Bb
Sa tulong at gabay
Bb--           Eb
Na may kapal aking pag-suyo
Cm
Ang alab ng damdamin
F            Bb
kailan ma'y di mabubuyo
Gm-           Eb-F
Alay sa iyo Mahal
Bb-             Eb-Bb7
Yan ang Pangako ko Yan

Koro:               
                       Eb
Pakingan mo mga Pangako ko
F-                 Bb
Hinding-hindi ako magbabago
Gm                 Cm
Alam ko na ako'y sa iyo
F                 Bb
at ika'y laging sa puso ko
            Eb        
Ayaw nating magkahiwalay
F          Bb-       G            
Sa buhay mag pakailan pa man
Cm         F       Bb  
Magkasama sa saya't kalungkutan


Bb
Ikaw ang aking Reyna,
Bb            Eb
ang Prinsesa at ang Senyorita
Bb
ang magiging bida
Bb--           Eb
ang pangarap na makapareha
Cm
Kung may pag-subok man
F            Bb
ako'y karamay mo aking sinta
Gm-           Eb-F
Kaagapay mong magaling
Bb-             Eb-          Bb7
Yang ang promise ko Darling Yan.


Bridge:
Cm
At sa lahat ng panahon
F-                         Bb
Kung sakaling dapuan ng karamdaman
Gm               Cm
walang minutong iiwan
G#-Cm-
mga luha'y papahiran
Gm
hawak kamay kita
Cm-           F-
hanggang kagalingan

Bb-G#-

Koro:               
Bb                     Eb
Pakingan mo mga Pangako ko
F-                 Bb
Hinding-hindi ako magbabago
Gm                 Cm
Alam ko na ako'y sa iyo
F                 Bb
at ika'y laging sa puso ko
            Eb        
Ayaw nating magkahiwalay
F          Bb-       G            
Sa buhay mag pakailan pa man
Cm         F       Bb  
Magkasama sa saya't kalungkutan

Sunday, September 27, 2020

Kamangha-mangha



Nagsalita si komang na Baboy ng akala nyang galing.Sinusugan ito ni loko-lokong Poacher na nagmamagaling. Nagtatawanan sila at nagsasaya ng parang ang gagaling. Wala namang napatunanay maliban sa pagiging tipaklong sa hardin.
Hindi alintana ang mga panlalamang,hindi alintanan na silaý walang naging pakinabang. Ni ang pag-hingi ng kapatawawan ay effort na matuturingan dito sa mga matataas ang tingin sa sarili ngunit mga salot ng lipunan.
Nag-nakaw ngunit pinagtatakpan, nambugbog ngunit palalabasing sya ang luhaan, nag POKPOK ngunit marangal ang sa sariliý pag-kakakilanlan. Nag-aakalang mga matutuwid ang tanga ngunit walang kaalam alam maliban sa pag-takpan ang mga kalokohan.

Paano kung sabihin natin, patunayan ang galing? Baka ang utak at kaalaman ay gigiling giling. tumatanda ngunit ang alam lang ay papansin. Ganyan sila KL na sa kupal maihahambing.

Kamangha-mangha ang POKPOK AT PANGBANSANG POACHER NG LIPUNAN. 




Welcome Back KahelOS!

 


itelecast logo

 







Friday, September 25, 2020

We, at 8layer, are here helping solve COVID19 in our small ways.


We, at 8layer, are here helping solve COVID19 in our small ways.
By: Meric Mara



Recently, there are lots of QRCode systems that have been rolling out in the market. We salute everyone for their initiative as this is vital in solving COVID19 especially to support the contact tracing initiative of our country. 


8layer has made some contributions too. First of all, the creation of OneCountry 100 which is the Pandemic Management platform to help LGUs and its CESU in making their lives easy in databasing COVID19 patients. The system gives them a real-time view of their data that helps them in doing strategy to make sure that containment for COVID19 is handled properly. We thank Pasay City and QC for trusting us and giving us an opportunity to be a part of their team. We’re really proud working with you!  We are hoping that we can be of help to other LGUs too.


Now, we’ve just launched our new application called OneBalikatan.


OneBalikatan is an app with a Big Data platform that will automate the new normal guidelines mandated by the government to fill up a health declaration form upon entry to any establishment and to record all visitors and employees present every day for the purpose of COVID-19 contact tracing.
The tool is comprised of a mobile app for the general public to use for scanning QR codes upon entering an establishment. Each establishment will have a unique QR code at its entrance which will have its establishment name and address. Upon scanning, the date and time will be recorded in the system, together with the visitor or employee’s details and health status. If a person’s temperature is higher than 38, he/she will be marked as high risk in the system. The mobile app will also have a history of the places that the person had visited. 


That’s it for now!


Our team will always be here to innovate and will always be of service to ou

Thursday, September 24, 2020

Ikaw ang uunahin - Chords

 Intro: Bb--Eb (2x) Verse: Bb--Eb Bb--Eb Cm-F-Bb-Gm-Eb-F Bb-Eb-Bb7 Chorus: Eb-F-Bb-Gm Cm-F-Bb-Bb7 Eb-F-Bb-Gm- Cm-F Intro: Bb--Eb Repeat verse Chorus Bridge: Cm-F-Bb-Gm Cm-G#-Cm-Gm Cm-F- Bb-G#-Bb Repeat Chorus

 

Sabi ni Jao

Pag dalawa yung dash "-" ibig sabihin two bars sa chord tol.
Meric