Tuesday, December 01, 2020

Sa Paskong darating

Disyembre na,ilang araw nalang ay Pasko na,tapos ang bagong taong 2021. Ramdam nating lahat ang mga pasakit na dulot ng pandemya ng 2020.  Medyo masakit din yung namatayan ka pa ng mga mahal sa buhay,mga kaibigan at mga kamagnak. Minsan nga hindi mo mapipiligan ang lumuha.
Hindi lang iyan, nandyan pa yung mga bagyong dumating na syang sumapak din sa ilang buhay at kabuhayan ng ating mga kababayan.
Paano na? Susuko na ba tayo?

Sa iba marahil ay OO, ngunit sa mga nagpapahalaga sa sarili at mga tao sa paligid. Kailangan lumaban.
Kailangan ding umagapay sa mga wala at magpalakas ng loob sa mga mahihina. Kampihan tayo pag-hindi umaayon ang pag-kakataon...group hug!!!
At dahil unang araw ng Disyembre. Ito’y buwan na pwede kong sabihing buwan ng pag-tatyaga at selebrasyon para sa pag-wawagi sa hamon ng buhay. Palakpakan natin ang ating mga sarili dahil hindi tayo kailanman sumusuko at patuloy tayong lumalaban. Mabuhay po at muli, palakpakan ang ating mga sarili! 👏🏻👏🏻👏🏻
Kanta nalang tayo muna nitong klasikong awitin...Sa Paskong darating. 


Sa Paskong darating
Santa Claus nyo’y ako rin
‘Pagkat kayong lahat
ay naging masunurin
Dadalhan ko kayo
ng mansanas at ubas
May kendi at tsokolate,
peras, castañas na marami
Sa araw ng Pasko
huwag nang malulumbay
Ipagdiwang ang araw
habang nabubuhay

No comments: