Saturday, October 31, 2020

Nuknukan ng yabang

Mag-lalabas lang ako ng sama ng loob.

Kung hindi dahil sa akin ay hindi ka magiging ganap...hindi ka magiging magaling. Yan ang tinuringan ng isang langsingerong pulpol..nag claim na naman ng mga bagay-bagay na wala naman syang pinuhunang pawis at galing. Ewan ko ba at parang anim na po't limang taon na eh parang walang pinagkatandaan. Bilib na bilib sa sarili ngunit hindi naman nag-aaral.. Sabit-sabit ang mga pinapanindigan .

Maisingit ko lang, Natatawa pa din ako pag aking naiisip ang mga ito. na sa gitna ng malalim na usapan eh biglang iyayabang ang mga ito sa usaping "root words" daw..

Ang root word ng Advocacy at "Äds", may kinalaman daw ito sa kapitalista. Tapos eto pa, ang root word naman daw ng principle ay "prince".Napa Toink ako bigla. Saan ba galing ang mga ito? Parang may kausap akong taga ibang planeta. Ewan ko ba, iiling nalang muna ako ng ulo ko at sisipol sipol na parang wala nalang narinig.

Ganyan ang mga sample at malakas na boses na ipaglalaban ng isang bopols na ito ang mga mali, ngunit iclaclaim ang pagiging hari ng kagalingan. 

Syempre pa, ang nakakalungkot dyan ay eto. Yung kakausapin ka sa harap ng maraming tao at papangalandakan na ikaw ay Bobo..lahat ng kausap at kaharap nya ay Bobo lang sa kanya, anong level kaya ang IQ na ito na lagpak naman noong kanyang kabataan sa pag-aaral.... Galing na galing at talinong talino ang isang mamang hindi naman lumalabas sa kanyang lunga, walang ginagawa kundi ang iasa ang pag-babanat ng buto at gagawa ng dahilan na parang sya ang tunay na nagsusumikap. Eh sa bote lang naman ng alak ito magaling..yun lang naman ang tunay nyang kayakap. na kung magsalita ng galing ay sa usaping kayaman ay parang nakabili ng mga pag-katao at may malaking kayamang ipinapamana. Naghahari-harian sa ibabaw ng barong-barong na sa loob ng mahabang panahon ay hindi man lang nya nagawang maging kanaais nais. Iba talaga ang pag-ka nuknukan sa yabang nito..ibang iba.. Pati ang pag-papagal ng isang Arkitekto an nag sunog ng kilay ay sa kanyang panuntunan ay ito daw ay kapos padin.. Grabe siguro ang galing nitong sa mga bagay bagay na wala naman syang alam.

Ramdam na ramdam mo na hindi nito natrain ang sarili na magpakumbaba, hindi na train ang sarili na maging mahusay sa pakikipagkapwa tao.na dun man lang sana eh masaluduhan sya..Dahil iyan ang mga Basic na hindi kahit kaylan man matatapatan ng salapi. Paano na iyan? sa ganang akin..kawawa at nakapahirap ng tao na ito. Wala ng pinag-aralan, inoorkestra pa ang pakikisama at pinapaniwala pa ang kanyang sarili na syaý magaling. pilit mo mang unawain eh mahirap maintindihan.

Sa usaping prinsipyo na kanyang niyayabang, Malinaw naman na sya ang tagapagtanggol ng mga magnanakaw. Nang mga mapanglamang na tao. Walang paninidigan upang ituwid ang tama,bagkos dahil sa kanyang hindi pag-tupad bilang nakakatanda upang maisaayos ay iaasa nya ang mga ito sa mga taong gumagawa ng buti at palabasin na ang mga nag-sisikap ang syang mali at tama ang patuloy na ginagawa ng mga mapanlamang na tao..Nasan ang prinsipyo dito? Wala, nasa baliktad na kukote lang at nasa salita lang ang yabang..Wala ng pag-asa. Sabit talaga! nanghihingi na nga lang eh parang sya pa ang babanat ng buto kung umasta. 

Maraming mga pinangaral ngunit sya mismo ay hindi nya nagagawa. Ni ang disiplina sa pag-inom ay hindi kayang ma-control, paano pa ang laban sa buhay? Paano pa ang pagtataguyod para maasahan? Syempre sya nalang ang aasa ng may teknik para hindi mahalata na wala naman syang kakayanan. 

Nuknukan ng yabang.

 




No comments: