Isa sa pangit na ugali ng ilang mga pinoy ang mapag-puna. Pag bumira pa ang mga iyan mga iilan na iyan ay akala mo kung sinong gagaling.
Madaming mga pag-pupulang sinasabi, ngunit kung iyong susuriin sila itong madaming kapansanan. Sila itong nakailang kumpanya na at wala pang napapatunayan.
Lipat dito at lipat duon, satsat dito at satsat duon. Hindi mapermanente ang pwet, bagkos ang tanging permanente lang ay ang patuloy na kapalpakan ngunit pasikat sa pag-pupula na reflective naman sa kanilang mga kahinaan. may ilan nga akong mga kakilala na nag poach na ngunit sa kwentuhan eh akala mo best employee ang tema, medron din dyan na nangongopya lang ng mga sinasabi na akala mo ay sila ang nagpuyat ang nag-aral para sa kaalaman. kaya pag-dating ng boxingan, aba'y kamote. Meron pa dyan kung mag claim sa kakayanan eh daig pa ang mga pantas ngunit sa exam at sa mga sukatan eh lagpak naman.
Nakakhiya man eh, tatawa ka nalang. 'Na nyo!
LinuxG33K,Geekineer,Open Sourcerer,Social Entrepreneur,Certified Linux Engineer,Computer Engineer,Explorer,Community Volunteer,Poet,Lyricist and Composer
Wednesday, October 21, 2020
Usaping trabaho tayo at kakayahan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment