Tuesday, September 18, 2007

Kapangyarihan ng nokbuk

4:29 am at kapapasok ko lang sa office. 11pm na kasi kami umuwi kagabi medyo nagpahinga lang ng konti mula sa isang matinding puyatan nung lingo. Kaya eto! Uumpisahan ko ulit yung araw ko sa pamamagitan ng pagsisimulang mag linux dito sa office ng madaling araw. Ang sarap eh!

Eto nga’t dalawang distro na yugn nagiinstall sa tabi ko ng linux para ito sa gagamitin naming sa pagdedeploy this week sa isang client para sa buong infra nila.
Kagabi kasi itinala ko na sa nukbuk ko yung mga task ko para ngayong araw, eto ngat pag upong pag kaupo ko sa mesa ko..parang kinakausap ako na mga pahina na KAILANGAN TAPUSIN ko sila ngayon.

Kaya maaga ako pumasok ngayon kasi parte ito ng aking time management program para di ako matambakan ng mga work..pinapartneran ko pa ng kapangyarihan ng notebook para iremind ako..syempre pa di na mawawala yung calendar at task ko sa LAPTOP KO ko din.

Ano ba ang halaga ng notebook? Para sa akin at base narin sa experience ko sa work nagigign makabuluhan at makatotohanan o natatapos kong maigi yung mga work ko dahil meron akong kasangkapan o armas na “NAGREREMIND SA AKIN” ng mga kailangan tapusin..naging disiplina ko na din na dapat hindi na pinapatagal o ginuguhitan ko na yung mga bagay na tapos na o yung madadaling tapusin para dina nakakaligtaan. Nakasanayan ko na ito eh!

Ngayon nga pag nakita mo yung ginagamit kong notebook eh..kalahati ng mesa ko yugn kinakain sa laki..ginagamit ko din sya para mag draft ng process ng mga project para sa client..mga network diagram at plano para sa negosyo namin. Masarap sya pag naging second nature mo na at nagiging organisado ang iyogn execution ng mga bagay bagay.

Kayo? Paano nyo minimake sure na wala kayong nakakalimutang trabaho o mga tasks?
Paano nyo dinidisiplina yung sarili nyo na magawa yung mga nakaatang sa inyo? Paano nyo nireremind mga sarili nyo patungkol sa mga mahahalagang bagay na dapat tapusin?
Ayaw ko kasing sinasabihan ako ng mga bagay bagay..na hindi ko nagagawa…nakakainis iyon eh…parang ang hina ng dating ko pag ganun.

Ako..NOKBUK at DISIPLINA lang ang sikreto!

6:30am na sa laptop ko..o sige..iisa isahin ko pa itong listahan ko sa nokbuk ko.
maganda araw sa inyo!

No comments: