Friday, September 07, 2007

HULING BALITA: Songs for the Disappeared

may niforward sa akin si Tol eriwn na isang email re: huling balita: songs for the disappeared.
napakaganda ng email sa katotohanan..naisipan at naibinahagi ko na din sa grupo na sana makapag bigay kami ng entry o isang pagaalay ng kanta. meron na akong isang na idraft na TULA na ang titulo ay "Malapit na"...nangangaingan pa ito syempre ng tinatawag nag enhancement para maging masmalalim,magagada at makulay ang mga salitang gagamitin.

pero nais ko ng ishare sa mga nagbabasa ng blog ko yung draft.

Malapit na
May Akda: Meric B. Mara
isinulat noong: September 3, 2007

Matagal na panahon na at patuloy na naghihintay
Ginaw ng gabi ang unan na taglay
Luha at panaginip ang nagsisilbibing tulay
Na parang katabi at kayakap kang tunay

Mga uha at pag ugoy ay sandatang tunay
Mga huling sandali bago tayo magkawalay
Ang mga huling pag hele ang lakas na taglay
San Kaman naroroon? Ikaw ang aking gabay.

Malapit na ,Malapit na
Akoy nananabik….
Malapit na ,Malapit na
Akoy tunay na nananalig sa liglig na pagibig
Malapit na..ikaw at ako’y sa hawak kamay sasapit

Ihip ng hangin ang syang aking kaaagapay.
Tumatagos sa buto ako’y nais mahimlay
Dahil di matuntong ang tunay mong lagay
Pinupunit pinapatay sa uhaw na pananamlay

Malapit na ,Malapit na
Akoy nananabik….
Malapit na ,Malapit na
Akoy tunay na nananalig sa liglig na pagibig
Malapit na..ikaw at ako’y sa hawak kamay sasapit

No comments: