Monday, August 23, 2021

Paalam Noel!

Nabawasan kami sa hanay ng mga kapitapitagang Rotarians ng RCMidtownDiliman dahil sa COVID19.

RIP PP Noel Aperocho! 🙏🙏🙏
Isabay ko na din ang paghingi ng panalangin para sa aming Ann Anita (na kabiyak ni PP German Tan) na syang pumanaw nitong nakaraan dahil din sa COVID19. 🙏🙏🙏

Hindi ito biro, hindi tayo pwedeng mag tawa at magsawalang bahala. Magsariling disiplina at sikap nalang tayo at isama ang ating mga kapamilya at mahal sa buhay para sa mga programang laban COVID19. Kaya natin iyan ng nagtutulungan ng hindi umaasa sa ating gobyerno.

Hindi naman kasi alintana talaga ng “ilang” mga nasa puder sa gobyerno ang “magnitude” nitong pandemya na ito. Sige lang at mag enjoy lang kayong mangurakot sa kabila ng kami’y nagluluksa. May araw din kayo!!! 😡😡😡 Pasasaan at sisiilin din iyang inyong mga ganid at kapabayaan sa inyong tungkulin. Isasama na din namin kayo sa aming mga panalangin.





Positive Psychology

Kwentuhan ko lang kayo.

Sabi ko kay Sophia Quin-Mara. (Habang kumakain ng pancit canton) Maganda siguro kung mag kukwentuhan tayo lagi at bago matulog ng mga 3 positibong nangyari sa atin sa araw-araw. Pagusapan din natin ang mga pangit na bagay at tingnan kung paano ito magiging maganda.

Kung ating sasanayin kasi ang ating mga utak ng mga magagandang bagay, ito ay magbibigay ng magandang kahihinatnan sa kung paano tayo mag-isip at gumanap. Syempre wala namang perpekto, ngunit sa mga nangyayari sa ating mundo (nandyan ang pandemya, ang pg-ulan at pag-baha, ang pagbiyak ng lupa atbp). Kailangan natin ibahin ang diwa ng ating pag-iisip at pag-ganap. ‘Wag na tayong dumagdag sa sakit ng mundo. Ngayon ang panahon upang maghatakan tayo paitaas. Hindi natin na kasi nakakalkula kung paano ang sikad ng inang kalikasan. Kaya mas madalas, tamang tayo’y nananalangin.

Maganda ding p    alibutan ang ating mga sarili ng mga taong hindi “Toxic”. Yung hindi puro negatibo ang lumalabas sa bibig lalo’t yung mga nanlalamang. Nakakahawa kasi…yung mga palusot ng palusot. Naku,sakit sa ulo yan. Sa amin nga, natutuwa akong nabigyan kami ng mga challenges sa pag-gawa. Dito kasi nahahasa namin ang aming sarili upang maging creative, upang magkaisa at nakasalamuha ang mga mahuhusay sa aming larangan. Yung matuto lang kami sa isa’t isa ay napakalaking bagay na. Paano pa kung susumahin natin ang ating mga nagagawa upang mag-bigay saysay sa ating mga kababayan, sa ating bansa? Wow! Langit yan! Mahirap ngunit sa huli,masarap. Proud akong makatrabaho ang mga mahuhusay na kasama yung mahusay makaunawa. (Kilala nyo naman kung sino-sino kayo, kayong mga madalas kong pasalamatan)….Kayong may mga “Malasakit”.

At pag natapos ang isang buong araw….alam mong may nagawa ka, may narating kahit paunti unti.
Pwede ng matulog ng mahimbing.



Tuesday, August 17, 2021

D-VAS Project

 https://dict.gov.ph/sec-honasan-lauds-lgu-response-in-vaxcertph-list-submission-highlights-data-accuracy-as-key-factor-in-vaxcertph-roll-out/

Nakakatuwang pinapasalamatan ang aming gawa para sa programang bakuna ng Bansa. Sana lang husayan din ng ibang mga gumagawa sa kanilang proyekto lalo na iyang (VLL at VaxCertPH) nakasalalay sa ating mga kamay ang mabilis na solusyon laban sa COVID19 para sa ating mga kababayan. *Umiyas sa korapsyon hanggat maaari. 


Ang sarap basahin nitong mga sinasabi nila sa aming proyekto.

"Through the D-VAS, the whole vaccination process from registration to actual vaccination takes around 5 to 10 minutes only. As the whole process is paperless, data is managed properly. "



Sunday, August 08, 2021

Paalam Brutus



Paalam Brutus! Kasama mo na ang iyong kapatid na si Douglas sa langit. 
 Maraming Salamat sa iyong pag-sama sa amin at sa pakikipag-laro.

 







May nanalo na!!!

May nanalo na!!! Nagtatago sa pangalang “G” ang tatangap ng selfproclaim award.

Profile:
-Nakagawa na daw sya ng 100K transaction per Minute (At financial pa daw ito)
-Mataas daw ang IQ nya.
-Nagbanta na idodown system namin.
-Eto ang mobile number nya. +639479021176 (pa check at baka sa Phone book nyo)
-Consultant

Kung matapang tapang lang sana ito, mas magandang ilagay nya buong pangalan nya. Malinaw na utak talangka ito na swaking ang ugali at pananalita.

Sa ganang akin, ‘wag sasali sa usapang hindi ka naman kasama. Pwede ka ding magpasintabi upang mapagbigyan ka ng pagkakataong makasali sa usapan. Tapos kung tunay kang magaling, maaari mong ibahagi ang iyong kaalaman upang mas maging maayos ang usapan. 

Syempre, ang mga hirit ay hindi kahit kailan na magpapatunay na mataas ang IQ mo.





Monday, August 02, 2021

'Wag matigas ang Ulo.

 'Wag matigas ang Ulo.

    Noong bata kami, Early 80's iyan. Nauso ata na papaluin ka ng tatay mo tuwing mag-kakamali ka. Tuwing hindi ka mag huhugas ng pingan at mag-iigib sa balon atbp. Nais lang naman nilang matuto ka ng mga gawing bahay at maging matikas sa mga hamon ng buhay sa iyong pag-tanda. Gayun din naman ang nais ng ating gobyerno para naman mapaglabanan ngayon ang pamdenya, ninanais nilang sumunod tayo sa lockdown na pinapaimplement nila. Syempre, mahirap sa ating lahat iyan, mahirap para sa ating mga kababayan dumidiskarte lang para mabuhay tapos biglang maglalockdown, mahirap din iyan sa ating Ekonomiya at sapul na sapul ang mga kabuhayang Pilipino nito.

    Sa Ganang akin, wala namang problemang sumunod lalo't nasanay naman tayo noong bata palang na laging sumusunod upang 'wag mapalo. Ang nakikita kong problema ay walang tamang istratehiya ang ating gobyerno, Parang Tsumatsamaba lang,lantad naman eh. Paulit-ulit na yung lockdown natin. Yung mga naimpliment na contact tracing noon? Nasan na? nauwi na ata sa kwentuhan? Sumunod naman ang mamayan dyan, Ang tanong anong naging output? Nasaan ang kapakinabangan maliban sa mas madami lang ang mga namatay? Anong pakinabang dyan? Maliban sa mas madaming naghihirap,anong kapakinabangan dyan?

    Ngayon, May programang bakuna at vaccine passport pa tayong pinag-uusapan? Paano nyo gagawin iyan? Hanggang kailan iyan aantayin ng mga kababayan natin? ang kukupad kaya nitong mga taong gobyerno natin na nangagasiwa nito. Puro lang "feeling" na nakakakaunawa. Ngunit salat naman tunay sa pagmamalasakit sa ating kababayan..sa URGENCY!!!. Centric kasi na pagsasabi sa sarili na "basta ako may trabaho sa gobyerno",(Eh ano ngayon?) pero hindi iniintindi ang mga mamayang pinagsisilbihan nito.

    Sa usaping ito, Sino ba talaga ang matigas ang ulo? ang Nagpapatupad sa batas? o ang tumutupad sa batas? mamayan? o taong gobyerno? may kanya-kanya tayong sagot dyan. Pero sa pagkakataong ito, may problema tayong kinakaharap. Kailangan ng agarang Aksyon.

Sana lahat 'wag matigas ang ulo.

Sunday, August 01, 2021

Parang walang gana.




Agahan na at may nakahaing itlog, spanish sardines at masarap na Arozcaldo. Usually, pag ganito ang nasa harap ko…mas madalas ganado akong kumain. Kaya lang pag-iniisip ko ang mga kababayan natin ngayong lockdown na naman, nawawalan ako ng ganang kumain. Hindi naman kasi nabigyan ng tamang pagkakataon lahat, hindi lahat ay pinanganak na mayaman. Marami ang magugutom ngayon, marami ang mahihirapan na namang dumiskarte para makatawid sa hamon ng buhay.

Paano na yan?

Nawawalan ako ng gana kasi naiisip ko ng paulit l-ulit na hindi ginagawa ng “iba” lalo’t nasa pwesto ng gobyerno ang kanilang pinanumpaang tungkulin. Walang konkretong programa at parang nag kukwentuhan lang tayo at puro media pogi, walang tamang contact tracing, walang solidong programa sa bakuna, hindi nagbabayad ng on-time sa mga mahuhusay na suppliers…kapos na kapos! Patay ang mga Pilipino, hindi man lang nakalaban ng tama para mabuhay ng mapayapa at patas.
Nakakawalang ganang kumain, walang gana sa gobyernong ito kung paano ihandle ang mga kritikal sa sitwasyon.

Parang wala lang.

Malasakit.

Pandemic ngayon at ingatan ang inyong mga sarili. Ang isa kasi sa masakit dyan ay parang nag e-eksperimento lang ang gobyerno natin kung paano ihandle itong problema ngayon, Tsamba dito at tsamaba doon. Kaya nga dapat matalino tayo sa mga oras natin at kung paano natin gugugulin ito. Napapaisip nga din ako at parang nasasayangan ako sa ibang oras na natatapon nitong nakaraan mga buwan...Parang nagpuyat lang ako sa wala. Bale, isa naman ang hindi matatawaran...Yan ang mga biyaya ng dyos at mga sipag at tyagang kakikitaan ng malasakit para sa mga kababayan natin. Iyan lang din naman ang pwede naming magawa.

Alam nyo, kwentuhan ko pa kayo na sa kabila ng mga nangyayari, Sa opisina namin ay nakakatuwang makaramdam ng mga malasakit sa aming mga kasama. Si Sophia Quin-Mara nga nakakatuwa sa sobrang ibinibigay ang halos lahat 'wag lang malagay sa alanganin ang kasama. Nandyan na ayaw nyang magkasakit ang aming mga kasama. Gabi-gabi din ang aming sabay panalangin para mabigyan ng maayos na kalusugan ang aming pamilya, mga kaibigan , mga katrabaho, at mga kababayan.Tapos pag gising mo may mga bliessing na nakaabang. Bagong araw, bagong kaalaman bagong mga nagmamalasakit para sa kapwa (syempre pa may mga bago ding pag-subok). Kanina nga sa sobrang abala namin sa trabaho nagulat ako at may nag PM pa...Tungkol naman sa mga pwedeng nyang maitulong para sa kanyang mga kasama. Grabe umaapaw ang kagandaang asal at sariling palo para magmalasakit sa iba. Ramdam nya kasi na malaki ang naiambag nito sa kanyang buhay at trabaho. Grabe saludo ako!

Mapalad tayo pag may mga ganito tayong kasama, Yung tinitingnan ka palang alam na kung anong mga pwede magawang tulong para as iyo upang 'wag kang malagay sa alanganin (YUNG HINDI MANHID). Sana gawin natin ito ng taos puso, Sana kung may mga maitutulong pa tayo at gawin natin lalo sa mga taong may mga ginawa ng buti sa buhay natin. Hindi naman kailangan ng labis, hindi naman ito patungkol sa baryang iaabot kundi patungkol ito sa mga mabuting kamay ng pag-tulong.

Ang ganda ng simpleng agahan ngayong Linggo.

 Ang ganda ng simpleng agahan ngayong Linggo.

Pag-gising ko, sabi ni Sophia Quin-Mara "Ipagluluto kita ng agahan...Sardinas at Itlog."(May kasama pang mainit na Kape iyan) Syempre nahiya naman ako, kaya bumangon na din ako at nag simulang tumulong. Nilinis ko muna yung mga kulungan ng aming mga kaibigan at alagang mga Aso, tapos pinakain ko na din sila, Gayun din para sa aming mga SG's at Hedgehogs. Tapos nun, ng nakahain na ang aking may-bahay..Syempre nagsimula na ang mga magagandang kwentuhan sa hapagkainan. Nandyan na pag-uusapan ang halaga ng "pag-iisip bago ang pag-sasalita".
Napag-uusapan din namin bakit sumasablay ang ilang mga bagay-bagay sa kanilang mga gawain. Na sa aming pakiwari ay dahil sa iba ang prioity ng ibang mga tao. Hindi nila nai-sasapuso kung bakit sila naatasan sa gawain, mas madalas ang iniisip lang kasi ay basta papasok at sana'y may gawin. Iba talaga ang halaga ang "gustong gusto mo ang ginagawa mo". Iba ang nararating at ang nagagawang output...Talagang nakakabilib at nakakamangha. Lulutang at lulutang naman iyan sa kung paano tayong lahat gumanap ng tungkulin. kaya nga may salitang "ramarkable,outstanding, extraordonary etc"...kung baka, Lodi!

Nabusog naman kami. hehehe! (Ako basta may Kape sa umaga ay sapat na)
Magandang Umaga!