Sunday, April 03, 2016

Bigas hindi Bala

Ni: Meric B. Mara

15000 sako ng mga Bigas 
Pangangailangan ng mga mag-sasaka’y bakas
hinihiling sa gobyernong waldas
Sa pwersahan at dahas sila nilutas 

Sinisigaw din ng malakas
Ang calamity fund ngayon ay ibukas
Dahil sa init at El ninong Hudas
Ang mga buhay ay winawakas

Bakit pinaputukan?
Ano ba naman ang ilalaban?
kayong mga walang malasakit sa mamamayan
dahilan ng tunay na kahirapan

Dahil walang ani sa palayan
Tag-gutom ang ating kababayan
Kinikitil pa sila ng walang laban
Sa bala sila’y pina-ulanan. 

Sa yungib ng damdamain ay dahas
Sumusuray suray at walang lakas
Panalingin sa maykapal ay lunas
Pag-kakapantay pantay sana’y tumaas

Bigas Hindi Bala

No comments: