Friday, March 13, 2009

PINAGSAMA-SAMA- sa mga sama sama

.
Sa FB, naging usapin lang ang aming Bandang Dekada, medyo nararamdaman ko na din kasi ang nalalapit na paglabas ng album namin na bunga ng mga pinagsasamang malilikot na isipan at pagmamahal sa larangan ng musika.

ANG NAGDINGAS:
sinimulan kasi ni jaja sa kanyang FB ang "Bukas bibilin mo na to... MSI!"
hanggang sa mag komento itong si CHOX na isa sa mga matutuwa kang makasama sa mundo na musika (o chox binubugaw na kita...) hehehe.

ANG PINAGMULAN NG KATAS:
eto yung kanyang (choxla) komento...

narinig ko lang yung DUDA pero walang DUDA!!! Napakaganda ng DUDA!!! sabi nga ng aking Minamahal, Sinisinta at Iniibig, kapag naririnig nya yung mga kanta ng DEKADA, ay para daw syang hineHELE sa ganda.. sabi ko naman OK LANG YAN kasi WALA NA ngayong magagandang kanta kaya sabi ko punta nalang kami ng KAPAY at doon magpalipas ng oras sa pakikinig ng kantang DEKADA. kaso sabi nya, DINA!!! Aba!! muntik pa kaming mag LQ!! kaya sa ngayon, medyo KUMPLIKADO ang aming sitwasyon. isang LEKSYON ang aking natutunan na dapat hindi kayo makikinig sa mga sabi-SABI NILA dahil WALA NAmang mangyayari eh..

teka, asan ako?? hahaha...

oha oha oha!!!


upang maibsan ang pagkainip eto't sa harapan ulit ng aking UBUNTU na bagong install lang ang COMPIZ at gedit 2.24.2 katabi ang isang basong CAFE MOCHA eto't nasubukan ko tuloy gumawa ng isang tula patungkol sa komento na ito ni Chox na dahil na din sa pag-gatong nitong si Deng.

isa pa,tamang tama din kasi na naghihintay kami ng aming ka-meeting dito sa BO's. para sa isang client na nangangailangan ng 8ix na product namin.

ANG NABUONG "SUBOK" NA TULANG NAISULAT:


pamagat:PINAGSAMA-SAMA
lugar ng pinaggawaan: BO's coffee
mga kasama sa kapihan: si rosa,deng at willie
araw at oras ng pag-gawa: Marso 13,2009,4:26pm


oh,nakarinig ka na ba?
ng mga inuulit-ulit?
paulit ulit sa isang kanta
halika't makisali, eto ang isa.

marahil sa pangungusap
o mga lipol ng letra
eto't makinig ka
ibibirit ko lang muna.

DUDA..duda..yang ang sabi,SABI NILA.
para sa Minamahal,Sinisinta at Iniibig pa.
kahit may LQ o maging KUMPLIKADO pa
OK LANG YAN, basta may LEKSYON solve na.

o nadinig mo na?
halinat subukan na.
mga salitang inuulit,
okay lang na ulit ulitin pa

ikaw ay mahe-HELE, o kahit sa tingin mo ay DINA
sa iyong pagtatanong ng TAYO NA BA?
nalilito at ano ba ka? wala...WALA NA.
kaya tara na,tena sa KAPAY na muna.

o nadinig mo na?
halinat subukan na.
mga salitang inuulit,
okay lang na ulit ulitin pa


===========
Unang version palang ito na maaaring mabago pa ang mga letra sa susunod na mga araw.
or pwede ding maging Kanta ulit..malay natin.

basta sa ngayon ang mahalaga ay may napaglagakan ako ng aking mga patay na oras sa aking pagkainip.

hanggang sa muli =)

No comments: