hindi maganda ang araw ko ngayon...bukod sa "nilalagnat lagnat na naman ako" eto sumabay pa ang sungit ng hapon sa pamamagitan ng pagpapakita ng matinding kulimlim at lakas ng hangin na tila magbubuhulos na naman ng matinding ulan na may kasamang kulog at kidlat. sa madaling sabi..trapik na naman at baha sa metro manila pag nagkataon.
oo, medyo masama naman ang katawan ko, at napupuna ko na medyo nadadalas ito nitong mga nakaraang linggo. marahil panahon na din na medyo magbigay ng konting panahon sa pag-iinat at pag-ihersisyo. bale, mawala lang itong nararamdaman ko ngayog araw. bukas bahala na si batman..mag sisimula na akong mag programa sa mga bagay bagay na ito. nangangamoy "fitness first" na talaga...sabi ko nga..bahala na si batman.
ngayon araw, kasabay ang aking munting pagpapahinga ay eto't katatapos kong basahin ang "CentOS 5.2 Release Notes"
kamakailan kasi ay nagpadownload ako kina roz ng 5.2 para ito na marahil ang gagamitin namin sa ngayon para sa pag dedepploy ng bagong mga servers at applications para sa aming mga bagong kliyente. (hindi pa kasi natutukan at nabibigyang diin ang panahon para sa pagtetest ng kawing-kawing linux namin at may mga mangilan-ngilan din kasing components pa ang kailangan tapusin. =) ay nga pala,kailangan ko ng mga katulong dito? (para lang dun sa mga malalalim ang ang pag lilinux) email nyo ako kung sakali na mabasa nyo itong entry ng blog ko na ito.
LinuxG33K,Geekineer,Open Sourcerer,Social Entrepreneur,Certified Linux Engineer,Computer Engineer,Explorer,Community Volunteer,Poet,Lyricist and Composer
Sunday, August 31, 2008
Thursday, August 28, 2008
We are celebrating SFD08 at PLDT Innolab!
matapos ang ilang oras na pag rerehistro ang aming si jajapot =) sa wakas na irehistro din ang aming team para mag participate sa darating na Software Freedom Day na gaganapin sa September 20.
http://softwarefreedomday.org/CategoryHomepage
sabi nga ni jaja:
This will be the first time that 8layer will host a Software Freedom Day, and therefore excitedly carries on the task to make it successful and have SFD as regular event in the future.
We are celebrating SFD08 at PLDT Innolab!
yung mga topic i popost ko nalang sa blog ko at sa website din namin pag okay na lahat lahat.
konting antay lang! =)

Wednesday, August 27, 2008
ang paglalaro at paghahanda
ilang imbitasyon na din at aking natangap para sa darating na SFD2008.
kasabay ng aking pag kaabala sa mga gawaing opisina at naging abala din ako sa pagbibigay ilang mga instructions sa sysop team para sa bagong servers na idedeploy sa clients, bagong backup solution na kailangan iconfigure at mga bagong laruanng linux na dapat itest at iexplore. abala din kami nila jajapot at tamangkulit sa pag dadraft din ng mga posibleng magandang topic at ibahagi sa mga dadalo sa aming inihahandang selebrasyon para sa SFD2008.
sa aking mga munting at extrang panahon ay may ilang laruan din akong nasubukan.
nandyan ang "Flock Browser - The Social Web Browser" na sobrang akong nag enjoy sa presentation palang at wala pa ako sa parte ng mga extensions pero naisingit ko naman na yung MetaWeblog. para sa source code ng flock maaring bisitahing itong website na ito. for developers
may maliit akong trip na laruan din ngayon ang tinatawag na jags o ang Just Another GTK+ Samba Client. makulit lang at eto't patuloy ko pa syang binubutingting.
ay kakainstall ko na din pala ng Lightning para maikabit sa aking thunderbird na dati kasi ay hiwalay ko pang ginamit at aking kalendaryo sa pamamagitan ng Sunbird.

dekada at ang bagong trumpeta
ilang araw ding kaming nagbigay ng panahon at puyat para sa pagrerecord sa studio sa QC at sa wakas malapit ng matapos ang aming album na dekada. (na miss nyo na ba yung mga tugtugan? ako miss ko na pati ang mga gig sa bistro at conspiracy) naging abala lang kami nitong nakaraang mga araw. marahil sa susunod na buwan makikita na sya sa inyong mga suking tindahan at maririnig ang mga ibang ibang tunog at mga orihinal na kanta na kung saan ang ilan ay ako ang sumulat.
dahil usapang tugtugan, may isang instrumento o trupeta kaming nabili sa HRM sobrang mura at ang maganda may sarili pa itong maleta, pinareserve palang namin ito dahil sa nuong isang linggo eh kulang ang dala naming cash kaya downpayment palang yung aming nabigay. mamaya o bukas ay makukuha na namin ito at maisasama na sya sa aming sala sa opisina katabi ang ilang instrumento na ginagamit namin sa aming jamming. (sa mga mag tatanong at nagtatanong kung pwedeng bilhin sa amin...di ko pa alam...pwedeng oo at pwedeng marahil) =)

Friday, August 22, 2008
Lotus Foundations Overview Video
Copy the following code in your HTML file to embed the Flash Video on your site. Eto din yung presentation na pinakita namin sa SMEtookit na ginanap sa isang Max's Restaurant sa may ortigas extension.
Maari itong idownload o maview online sa site na ito.
http://download.lotusfoundations.com/videos/2422_v6.swf
This video presentation is a simple high-level overview of the product, and runs approximately 4 minutes.

Thursday, August 21, 2008
masakit ang ulo ko ngayon...
Kagabi biglaan ang takbo na ginawa namin para sa pagbisita sa papa ko sa isang hospital sa Caloocan.
Biglaan din kasi ang pag anunsyo ng aking kapatid na na-operahan daw ang aking mahal na ama.
naalala ko nga ang eksena na kung saan matapos ko matangap ang nakakagulat ng balita. biglang nanlamig ang katawan ko at nangilid ang luha sa mga mata ko. hindi ko alam kung bakit. marahil hindi pa ako ready sa mga ganitong sitwasyon...ngayon palang kasi ako bumubuwelo at rumiresbak sa mga pagmamahal na ibinigay sa akin ng mga magulang ko lalo na nung panahon nagaaral ako at ramdam ko ang mga gawi o diskarteng ginagawa nila para maitaguyod ako. marami pa akong kulang!
kaya nga sa biyahe papuntang hospital ay inaaliw ko nalang ang aking sarili sa mga bagay bagay upang maibsan and kaba at lungkot. pero pagdating sa hospital bigla nalang bumalik ang aking sigla. lalo na ng makita ko ang mama at papa ko na nagkukulitan at nagtatawanan na parang balewala lang ang operasyong nangyari...ginagawang katatawanan ng papa ko at masaya nyang kinukuwento sa aming lahat kung paano sya pinagagalitan ng doctor at paano nya hinahandle yung sitwasyon nuoong mga panahong inooperhan sya..kakaiba!!!. sa huli! bumalik ako ng upisana masaya at nabalot ng ngiti at alala lalo ng pag iniisip ko ang mga masasayang kwentuhan ito ng aming pamilya.
ps: papa pagaling ka agad! ok?
Masakit ulo ko ngayong araw na ito, di ko matanto ang dahilan pa kung bakit. Marahil dahil sa di masyadong nakakatulog sa gabi nitong mga nakaraang araw dahil sa mga ginagawang mga proyekto? at sabayan pa na paghahabi para sa mga presentation na ibabahagi sa mga client at para sa event na kung saan imbetado kami.
marahil nakadagdag din ang mga malulupit na hagupit at hampas ng hangin at malakas na ulan sa madaling araw na dahilan ng bagyong "karen" at nagiging kadahilanan din ng biglaang pagkagising sa panahong pag idlip.
siguro mamaya ay lalabaas ako ay sasagap ng hangin o dili kaya at mag titrip sa telebisyon para makanood ng Olympic. mag ju-juice or fu-food trip din ako siguro maya maya dahil hindi naging tama sa oras ang aking naging pagkain ngayon araw na ito...

Tuesday, August 19, 2008
8layer's Remodelled Cyberhome - A Promise Worth Keeping
Dear All:
We are more than pleased to announce and share to you the release of our new cyberhome 8layertech.com
In the 8lien blog article entitled "Promises Worth Keeping" by our very own Jaja Del Rosario, she describes the functionalities and enhancements of our new site and how the 8liens made it possible to provide our clients and partners more ways to creatively connect or be in touch with us.
Visit us now at http://www.8layertech.com and subscribe to our RSS feed to be updated with what's new with our website.
Let Freedom Ring!
8liens!

Monday, August 18, 2008
Maliit na kaalaman at bahagi para sa ngayong araw na ito-ang FileZilla
Matapos ang pag a-aupdate ng aming bagong website http://www.8layertech.com , naalala ko yung experience at yung ftp client na ginagamit namin ni Henyo ang-gftp.Medyo binigyan kami ng maliit o konting problem, lalo na sa mabilis na pagmamanipula ng mga files sa server side. Dahil dito,medyo nag search at naglaro ako ng mga FTP clients na available sa para sa linux.
chineck ko itong site ko na ito at nag basa ng konting reviews.
http://linuxreviews.org/software/ftp-clients/
pero ang good news, naligaw ako sa website na ito.
http://filezilla-project.org/
After downloading at i-test ang maliit na program na ito. so far lahat ng mga kailangan ko sa pag a-upload at pagdodownload ng files ang naging madali naman.
malaking bagay din sa akin yung support sa FTP, FTP over SSL/TLS (FTPS) and SSH File Transfer Protocol (SFTP) at naging mabilis na tulong din ang Drag & drop na feature nito.
para dun sa gusto ding subukan, kung gumagamit kayo ng ubuntu maari syang ma iinstall using apt-get tool.
#apt-get -y install filezilla
Enjoy!

Saturday, August 16, 2008
Happy Birthday Koen!
Wala akong nais sabihin,i-kukwento o isanaysay muna sa araw na ito.
Ang mahalaga para sa araw ito ngayon ay ang kaarawan ni Kwang!
dalawang taludturan o saknong ang munting regalo para kay kwang.
sa iyong karawang ito, natatangi ang dasal
ikaw ay lumaki ng malusog at taong may dangal
sa iyong paglalaro baunin ang aming pagmamahal
gawing kayamanan ang mga karanasan sa iyong pag-aaral.
lagi kaming aagapay, laging maghihintay
sa iyong paglaki sanay maging tulay ng buhay
di kailan man pababayaan ang iyong puso na mahimlay
pagmamahal na tunay ang sa iyo lamang maiaalay.
Maligayang Kaarawan sa iyo mahal kong Kwang Kwang!
mga pahabol:
maligayang bati din para sa kaarawan ng aking pinsan na si Tintin
masayang pagbati din para sa 15th na anibersaryo ng Debian.

Sunday, August 10, 2008
can you call/tag someone as a "friend" when he does not even acknowledge you as one?
na-a-angkin ba ang kaibigan? mas madali kasi itong itanong sa ingles parang ganito.. can you call/tag someone as a "friend" when he does not even acknowledge you as one?
paano ko ba ikukwento? naglalaro lang sa isip ko patungkol sa usapang kaibigan?
siguro ganito, si "X" and "Rodel" nalang ang ibibida ko dito sa kwento ko.
meron lang akong experience kasi na patuloy na sinasabi nitong isang tao na ito na tatawagin kong "X" na kami daw ay matagal ng magkaibigan.
kahit nung college daw ay magkakilala na daw kami. Dalawang puntos yon, matagal at magkaibigan.
Pero ang nakakatawa ni hindi ko nga alam kung saan sya nakatira?
Sino ang mga magulang at mga kapatid nya o may asawa na ba sya o bading ba sya?
kung san sya nag-aral o graduate ba talaga sya?
mahilig ba sya sa musika o makata rin ba sya?
anong paboritong pagkain,kulay,hayop at nalalasing ba sya sa buko juice?
at kung ano pang mga kababawan?
at kung sino pa ang mga inaangkin nyang ibang kaibigang tulad ko?
etc..etc..etc (hehehe di ko makakaligtaan itong katagang ito dahil kay rodel)
nunca, ni sa panaginip hindi ko sya maituring na kaibigan. di ba dapat mutual ang "we used to be friends"?
nagkakilala lang kami nitong si "X" sa isang training na ikinonduct ko sa athena patungkol sa linux at autonomic computing.
tapos nilapitan lang ako nitong si "X" at nag-offer ng partnership dahil magtatayo daw sya ng company. dahil hindi ako kaladkarin tinanggihan ko ang offer bagkos nagbigay nalang ako ng oportunidad na bigyan sya ng test project para mabigyan ng buhay ang tinatawag na collaboration sa mundo ng opensource.
sa mahirap na sabi, pa-iigsiin ko yung istorya sa apat na letra...SAWI!
eto pa!!! may isang tao din na matagal ko naman na nakasama si Rodel P. Hipolito, halos 10 taon (at halos samupung taon kong kinanlong, naikuwento nga ng isang PM namin dati na ang silbi pala ni Rodel sa IDS ay pumasok nang maaga para i-reboot ang mga servers, yun lang, ayun tuloy sya kauna-unahang na retrench, pero huwag ka ha, IT Expert na sya ngayon - according to himself), na sya mismo ang nagsasabi na si "X" daw at ako ay magkaibigan na ng matagal ang nakakatawa sya mismo ay nasa pangyayari at makakapagpatunay sa mga kabulaanan at pagpapanggap. marahil kailangan nya lang panindigan ang kanyang ingles na "in the spirit of fair play", na di ko alam kung naiintidihan nya dahil nga ingles. marahil ang ibig pakahulugan ni Rodel ng "fair play" ay gagawin ko ito kahit ikapahamak ang sarili ko at ng iba. (sana nag Judge/ Hukom nalang sya at hindi IT Consultant Major in Simple NetworX Design..kasi alam nya yung ibig sabihin ng fair).
dalawang bagsak sa huli ang naiintindihan ko.
1. normal pala ang pagiging bulaan sa isang taong bulaan (inherent na kasi or second nature).
2. pwede pala talagang maangkin ang kaibigan (sa perspektibo ng mang-aangkin), pareho ba ito ng - "Kilala ko si Sharon Cuneta, pero ako kilala kaya nya?" (buti pa si Manong Gary Granada kilala ako)
=)
order in the court...

Saturday, August 09, 2008
ano na?
tandang tanda ko pa ang eksana kanina mula ng bumangon ako kanina sa kama.
masama ang gising,bugnot at makasit ang ulo at likod. mulat na ang mata ngunit parang nasaloob padin ang eksana ng mga bangungot. mas minabuti ko na nga lang pumunta sa banyo at bumabad sa lamig ng tubig at pilit na ninanamman ang tila ulan na patak na galing sa shower na dahang dahang nananalaytay sa aking katawan.
tama nga siguro ang kasabihang "magbiro ka na ng lasing wag lang sa bagong gising"; ang sama kasi ng biro sa akin ng araw ngayon. na kahit nananahimik at wala kang ginagawa eh pilit kang bubuwisitin pala talaga ng tadhana; nakakasira ng diskarte at plano.meron pala talagang "malas na araw",at ito ay nangyayari pa talaga matapos ang inaakala mong buenas o maswerteng araw para sa iyo.
ngayon nasa upisina na ako. sa harap ng bintilador na pilit nag bibigay ng kaunting lamig ay ginagawa ang aking mga gawi. ang magbukas ng email, nagcheck ang mga server at magbasa ng mga balita patungkol sa loob at labas ng linux. pinapatay ang konseptong "tila pardibleng mabilis na tinutusok ang aking utak" kaya't eto ako mapayapang inaaliw ang sarili.
paulit ulit na sumasaliw at pinakikingan ang mga bagong awiting pambata ni manong gary na "Children’s Songs for Peace Education" para kumukuha ng bagong enerhiya. unti unti din ang ginagawang pag inom ng kape na tinimpla nilda at tinatanong ang sarili kung kakainin ba ang mcdo na nasa pantry? mag aalasingko na kasi ngunit hindi ko nararamdaman ang gutom, marahil sa patay pa o may pumatay na gana ko.
bale, pasasaan maya't maya eh kakainin ko din iyon. kailangan ko lang talagang mag hanap ng mga outlet para manumbalik ang gana ko sa mundong ibabaw at muling ma appreciate ang mga yamang uri ng kapaligiran.
bilang bonus nalang siguro para sa ngayon araw na ito, tahimik kong ginagawa ng ilang presentation patungkol sa mga "linux tools" na balak kong ishare ulit sa 8liens next week. kasabay din ng bonus ko ay ang pagdownload ng ilang linux short film sa youtube.com using "clive"[1] na syang sinisave ko sa loob ng aking /tmp/ folder.
ie. clive http://www.youtube.com/watch?v=PLHjT5-XM9o
sa pagtakbo ng oras.
kung ano na ang mangyayari?di ko pa alam. kung ano ang mga dapat pang pagkaabalahan? malinaw na ewan at kung ano na ang mangyayari bukas?bahala na! laban lang.malinaw naman sa akin na hindi araw araw ay pasko.
[1]clive - Video extraction utility for YouTube, Google Video and other video sites
http://home.gna.org/clive/

Friday, August 08, 2008
otso-walo-eyt (otsowaleyt) 888
kagabi nanonood ako ng balita; madami daw ang manganganak at magpapakasal ngayong araw na ito dahil sa swerteng dala ng numerong "8" na tamang tama at miminsang nangyayari na natatapat ito sa kalendaryo. 08-08-08 (august 8, 2008)
ngayon din ang araw ng pagsisimula ng olympic sa beijing china.
araw din kung saan kinalampag ko si jasper ng madaling araw sa opis dahil sa wala akong susi(sorry jas at naalimpungatan ka),ito din ang araw na inimail ni kuya spencer ang request ni henyo patungkol sa "8layer 3 years logo".Unang araw na makakapagprint na si rosa sa kanyang ubuntu dahil sa solusyong matatagpuan sa Ubuntu 7.10 Release Notes(sysop lagot di kasi kayo nagbabasa.. hehehe bale madami pang next time at humuhusay na naman na kayo...=) pagbutihin pang maigi ah) at ang masaya pa nito ito din ang unang araw na kung saan makukuha ni nilda ang unang cheke na galing sa PLDT! yehey! sabayan pa ng pagsalubong ni donna ng mandarin 101 at pangungulit na mag k-KS daw sya ng "paano kumuha ng passport"
plus bonus na agahan na nagtalo pa sa isipan ko kung 8-mcdo ba o 702-8888 ng chowking.
*chowking nalang yung pinili ko kasi mas madaming "8".
pero para sa akin. ito ang unang araw ko sa pagiging cleaner ko sa opis namin. OO cleaner!!!
sa opis kasi meron kaming programang toka-toka para sa pagsasaayos at para sa kalinisan ng aming opisina; lahat ay may kanya kanyang takdang araw at ito nga ang unang araw ko ang 08-08-08.
nag email nga ako sa 8liens na tularan ang working space ni kuya rey para di ako mapagod maglinis..hehehe! (o check nyo pa ang mesa ko parehas na kami ni kuya rey laptop nalang ang nakapatong)
ito din ang araw na kung saan eh pumasok ako ng 5am ng madaling araw; di kasi ako makatulog kanina dahil sa tumatakbong mga projects at mga plano sa aking kokote mula pa kagabi; kasabay pa nito ang daliang pagtakbo sa opis dahil kailangan maiup na internet connection namin dahil sa munting maintenance sa server room namin para ulit sa pagsasayos at kalinisan na proyekto ng sysop team.
at mamaya! empunto 08-08-08 ng 08:08 ng gabi may kaunting salo salo lang naman dito sa aming munting opisina at unting inuman siguro sa labas kung saan? di ko pa alam. (mag lilinis muna ako ng opis) baka maisip ko maya maya kung saan kami mag iinuman. =)
tamang tama din at suot ko na ang aking san miguel beer na t-shirt.
at eto naman ang email na galing kay japot kahapon...
Dear 8liens,
Rumors abound that tomorrow shall be one of the luckiest day in history. In Nostradamus' hidden memoirs (which I have predicted as really hidden because NO ONE has laid eyes on them yet... hehe), he mentioned that,
"on the day after Julian leaves, when the d8 is all twisted, Juancho will celebr8"
And Nostradamus is oh-so right in the mark!
Yep, yep! Tomorrow, August 8, 2008, at 8PM, we'll be sharing some delights to mark this specially special lucky twist.
So be ready to have your late permits signed and be ready to get ecstatically intoxicated!
That's tomorrow, 8liens, 08-08-08 at 8 o'clock!
Let's celebr8!
Whatta d8,

Sunday, August 03, 2008
Ang ganda ng mundo
Ang ganda ng mundo. hindi ko pa din lubos na maiisip bakit may mga tao na magkaroon lang ng isang usapin sa buhay eh "galit na sa mundo".
minsan nasusubok ang tunay na paghubog sa ating pagkatao, gaano na ba tayo kahanda sa mundong ginagawalan natin? minsan nakakalimutan na din natin ang mga salitang kaagapay natin sa atin araw araw na sulirain..mga salita tulad ng "pagsubok","nagmamahal" "may karamay" "kaibigan" "pag-asa" at madami pang iba;
para kasing katapusan na lagi.
kanina, habang nagiinternet biglang nag alert ang MUA/thunderbird ko dahil sa nagsubscrive ako sa RSS ng BLOG ng kapatid kong si kong. natutuwa lang ako at may mga tao pa pala talagang gagawa ng mga "tula" upang magpahayag ng damdamin..(yung pamagat ng tula ni kong ay "PAGSUBOK".iilan na nga lang ba kaming kayang gumawa nito? pag iniisip ko, kung ang mga tao ang mag iisip lang ng mga magagandang outlet at matutunang mag appreciate sa mga telentong unique sa bawat tao...grabe..ang ganda ng mundo.
naalala ko din nitong nakaraang martes, bukod sa mga bagong kakilala,kasangga at kasama(oy willy salamat sa beer at sa papajeks na kulitan) sa conspiracy bar isa sa mga tambayan namin na matatagpuan sa visaya's ave sa qc. dito naman ay kakwentuhan namin si "manong gary granada". kwentuhan sa mga bagay bagay patungkol sa industria ng musika, IT at mga bagay bagay na patungkol sa mga magagandang kanta at compositor.
masasayang alaala. tawanan at kulitan sa gitna ng hardin sa harapan ng iilang bote ng san miguel beer.
mga plano.ang papatunay na masaya ang mundo na kasabay pa nito ang bonus na album na regalo sa akin ni manong na ang pamagat din ay "ang ganda ng mundo".
*kakaibang album: bukod sa mga orihinal,makulay na pabalat at mga pambatang kanta, kakaiba ang istilo na makikita sa album;ito ay may mga sumusunod 1. ang disc with vocals 2. minus one 3. lyrics 4.balangkas na magsisilbing gabay para sa mga guro.
Manong Gary..Maraming Salamat!
wala nang lawig. ikaw at ikaw lang, matuto sa ang ano ang kaalaman at kahinan at matutunang itong pahalagahan.
ito ang tamang susi sa tunay na kaligayahan. sa mundong masalimuot ang mundong ginagalawan.
ito ang ang patunay at ang kasangkapang gabay upang malinawan na ang ganda ng ating mundong ginagalawan.
PAGSUBOK
may akda:maricar mara
Isip mo'y puno ng katanungan
Mga letra'y naglalaro sa kawalan
Puso mo'y puno ng pangamba
na sa pagtulog ay gumagambala
Madalas isip mo ay lito
Sakit ng ulo'y di maitago
Tila pasan mo ang buong mundo
na unti-unti sayo'y guguho
Sa mga panahong ikaw ay lutang
at tila nilipad sa kung saan
huwag sanang kalimutan
mga taong sa iyo'y nagmamahal
Ang lahat ay pagsubok lamang
Maniwala ka sa iyong kakayahan
Pagka't hindi ka niya pababayaan

Subscribe to:
Posts (Atom)