Wednesday, October 31, 2007

I'm not interested

hay! sawakas bakasyon na din.."SILA"...hehehe..kasi ako may isang opensource project pa akong niraratrat at syempre inaaral at binabakbak.
meron nga akong nakita na pwede kong maiintegrate sa SCALIX server namin. gawa sya sa C kaya lang di pa mature yung software
na syang nag bigay sa akin ng INTEREST para makatulong ako sa author nung project na iyon.
maganda kasi yung code at documentation..wala lang sya sigurong katulong o nag "kakaINTEREST" pa sa inumpisahan nyang proyekto.
bale pag natappos ko yung assignment ko i share ko sa inyo yung project. "INTERESADO" kasi ako dito eto't kakatapos kong mag deploy kanina ng isang SCALIX server sa isang client namin na nilagyan ko lang ng konting magic ng bash scripting then..okay na!

kahapon naman nag pabili ako ng DVD-RW kay roz kasi may distro/LIVECD akong na download na makakatulong para sa pacoconduct ko ng training.
nagbibigay sya ng libreng examination..nag kainterest ako dito sa OS na ito kasi mapapadali yung aking pagshashare ng knowledge re: Linux and opensource.
para sya kioks pero puro linux tutorial at examination..ang saya! eh syempre para sa mga nagtatanong ulit! since ISO yung nadownload ko di bi-nurn ko sya sa fedora ko.

eto share ko lang!
[root@r3d3ye mmara]# yum install dvd+rw-tools
[root@r3d3ye mmara]# growisofs -Z /dev/dvd

o bonus sa mga bago: kung gusto nyo namang gumawa o INTERESADO kayo na gumawa ng simpleng ISO

[root@r3d3ye mmara]# # mkisofs -r -o /home/mmara/xfiles/xfiles-disk.iso /home/mmara/xfiles/

madami pa....mga bagay bagay na nagbibigay sa akin ng interest patunglong sa linux at opensource
para sa akin..etong interest na ito yung isang puhunan ko sa mga natututunan ko.

lesson:
pag interesado ka sa isang bagay..ipaglaban mo..panindigan mo kasi bihira lang iyon.
wag na wag na wag kang mag sasabi ng isang bagay o papakita mo yung INTEREST mo pero
pag ibinigay naman sa iyo..sasabihin mo "YOURE NOT INTERESTED" korni ka nun..bading o kaya
ISA KANG MALAKING JOKE!. ANO BA TALAGA ANG GUSTO MO? panindigan mo! pero syempre..ingat ka!


ay! nga pala..MAS MATIMBANG ANG DUGO SA TUBIG!!!!
eto siguro yung next na iboblog ko o i kukwento ko sa iyo blog...NAKAKA INTEREST! =)

at tsaka..mga kwentong patungkol sa "REPUTATION" na din siguro.bakit? next time na nga kayo mag tanong..ishishare ko naman eh
kailangan ko lang bumalik sa aking "console"

Thursday, October 25, 2007

Hiring nga pala kami

You might have leaf through this page accidentally, by mere curiosity, by sheer luck, or by pure incessant need to torture yourself because you want a job where the working environment defines and defies normalcy as caffeine-sustenance, night modes, deadliest deadlines, spontaneous sweats and effortless best.

But if you are willing to be a part of the 8layer Team, you must be:
(a) a fresh graduate or a tech novice starving for tangible and applicable learning/ training and wanting to make a difference not only to your own self but to others;
(b) an experienced IT guy or gal who is hungry for what's right and challenging, and again, spell a whole lot difference; or
(c) an individual with high regard to doing things right and easy, and in these times that spells a great deal of difference.

You can still change your mind. Of course, there are lots of high paying jobs that let you do nothing but grow old and secure.

But if you are still reading along these lines, then you can still get fully rewarded and compensated while doing the more essential things--and feel young yet mature. You need to be in so you would understand what we mean.

So much for the buzz... We need YOU!

Tell us about how OPEN SOURCE opened your mind then fit your qualifications in any of these areas:

Marketing and Sales
Programming
Linux Solutions
Creatives and Design
Software and Hardware Support

Attach your resume (resumes are the last thing we read, but it's a good starting point) and email us at info@8layertech.com or call 706.05.01 to 02 for interview schedule.

Dami na sana

Dami na sana akong gustong i-post sa iyo BLOG.
kaya lang medyo naipit pa ako sa work ko..ang gaganda ng mga ginagawa kogn project ngayon at
ito'y nangangailangan ng madyo tutok at madamidaming panahon.

kanina nga dapat may inuman ng konti sa opis pero hindi natuloy dahil masakit pa yung bukong bukong ng paa ko at yung pupuntahan dapat naming uniman eh medyo nagkaaberya sa schedule..bale kwento ko nalagn next time pagnatuloy.

ano pa ba bukod sa work? dami na nga sana
  • tulad ng mga bagogn panaginip
  • mga update sa mga codes na ginagawa ko na ngayon ay nasa wiki na ininstal ko sa loob ng network namin.
  • mga bagong tula na yung iba eh naisulat ko sa SM west
  • yung istorya ng munting blackboard na binili ko.
  • ay syempre update sa mga "santong kabayo"
  • tsaka mga kwentong bobo na para sa mga bobo este..bobo sa pinaka bobo?
  • deperensya ng tarnish at varnish
ang dami bale next time..knamusta ko lang naman ikaw BLOG.
eto nga't 1AM na pero mag sisimulate pa din ako ng 2 server na pinaglalaruan ko..dahil bukas na yung deployment...ang saya!

hanggang sa muli! malamang pag natapos yung October 31..hehehe!

Monday, October 08, 2007

VMware and Fedora 7

Eto yung munting guide na ginawa ko just in case may gustong mag install ng VMware workstation
using fedora 7 (eto kasi yung OS na gamit ko eh)

Eto yung mga kailangan:

yum install gcc gcc-c++ kernel-devel

para sa kinalalalagyan ng kernel headers (i check ito usiong this command)

ls -d /usr/src/kernels/$(uname -r)*/include

tapos install mo na yung VMware
ako kasi meron akong rpm na version kaya eto lang yung command ko.

rpm -Uvh VMware-workstation-5.5.1-19175.i386.rpm

pwede ka ding mag download ng VMware Workstation

http://www.vmware.com/download/ws/


pag oks ka na sa VMware, make sure lang na ibackup muna yung vmaware-config.pl mo

cp /usr/bin/vmware-config.pl /usr/bin/vmware-config.pl.meric

i-Patch "vmware-config.pl"

cd /usr/local/src/
wget http://platan.vc.cvut.cz/ftp/pub/vmware/vmware-any-any-update113.tar.gz
tar zxvf vmware-any-any-update113.tar.gz
cd vmware-any-any-update113/
./runme.pl

pag tinanong ka sa pag rum mo ng rumme.pl script if you want to run wmrare-config.pl i "YES" mo lang.

pero kung trip nyo talaga yung virtualization, suggestion ko..bababad kayo sa xen.
http://www.cl.cam.ac.uk/research/srg/netos/xen/

Kailan nga ba ang huli?

imaginin mo ang isang scenario na kung saan sa ilalim kayo ng puno ng mangga, may mesa at mga upuan plastic na kung saan nakapalibot sa mesa ang siyam na tao. Tapos hinahampas kayo ng masarap na simoy ng hangin at napapaligiran kayo ang mga kawayan na ang kanilang mga wagayway at nakikisali sa awit ng kalikasan. Mababanaag din ang mga luntiang damong nag sisilbing sahig at mga maliliit na puno ng saging na parang gustong mangusap at sumali sa inyong mga usapan kasama ang mga kaibigan nyang okra at mga tanim na upo. Di rin mabilang ang dami ng manok na nagkakahig sa lupa upang makatuka ng munting miryenda kasama ang mga maya na para nilang mga supling sa pagtuka. Sa isang puno ng mangga na di nalalayo sa puno ng mangga na aming kinatitirikan ay may mga huntahan ng mga matatanda, may mga seryosong usapan din tungkol sa pulitika ang kapansin pansin ang parang Balagtasang kombersasyon. Panalo!

Dapat kasi sama sama kaming mag la-lunch sa opis. Nagkayayaan. Ngunit sa kasamaan este kabutihan palad bigla kasing nagyaya itong si ms. “futek” sa kanila sa pandi..sa Bulakan..sa kung saan may nakalagay “WELCOME TO MALIBO MATANDA”. kasi birthday ng kanyang ama. Tamang tamang at umuo ang lahat...ako ang dahilan ng pag oo ko ay..para maiba naman..tutal kagagaling ko sa sakit este..di pa ako lubusang magaling kailangan ko ng sarawang hangin..at di naman ako binigo ng lugar na iyon..kaya nga habang nag kakantahan sila ng todo bigay sa harapan ng nirentang karaoke sa halagang 400. eh tahimik lang akong nagmamasid sa paligid..ninanamnam yugn hangin..sarap! Sulit kahit naligaw kami ng konti ng papauwi na kami.

Nakaka Relax! Nababanaag ko tuloy yung aking kabataan..halos parehas..wala pa kasing computer na laruan non or kung meron man..wala kami sa bahay kaya't “purong” laro na ang mga gamit namin ay mga katulad ng mga naihambing ko sa itaas. “Tapuan pong” sa ilalim ng manggang nila kuya Jhun, lere-lerehan at tamblingan sa likod na skwelahan na gamit na pamsapin ang mga damong patay. Paghabi ng sinulid sa pamamagitan ng puno ng saging at panunungkit ng mga puso nito sa pamamagitan ng paglalagay na mataas na kulsilyo sa dulo ng isang mahabang kawayan at tinalian ng tela o t-shirt na sira. At marami pang iba...KAILAN NGA BA ANG HULI? Yung HULI na na experience ko yung ganitong scenario bata pa ako..wala pa akong salwal nun marahil..pero sariwa sa akin lahat ng alaala.

Ay pahabol, nakasira lang sa eksana yung tatlong aso tapos yung dalawa ah parang di na mapipigil sa paggawa ng tuta..kailangan pang bugawin upang maisip nila na may okasyon..nakakatawa lang..kasi yung babae sa kanila parang may isip..kasi parang sinasabi nya sa lalake na may okasyon at lumugar sila. Kaya sa tuwing lalapit yung lalaki nung bandang huli..bonoboxing na nya..oo boxing na parang kangaroo nakataas yung dalawang paa sa ibaba habang yung dalawang paa nga sa itaas ang ginagamit na pansuntok sa makulit na asong lalaki..makulit o naglalambing? Kayo na ang humusga.

sabado

Saturday, October 06, 2007

sa opis din pala

kala ko pa naman makakabarek na..hehehe!
anyway di pa talaga siguro pinagaadya..kasi ba naman

  • di pa tapos yugn ginagawa kong projects..nadagdagan pa
  • tapos eto masakit pa si lalamunan ko at si pareng strepsils (menthol) yung tangin katulong kong solusyon
  • ang lakas ng ulan sa labas masyado..oo masyado.

kaya eto dito kami sa opis nauwi, nanood ng bubble gang. pinagsalusaluhan yung munting lutong abodo ni manang na dinagdagan ng binili ng mga girls na itlog na pula at andok na manok ayun solve na lahat...sabaysabay ang kainan at huntahan..para ngang nagpiknik lang. sabayan pa ni henyo ng "anong saging ang para sa mga lalaki?"

bukod dito, nilapatan na ng mga dekada master yung kantang KAPAY. tamang tama kasi at katatapos iareglo ni "ping" yung kantang kapay kayat etong si tamang kulit matapos hatakin ng mga girls sa kanyang kinahihigaan eh..kanta na agad ang banat....kape at tinapay...kaha--ha-ha--ha--ha--paaaaa-ay.

ang tawag sa mga aktibedades na ito na pinagkaabalahan namin ay..FRIDAY NIGHT! hehehe
TGIF.

dun nga pala sa nagtatanong sa sagot sa tanong ni henyo:
text nyo sya kaya. kung wala kayong load aba di humungi kayo sa mga "SENYORITA" nyo at ng maitext nyo agad sya..dalian nyo nga lang at baka humarap na sya sa Ubuntu nya at mag PHP na iyon naku di na kayo papansinin. hehehe isnabero iyon pero tawa ng tawa.

Friday, October 05, 2007

pasensya na

pasensya na..kung ako ay di nag sasalita...oooopppsss...preno muna.
korni eh..parang eraserheads yugn dating, dapat yung orig..yung r3d3ye yung tono
wag tayong manggaya sa iba na sa kopya lang nabubuhay o nagaabang ng mga ginagawa natin tapos kopyahin...o game.

pasensya na at medyo naghang ako ng halos isang linggo. oo halos isang linggo.
lunes hanggang kanina..lunes kasi nagkasakit ako ng sobrang taas..puyat siguro wala kasi akong tulog nun mula yung saturday last week tapos..martes naman 41 na yung lagnat ko..kaya yung miyerkules dahil sa taas ng lagnat ko tinakbo na ako ng mga 8liens sa cardinal (HOSPITAL? totoo ba ito? alam ko si r3d3ye takot sa HOSPITAL..hehehe..aba FIRST TIME ATA.)..ayun lumabas ako kanina lang! yung ibang istorya next time time..sabi ni doc kasi pahinga muna daw..kaya konti lang kwento ko..pero ito..back in action na, parang walang nangyati..may bagong jacket pa =) sarap... bumisita lagn ako sandali dito sa blog ko..kasi medyo naiinip ako sa mga nicocompile ko para sa aming deployment next week.
kasabay nito yung isang binabanatan kong asterisk project na kahapon lang dumating yung card na inorder namin galing malaysia(NAKS ngayong lang ako hindi bumilib sa fedex kasi 2 linggo ko na itong inaantay eh)...na kasabay ng pagaaral para sa isang project na lalagyan naman namin ng "irebird database" kaya eto't tinitingnan ko itong karakas ng "flamerobin". o sya! sana payagan na akong maka barek mamaya..ABA OCTOBER FEST NA! di ko pa nararamdaman....para sa muling pagbabalik..hehehe..sana lang naman?

sabi kasi ni doc..pahinga daw muna ng 1week tapos balik sa kanya next week at wag masyadong magpuyat (hmmm..paano kaya ito??? sabi nya kasi dapat normal lang daw yung oras ng pagwowork..tsktsktsk..ano kaya yung normal na iyon??? sa 8liens kasi..eh..). ay DOC nga pala..maraming salamat sa maayos na pagaasikaso nyo sa akin..saludo ako sa inyo sa serbisyo sa pagiging mahusay din sa inyong larangan sa sa pagaasikaso din ng ng inyong grupo (yung mga intern at mga nurses) at hospital. mabuhay kayo!

ano yung barek? eh di UMINOM o MAGLASING, natutunan ko iyan dito sa mga ibaan boys sa opis.