Wala lang akong naririnig ng tilaok ng Manok ngunit mag 4am na din. Hindi pa din ako makatulog.
Kakatapos ko kasing makausap ang bunso naming kapatid na si Kaka at pinag-uusapan namin ang kondisyon ng aming Nanay. Nanunubalik sa akin ang mga nakaraan ng kanyang kalakasan. Nanumbalik din sa aking mga ala-ala ang maayos na pag-tataguyod at mga pangaral sa amin magkakapatid. Tandang-tanda ko pa ang kanyang mga ngiti para sa pag-sisilbi para sa mga kababayan natin. Naging Kagawad din kasi sya at maraming oras ang kanyang itinatapon sa aming Barangay, para sa paglilingkod sa Bayan.
Kaya patuloy ko lang syang pinagdadasal sa kabila ng kanyang kasalukuyang kondisyon. Patuloy lang din ang pag-suporta sa para kayang mga pangangailangan. Ako at nga ngalan ang aming Pamilya, ay lubos ding nagpapasalamat sa inyong walang sawang panalangin para sa aking Nanay. Nawa'y gantimpalaan pa sya ng lakas upang mapaglabanan ang kanyang sitwasyon. Umaasa kaming hindi kami pababayan ng Pangioon sa laban na ito.
`
Hinahanda na din namin ang aming mga sarili sa muling pag-pasok nya sa Ospital para sa mga susunod na gamutan. Lahat ay gagawin para sa aming mahal na Nanay!
No comments:
Post a Comment