Sa point of view ng ibang tao. Ang kayamanan ng kumpanya ay ang mga tao at dapat 'wag itong papabayaan. Sa point of view ng mga may-ari ng kumpanya, alagaan lang ang mga "tamang" tao na naka align sa adhikain na syang tunay na kayamanan na hindi dapat pabayaan..gawing mong kasama at kanegosyo kung maari. Na lahat ng iyan ay nagdedepende din sa kapasidad ng isang kumpanya.
Kaya ineencourage ko na mag tayo kayo ng kumpanya ng maranasan nyong mag-alaga ng tao at makatulong kayo sa ekonomiya (pag-nagawa nyo na..tsaka tayo magusap ng mga karanasan). Walang magagawa ang mga akala lalo ngayong may COVID19. Hanaping maigi ang lugar kung saan ninyo maeexercise ang inyong husay na nagbibigay halaga sa inyong sarili,pamilya,lipunan at bansa... higit sa iyong bulsa.
Madami ding mga taong puro satsat lang ngunit wala namang ibubuga. Nagtayo ng kumpanya ngunit nagsasara at hindi makapag alaga ng mga tamang tao...tapos, magbubulalas na dapat alagaan ang mga tao na syang kayamanan ng kumpanya.
Mag-isip at gumanap ng marahan ngunit magkasilbi.
No comments:
Post a Comment