Friday, February 05, 2021

Isang taong anibersaryo

 

Mahal ko,
 
Salamat sa dyos! 
 
Isang taon na ang lumipas ngunit parang kahapon lang at tandang-tanda ko pa noong sinagot mo ako, o asawa ko ng "I do". Laging sariwa ang pakiramdam at daig ko pa ang nanalo sa lotto. Wala akong maisip na panukat sa nadarama maliban sa malinaw na akin ka na at buo na ako. Parang magic! Pantastik!
Naalala ko na naman bigla ang aking mga pangako sa iyo na ngayon ay isa ng awitin na bukod sa ating dalawa ay kinakanta na din ng karamihan. Yan ang "Ikaw Ang Uunahin" ika nga, Alam ko lang ako'y sa iyo at ikay lagi sa puso ko...magpakailan pa man. Mag kasama sa saya at kalungkutan.
(i cut and paste sana ng mga makakabasa ng kanilang pakingan at ng sila'y maiinlab din) 
 

 
 
Parang sa pagdaan ng panahon eh lalong pabata ng pabata ang pakiramdam na para akong superhero dahil meron akong superpower na "ikaw". At dahil dyan, tayo'y magkakampi na laban para sa lahat at makaagapay na nag-aalay para sa karamihan. Ang sarap isipin na ang ating pag-iisang dibdib ay syang blessing sa mga iilan lalo sa mga taong nakapaligid sa atin. Walang pag-dadamot,bukas palad at bukas puso ang dulot ng iyong pag-mamahal na sana'y nasusuklian ko. Bilib din ako sa ating pag-yabong sa bawat araw na nagdaraan. Bakit kamo? Siksik,liglig at umaapaw ang biyaya ng pag-mamahalan.
Kitang-kita ko din ang malaking pag-babago sa aking mga gawi dahil iyan sa iyong respeto,tiwala at pag-ibig. "Better person" ba kamo? Nya-nya! Mas nakita ko ang aking potensyal at mas nagagawa nating sabay ang madaming bagay ng may saysay. Pakinabang din para sa sarili,sa iyo, sa ating mga pamilya at mga taong nagtitiwala sa atin. Lahat kasama sa pag-yabong ng pag-ibig.❤❤❤
Maraming salamat sa pag-ibig! Mahal na mahal kita! Uulit-ulitin ko ito "kasi gusto ko syang 'wag mawala sa aking puso".
 
Para sa ating anibersaryo,I love you! 😍😍
😍
Nagmamahal,
Mahal mo

No comments: