Binago
Ni: Meric Mara
LinuxG33K,Geekineer,Open Sourcerer,Social Entrepreneur,Certified Linux Engineer,Computer Engineer,Explorer,Community Volunteer,Poet,Lyricist and Composer
Binago
Ni: Meric Mara
Sa mga may bubong pa ang tirahan at nakakakain ng maayos. Maswerte kayo! Alagaan nyong maiigi ang biyayang meron kayo at ‘wag abusuhin. Higit sa lahat ay ipanalangin nyong malayo kayo sa sakit at madaming umaasa sa inyo at maging instrumento sa pag-tulong.
Alam nyo bang sa panahon ngayon,tsamba na ang makabili ng pag-kain sa ilan nating mga kababayan. Maswerte sila kung maambunan ng mga malalasang pag-kain. Umiikot din ang mga pwet kung saan kukuha ng mga pambili ng gamot.
Ang facemask at faceshied nga ay hindi na din napapalitan at ang paulit- ulit na sampung piso ay mabigat upang ipambili ng mga ito na critical para sa kanilang pag-sunod sa tinatawag na health protocol.
Nai-imagine nyo ba? Kung OO, anong plano ninyong gawin?
Sa mga nakatunganga,
Sa mga nagsasawalang bahala,
Sa mga manhid para sa kapwa,
Sa mga waldas ng biyaya,
Sa mga kurap na mandaraya,
Sa mga nasa dilawan at pulanan na kawawa,
Sa mga naga pi-feeling na marangya.
Aba’y anong plano nyo?
Balik tayo dun sa usaping pag-ganap at pagtulong upang mabuhay ang nagpipilit mabuhay. Hindi tayo inaasanag mag-abot lamang ng barya, mas-inaasayan tayo na ibigay ang ating mga kamay na matulungin kasabay ng utak na nag-iisip at pusong umiibig sa Bayan at sa marami.
Disyembre na,ilang araw nalang ay Pasko na,tapos ang bagong taong 2021. Ramdam nating lahat ang mga pasakit na dulot ng pandemya ng 2020. Medyo masakit din yung namatayan ka pa ng mga mahal sa buhay,mga kaibigan at mga kamagnak. Minsan nga hindi mo mapipiligan ang lumuha.
Hindi lang iyan, nandyan pa yung mga bagyong dumating na syang sumapak din sa ilang buhay at kabuhayan ng ating mga kababayan.
Paano na? Susuko na ba tayo?
Sa iba marahil ay OO, ngunit sa mga nagpapahalaga sa sarili at mga tao sa paligid. Kailangan lumaban.
Kailangan ding umagapay sa mga wala at magpalakas ng loob sa mga mahihina. Kampihan tayo pag-hindi umaayon ang pag-kakataon...group hug!!!
At dahil unang araw ng Disyembre. Ito’y buwan na pwede kong sabihing buwan ng pag-tatyaga at selebrasyon para sa pag-wawagi sa hamon ng buhay. Palakpakan natin ang ating mga sarili dahil hindi tayo kailanman sumusuko at patuloy tayong lumalaban. Mabuhay po at muli, palakpakan ang ating mga sarili! 👏🏻👏🏻👏🏻
Kanta nalang tayo muna nitong klasikong awitin...Sa Paskong darating.
Sa Paskong darating
Santa Claus nyo’y ako rin
‘Pagkat kayong lahat
ay naging masunurin
Dadalhan ko kayo
ng mansanas at ubas
May kendi at tsokolate,
peras, castañas na marami
Sa araw ng Pasko
huwag nang malulumbay
Ipagdiwang ang araw
habang nabubuhay
Sa alon ng mundo, tayong lahat ay naglalakbay sa hiram na buhay. Minsan may mga karanasan tayong magaganda at minsan nama’y may mga hindi din kanais-nais. Yan ay normal lang. Tayo’y nasa mundo na kailangan maintidihan ang dinamikong kapaligiran. Na dahil dito, Tayo-tayo ang gagawa ng ating buhay na kung ano man kahihinatnan, Tayo nga lang ang may gawa.
Minsan tayo’y iiyak,tatawa,mag-mamahal,malulungkot at kung ano-ano pa. Base kasi iyan ng ating mga pinipiling desisyon sa buhay. Kaya minsan maiiling ka kung bakit ninanais ng iilan ang manglamang sa kapwa,gayun din kung bakit may nagpapatiwakal. Lahat naman tayo ay magwawakas, hayaan natin ang daigdig ang humusga..’wag nating madaliin..nag mamasid ang panginoon na syang laging gumagabay sa ating lahat. May tamang panahon nasa ating lahat ay nag-aantay.
Sa gitna ng agam-agam, tayo’y mananalangin. Na sana’y tayo ay gabayan at ilayo sa mga masasama. Maigsi lang kasi ang buhay. Kung pupunahin nga natin,sobrang bilis ng oras.Kung mali man o tama ang gamit natin, hindi na natin iyan maibabalik. Kaya gawin nating makulay ang ating pag-lalakbay. Gawing kaiga-igaya,Ika nga.
Suklian natin ng saysay itong buhay na hiram. Matuto tayong pagpasalamat sa mga pag-papala. ‘Wag nating abusihin ang sa ati’y biyaya ng tadhana. Matutong makiramdam at ‘wag maging pabaya. Kaya sa ating pag-lalakbay ang mga mali at wasto ay magbabase iyan sa kung paano tayo umunawa ng mga ganap ng atin buhay.Base sa karanasan na syang pinagtibay ng ating pag-lalakbay dito sa alon ng buhay.