Friday, April 24, 2020

Hindi barya ang magpapagalaw sa atin.



May laban sa COVID19. Gagawa tayo ng aksyon upang mapaglabanan ito gamit ang ating mga galing, gamit ang teknolohiya.

Hinihingi ngayon ng ating Inang Bayan ang ating mga galing upang gumawa ng mga bagay-bagay para maisulba ang ating mga kababayan sa sakit at kamatayan na hatid ng COVID19.

Kaya isang malaking hadlang ang makadaupang palad sa paggawa ng mga makabuluhan ang mga taong walang inatupag kundi ang kanilang mga sarili.  Yung mga taong naghahari ang bilib sa sarili kaysa ang umaksyon, ang mga taong nagbibilang ng ibabayad sa kanila kumpara sa mga masasagip nilang mga naghihingalong buhay.

Ika nga, “Ang mga Taong BAYAD MUNA bago gawa.”

Sa mga ito, unang ibabalandra ang "Timeline" at magkano akin dyan. Mahina kasi  at lutang ang kakapusan ng pang-unawa na tayo ay nalulugmok ngayon sa tinatawag na krisis...Na ang bawat tiktak ng relo ay kayamanan at mahalaga.

Ika nga ni General George Patton:

"Any plan aggressively pursued at the height of a battle is much better than a plan that took time to perfect but came in too late."

Dito, kailangan maunawaan ng lubusan na may iba’t-ibang uri ng labanan. May mga laban na dapat todo ang pag-paplano, masinsin at masuri. Sinasaalang-alang ang istratehiya upang sa huli ay manalo. Ngunit nag-iiba ang kwento kung ang sitwasyon ay tulad ng sa ngayon. Kung saan ang lahat ay biglaan, walang kahandaan. Dito susubukin ang ating galing, ang ating mga pinag-aralan, ang ating respeto sa kapwa tao. Ito ang panahon na lalaban tayo at ang tanging sandata ay ang ating ekspiryensa at pagiging focused upang mapagwagian ang kalaban. Walang oras ang lahat, COMMITMENT ang taya! Yan ang ating pato at panabla. Todohan na!

Mahirap kasing matalo ng walang ginawa at all.
Mahirap kasing matalo ang puro pag-aanalisa sa panahon ng digmaan.
Mahirap kasing matalo na bibig ang sandata at hindi aksyon.
Wala pang nagagawa, lintik na ang negatibo at liyanta na dulot ng kamangmangang umunawa ng pakiramdan ng iba.

Kung sisimulan lang natin sa pag-intindi ng kalaban at sa pag-intindi ng tawag ng Inang Bayan, baka umalab ang dugo at pag-nanais na gumanap.

Hindi barya ang magpapagalaw sa atin. Kundi isang mamamayang nagmamahal sa bayan.

No comments: