Monday, January 27, 2020

Maging Matapat

Maging Matapat
Akda Ni: Meric Mara

Kikibit ng balikat?
Natatakot mag-siwalat
Sa mga kwento na isinu-sulat
nagdadalawang isip,nakakagulat!

Ang ulo'y iiling-iling
mga mata'y tila naduduling
tinatagong istoryang magaling
ayaw sambitin at mambibitin

Maging tapat,Walang pabalat
Magtiwala! yan ang dapat
mabubuhay sa paraisong sapat
Ang balabal ng pag-ibig ay matapat

Dadalhin tayo ng malayo
ang mga puso'y sabay mahihipo
ramdam ang tibok na lumalago
sumasaludo ang isip sa pag-suyo

ang kasalanan ay pinagtatakpan
tangap ang ehempo ng bulaan
sa dulo sa sarili ang sinasaktan
papaling sa katotohanan

No comments: