Tuesday, January 28, 2020

Isang taon na naman

Isang taon na naman
Akda ni: Meric Mara


Araw-araw tayong mag-kasama
Ang pag-ibig ay damang-dama
Sa isang taon na naman sinta
Nabuo tayo ng kusang pag-sasama

Tayo'y mga kulang na pinag-isa
Sinasamsam ang panahong magkasama
ang iyong saya,ay syang aking gana
kinikilig at umaapaw ang ligaya

At pagdating ng kaunting tampuhan
kahit man ang mga noo'y kumunot pa
matatapos ang gabi ng may ligaya
mahigpit na magkayakap...tayong dalawa


Isang taon na naman, Oh Giliw/(Oh Darling =P)
Halina at sabay nating awiting
Sa pag-mahahalan ay walang mabibitin
Sa may-kapal ang pag-ibig ay ibini-bilin

Isang taon na naman, Iisang puso lang hirang
tayo'y aawit, unos man ay dumaan
sa mga pag-subok at pangambay di iiwan
taos puso, ang isa't isang nagdadamayan

Isang taon na naman..

No comments: