Thursday, October 30, 2008

maligayang kaarawan

kaarawan ng aking nanay kahapon at sa text lang kami nagkaroon ng pagkakataong magkabatian,kamustahan at konting palitan ng mensahe para sa isat isa. ayaw ko na din muna sya kasing istorbuhin sa kanyang mga nais gawin dahil alam kong madami din syang dapat asikasuhin sa araw nyang ito. naplano o plinano na nya ang ilang mga bagay-bagay para sa kanyang kaarawan...nariyan na nga ang tradition at dating gawi na pagluluto ng pansit at pagpunta sa baklaran para magsimba.

kaya Ma,sana kahit papaano ay napaligaya kita sa iyong kaarawan.mag-iingat ka lagi at alagaan ang iyong sarili. lagi lang kaming nasa tabi mo at aagapay sa lahat ng iyong mga pangangailangan sa buhay...maligayang bati sa iyong kaarawan...

pahabol: Doc Darius HAPPY BERTDAY DIN PALA! sabay nga pala kayo ng mama ko.

No comments: