Tuesday, September 30, 2008

With the world, we say, "IT's a Free World!"

nakuha na din namin yung mga pictures na galing sa PLDT,Mga kuha noong nagdaang Software Freedom Day.

Kung sino man o anu man ang pangalan ng photographer nung event na iyon? mabuhay ka at mahuhusay ang iyong kuha at pagpili ng mga angulo. Kuhang-kuha o lumutang ang mga diin sa larawan nung lalo na yung panahong pinakita ni Sir Joey ang ganda ng kanilang monitoring sa innolab .

ilagay ko na din itong isang kuha nung panahong nag didiscuss ako ng asterisk =).



Ano pa ang mga naaalala ko nung panahong ito bukod sa nalasing kami nung gabing matapos ang event dahil sa selebrasyon?

Libreng food? Ballpen ng PLDT? naiwan na tarpunin nila robert? si pareng Bheng ang FOSS at ang PLDT sa usaping backup? ang kwentong choosy? maganda suporta ng mga partners? Mga dumayo mula pa sa malalayong lugar upang makipagdiwang? Si Donna at ang tsinelas ni Jasper? Si jaja na nag rerecord ng mga presentation? si roz na tumatawa habang nagpepresent? si nilda na parang maykaaway sa lakas ng boses mag present? yung slide na henyo na nandun yung picture nya? si renan na laging sinasabi na "umpisahan na nya"? hmmmm..ang dami kaya...

pero mas naaalala ko si Juancho, si Juancho na pakalat kalat, si juancho ang aming official na mascot-nasa tasa, nasa mga slides namin, nasa tarpulin at syempre sa tshirt na gawa ni kuya spencer at sya kasi ang diwa ng aming selebrasyon. Para ngang bertday nya kung umasta itong penguin na ito.

kung ano yung kabuuan ng mga pangyayari noong panahong iyon at sa mga nagtatanong anong detalye sa mga kaganapan? eto yung article na ginawa ni jajapot na matatagpuan din sa amin website. http://www.8layertech.com

paalala: pag sa website namin kayo nag visit madodownload nyo dun yung mga presentation na ginamit namin tulad ng [pangako namin sa mga dumalo ng araw na iyon.

http://www.8layertech.com/newsdetails.php?newsid=27

With the world, we say, "IT's a Free World!"


It was the first time 8layer Technologies, Inc. hosted Software Freedom Day. The morning of September 20 spelled excitement for Team 8lien that initiated the intimate gathering. Those who were there warmed up to the comfort of PLDT InnoLab's board room while some got a quick tour of the Linux Desktop on display.

By ten o'clock, "IT's a Free World!" started with a warm welcome from Mr. Joey S. Limjap, PLDT Head of Corporate Solution Product Development and Quality Management and kind-hearted InnoLab host.

InnoLab, PLDT's breeding ground for new innovations and the foundation for focused research, new product development and service innovation, now became the hatchery for new advocates to Software Freedom. Mr. Limjap summed up InnoLab's essence of existence:

“We recognize our role in the development of ICT in the country,” he said. “We launched InnoLab two years ago and since then, our advocay is the same. We want Innolab to be the melting pot for the innovative ideas, a venue where new products and cost-effective solutions unfold.”

The 8lien-hosted Software Freedom Day 08 (SFD08) dubbed as “IT's a Free World” was participated by select attendees from the academe, the government, private companies and NGOs. The event was also co-sponsored and made successful by UR Solutions, IBM, Intel and IOSN-UNDP.

The day-long celebration also got a surprise visit from Bayan Muna Representative, Mr. Teddy Casiño, a staunch advocate of F/OSS and the author of House Bill 1716 (The FOSS Act). He humorously referred to himself as a “gate crasher” which elicited a good-natured laugh from the audience.

Congressman Casiño expressed relief in saying that the proposed Free and Open Source (FOSS) Act drafted way back in 2006 is now being heard in the Committee on Information and Communications Technology and Committee on Trade and Industry. He shared too that the government is now bundling Open Source softwares in the computers given to schools cutting back costs in purchasing proprietary softwares and therefore enables them to provide more computer hardwares.

“Open Source is the way to go,” the militant lawmaker added. “Its advantages far outweigh whatever perceived weaknesses there is. With the proposed bill, we can expect an official policy on FOSS.”
FREE as in "Freedom" not "Free Beer"

With attendees of mostly non-FOSS users, UR Solutions' GM, Patrick D. Reidenbach, started off with a basic yet encompassing presentation of what F/OSS is. He emphasized the word "Free" and used the catchphrase, Free as in "freedom"... not free as in "free beer".

GM Reidenbach also highlighted the Open Source business model which gave the audience a clear view of how Open Source projects are implemented and executed.


Laying the foundations of F/OSS thru the presentation of GM Reidenbach and by the meaty introduction by Deng Silorio, COO of 8layer Technologies, Inc., Team 8lien proceeded to present the daily experiences of using a Linux desktop and the advantages that go with it. Befitting topics for new F/OSS users were discussed by Renan Mara (Using Linux-Ubuntu), Roz Vargas (Desktop Applications and Utilities), Nilda Andal (Firefox and Flock) and Allan de Guzman (RSS).

Ending the morning session was a presentation on Web Technology, Jasper Tomas gave an informative fundamentals on how easily possible it is to setup and create a website. Here, he shared Joomla! from the point of view of a user and a programmer.

It's good when it's Free, better when Secure

With still some cobwebs of misconceptions and myths lurking around the room at lunchtime, Technology Manager Robert R. Reidenbach of UR Solutions came to the rescue with a very substantive presentation on how secure Open Source technologies can be.

The soft-spoken Security Master openly discussed platforms, systems and applications that handle and manage critical security operations. It was a total delight for the listening group as Robert threw one essential point after another.

Know the Source, Feel the Force

Another eye-opener presentation was given by 8layer's CTO Meric Mara. Sharing the power of Open Source telephony in Asterisk, the rouge-looking Security Expert detailed how this can benefit users and enterprises. He also clearly compared how one can take advantage and be empowered with the use of Open Source telephony like Asterisk.

As a take-home to the curious audience, CTO Mara gave a befitting F/OSS advice: If the source is with you, the force will guide you.

The 8 F/OSS Swiss Knife

As a way of true recognition of the capability of F/OSS to keep an organization going, Team 8lien shared 8 applications which they themselves use. The following are considered recommended F/OSS applications and tools that anyone, even those new in Linux can implement in their IT environment: Mail8, WvDial, MediaWiki, Wine, phpSysInfo, VirtualBox, Clix and Lotus Symphony.
.

Sunday, September 28, 2008

Sabado at Linggo

ngayong araw ng linggo naisip kong matagal tagal ko na din hindi nabuksan pala itong aking eeepc, marahil dahil nitong mga nagdaang panahon at lagi kasing yung lenovo ko na sira yung cdrom ngayon ang aking laging ginagamit sa mga presentation at sa paglalaro ng asterisk. kaya nga laking gulat ko ng bukas ko itong eeepc at ang open office-writer ko,may isang tula palang akong ginagawa at sinumulang isulat noong august 27, 2008 isang buwan na ang nakakalipas. ang pamagat ng tula ay PENE: panaghoy at engkwentro sa nanggugulong engkanto.

eto yung tula..

PENE: panaghoy at engkwentro sa nanggugulong engkanto
may akda: meric mara

ang kuto at lisa ng lipunan di mo talaga maiiwasan
kati sa inang anit higit na sakit ng sankalupaan
maingay sa daan,walang laman ang pantalan
eksenang maihahanintulad sa “pene” ng sandaigdigan

buyo dito buyo duon ang kanyang nagsisillbing libangan
walang sapat na pagiisip at mabababaw ang mga kadahilanan
di naman makaporma sa tunay na bakbakan
bagkos tiklop tuhod sa matipuno at usapang matuwiran

mapapailing, magigising at sisigaw ang damdamin
di papayagan ang bulok na patuloy na suliranin
armas ang panaghoy sa mataimtim na laban natin
matiyagang susupilin ang bukol sa ating lupain

walang topak o tupaz ang magsisilbing galing
sa naghihikahos na bayan at dito'y sasaling
gagabaan ang syang mag piling magaling
lalo't walang programa sa mga susunod na supling.

tuloy ang kwento...kahapon sabado bago magtakimsilim, sa gitna ang aking pagpapahinga at panonood ng telebisyon ay pumukaw sa akin ang dalawang canvas at ang mga hindi tapos na proyekto ko o pinipinta. nahinto kasi ang mga ito dahil naubusan ako ng acrylic na gamit sa pagpipinta ilang buwan na din ang nakakalipas. kaya kanila sa national bookstore sa may quezon ave. bumuli ako ng ilang pampinta ko (tatlong kahel at isang bughaw na tinta). medyo nagtaas lang ng presyo dahil noong huling bili ko at nasa 65 pesos lang ang isa kumpara sa 87 esos na ngayon...mahal na din pala ang pagpipinta. tinatarget kong matapos itong mga ito ngayong week na darating, uunti untiin ko hanggang matapos sya at maisabit na sa dingding upang maging kagaanan sa panahong pagod at balisa.

kung dati ay isang oras ko lang naipinta yung mga penguin na nasa opisina, ngayon ay bibigyan ko ng konting panahon itong mga bagong pinagkakaabalahan at susubukan kong magpinta na mala abstruct na madaming kumbinansyon o iba ibang stoke na dapat nag output nito ay reflective sa mundo ng 8liens o paglilinux o mundo ng opensource. sa madaling sabi goodluck sa akin =)

"race day" ngayon sa singapore. wag kalimutang panoorin kaunaunahang race day sa singapore at sabi nga nila "the world's first formula 1 night race".

http://www.singaporegp.sg/
http://www.formula1.com/

Singapore Grand Prix qualifying results:
1. Felipe Massa, Brazil, Ferrari, 1 minute, 44.801 seconds.
2. Lewis Hamilton, Britain, McLaren, 1:45.465.
3. Kimi Raikkonen, Finland, Ferrari, 1:45.617.
4. Robert Kubica, Poland, BMW, 1:45.779.
5. Heikki Kovalainen, Finland, McLaren, 1:45.873.
6. Nick Heidfeld, Germany, BMW, 1:45.964.
7. Sebastian Vettel, Germany, Toro Rosso, 1:46.244.
8. Timo Glock, Germany, Toyota, 1:46.328.
9. Nico Rosberg, Germany, Williams, 1:46.611.
10. Kazuki Nakajima, Japan, Williams, 1:47.547.

sayang at wala sa pangsampung posisyon yung isa sa paborito kong driver si "alonso" na pang labing lima ngayon.

dating gawi...kay kimi ang bet ko.

Saturday, September 27, 2008

isang tasang tsokolate

natuloy ang inuman kagabi sa conspiracy. buti nalang at may service kaming innova =). dating gawi, ngunit ang tumutugtog nung gabing iyon ay sila bayang barrios at mike villegas. maganda ang mga musika na kahit ba tila kokonti lang ang tao sa buong lugar, lutang na lutang ang pag kukumpulan ng aming grupo sa harap at sa bandang kanan ng entablado. di din makakalimutan ang mga usaping "dawdaw" mga pangontra at paraan ng paghawak ng baso na dinemo pa ni henyo. nagbalik tanaw din tuloy ang istorya nung bata paako na patungkol kay joseph enaje. pati ang pagpila nila henyo at nilda nung sila ay elementarya at ang batang na-ihe ay di din napalampas.
di din napipigilan ang mga usaping "server features" at usapang ano ang ingles ng "sitaw" at "ampalaya"? yung patungkol sa sitaw ang clue ni roz gingamit sa girata hehehe =)

nakakatuwang din isipin na sa lalim ng gabi at sa saliw ng musika ay hindi malilimutan o mawawala ang pagsunod nila alex (mabuting kabiyak ng aming kaibigang si rosa) at humabol din si raymond ng IBM kasama ang kanyang kapatid na tila humahangos pa dahil sa layo ng kanyang pinanggalingan..sa urdaneta. ilang beer ang dumaan sa mesa, sanmiguel at red horse, dalawang bilaong pulutan na sinawsawan pa masasayang kwentuhan at malalakas na tawanan.

sayang nga lang at ang inaasam kong "isang tasang tsokolate" ay hindi nangyari. =(

Friday, September 26, 2008

kailan na ba ulit ang inuman? inuman na ba ulit?

dapat uminom ngayon.

mula ng makauwi kami galing ng malaysia at singapore hindi pa kami (8liens) nagagawi ulit sa aming tambayan ang conspi,bistro at and freedom bar. sa madaling sabi..namimiss ko na ang tugtugan.
hindi pa din namin naseselabreyt ang mga kaarawan para sa mga nagbertday ngayon september (apat kayang mga boss ang nagbertday). wala pa din kasi si kuya rey at busy pa sya sa kanyang pagkakasakit (HOY KUYA REY PAGALING KA NA) medyo nagpapagaling pa sya ngayon kasabay ng pag co-code o paggawa ng mga projects (hanep kakaiba ka talaga kuya rey).

pasasaan at mauuwi din naman sa maboteng usapan.
ang huling inuman kasi na ginawa namin ay nugn matapos ang software freedom day noong september 20 pa. ilang bote at masasayang kwentuhang linux ang nangyari.

kanina naligaw din ako sa blog ni henyo (naks si henyo nagbo-blog na..ituloy tuloy mo henyo para madaming malasing sa kwento mo) na kung saan puro usapang alak..ay sya! anak ng alak kaya itong si henyo. kung bakit ako naligaw? dahil sa RSS? di din siguro..marahil nagpapahiwatig na biyernes ngayon at masarap uminom kasabay ng mangilanngilan na ambon ng langit.

kasabay din ng mga senyales nito at mga pambabarat na nagawa ni deng kanina sa greenhills (daming natipid ibig sabihin may konting panginom..ayus!);nandun kasi kami kanila nila henyo para bumili ng kung ano ano para sa opis gamit na makakatulong ni henyo sa kanyang "pag wo-work" naks henyo..da works! =) at sabay na bumili na din kami ng isang painting na replika o sumasalim sa isang bahagi ng mundo ng 8liens..painting ng dalawang lasing ng mamang nag gigitara: yung 8liens kasi mahilig sa musika at konting inuman pag nakakatapos ng mga teknical na gawain bilang munting selebrasyon.

isa pang senyales ng dapat iminom ngayon ay si japot, na kamakailan lang ay binunutan ng dalawang ipin (bagang-hehehe bungal na ang aming jajapot ngayon) sabi nga nya "KUMIKIBOT-KIBOT KIROT" pa, na sa aking palagay ay kulang sa mumog at basbas ni san miguel. yung may hagupit pero "light" lang naman =)

madami pa. kaya lang ang issue ko pag ikinuwento ko lahat ng dahilan kung bakit kailangan uminom ngayon ay hindi ako malalasing kaka type o kakasulat dito sa blog kong ito. kaya ito nalang muna.

kung may software freedom day meron din atang barek freedom day na ginaganap tuwing huling byernes ng buwan. tama ba? tama.

Thursday, September 25, 2008

Fitness-First

sunod sunod na gabi din ang inilagi ko sa gym (oo nag gi-gym na ako_ fitness first) nitong mga nagdaang araw.
ang masasabi ko lang, matanda na ata ako? kasi ba naman di na kasing tindi yung hangin ko kumapara nung batabata ako at nahihilig pa ako sa basketball. wala pang trenta minutos eh hingal kabayo na ako sa pag lakad at pagtakbo. eh hindi pa ako nag yoyosi ng lagay na iyan..paano na yung mga nagyoyosi dyan hehehe (ooopppsss) japot 1 week promise.

sa ngayon minabuti kong mag gym dahil naalala ko yung mga kwento ko at entry ko sa blog na ito- na eto't nagkasakit na naman ako o kaya kesyo masama ang gising ko at pakiramdam ko. at dahil sa mga nararamdaman kong ito ay minabuti ko nang mag gym na din. para maiwasan ang sakit at relax sa pag tatrabaho. kaya nga lang nitong mga nakaraang araw eh gabi ako nag gigym at pagtapos nun at titingan mo ang relos ay mga alas onse na ng gabi. dahil dito syempre gusing na gising ang diwa ko kaya kung hindi mga balita sa TV (aba nakakanood na din ako ng balita at alam ko yung mga nangyayari sa gatas sa china ngayon) ang kasunod ay nakaharap ako sa laptop ko at naglalaro ng bago kong toy ngayon ang "asterisk".

teka hindi ko pa pala nakukuha yung libreng payong ko. sabi kasi nung time na nagregister ako may promo..libreng payong =)

Friday, September 19, 2008

Updates on IT's a Free World!

Tomorrow is THE Day. Team 8lien is holding its first ever SFD celebration. And the seats are already filled!

We're all excited, and here's me hoping that those who signed up are sharing the same excitement as I do.

This early, we thank IBM, Intel, PLDT, IOSN and UR Solutions for supporting us through the event.

Just an update, there are some changes in our Program of Activities. I am posting here the final program for the 8lien-hosted SFD08 dubbed as IT's a Free World!

visit http://www.8layertech.com/blogdetails.php?id=10 for more information

Monday, September 08, 2008

IT's a Free World!

IT's a Free World!
by Jaja del Rosario
September 08, 2008 - Monday



We are creating another milestone. Young as we are (onto our 4th year!), we are embarking into sharing our own humble offering to IT Freedom. That is, cocelebrating with the world the Software Freedom Day on 20th September (SFD08).

There are four things though that we are veering away from.

1. CROWD Festivity. Honestly, we feel that we are not ready yet to cater to a large crowd. Practically, we are a control-freak. We want everyone there to go home well-fed and fully-nourished, but I'm not talking about food here. Not to mention, this will defeat our goal of intimately reaching out to non-F/OSS users and eventually tapping them to "evangelize" with us. Of course, we have a select few of F/OSS users who are ready to lend us a day and make the event a success.

2. Technical Discussions. As previously mentioned, since we are catering to non-f/oss users, there would be minimal technical discussions. The event will be a rundown of applications that we have collated and shortlisted as mature and ready to be used by those with limited or no technical background, individuals and organizations alike. Well, ok, there will be some basic technical stuffs. But we have heaved the speakers to do the birds-and-the-bees thing. Just to be sure.

3. Walk-Ins and Drive-Thrus. As much as we want to accommodate everyone, the 8lien-hosted SFD08 is a first-to-confirm first-served basis. PLDT Innolab has so graciously provided us a room for free and we do not want to stretch their patience. Moreso, we want the participants to do hands-on experience on some of the solutions/applications that would be discussed that it will be a test of wit for those who won't be assigned a station to work on. But why be a gate-crasher when you can give us a call at (02) 7060501 to 02 local 81 (look for Donna) to reserve a seat and a parking space!

4. Food and Drinks. There won't be any food and drinks served during the whole day event. Gotcha! Just kidding. It's our treat!

Below are the topics that we feel would be a good start-off, with IOSN, THE staunch advocate and one of our supporters too, doing the welcome for us.

1. The Linux Desktop: Going Ubuntu
by LoCo Ubuntu Philippines

2. What's New with the Web? (Web Technology and F/OSS)
by 8layer Creatives and R & D Team

3. How to Use Open Source with IT Security Management
by Mr. Patrick Reidenbach, GM, UR Solutions

4. Asterisk: The Future of Open Source Telephony
by Mr. Meric Mara, CTO, 8layer Technologies, Inc.

5. 8 F/OSS Swiss Knife
by 8layer Team

Let us know if you can join us so we can reserve a seat and a workstation for you. Call Donna at (02) 7060501 to 02 local 81.

Usapang FOSS: Mounting ISO

Kakainstall ko lang at kapagana ng aking virtual box sa aking ubuntu 8.04
ang medyo tricky lang na part ay yung sa networking.

para mag add ng mga Guess OS, bale yung mga iso ko na nasa local drive ang mga nainstall ko palang sa ngayon.syempre pa, di mawawala yung lfs.iso para gamitin sa mga seminars/presentation at pagdedemo.

speaking of iso, natatandaan ko every time na gusto kong basahin yung laman ng iso ko at gusto kong irecompile yung ibang component ay nakasanayan ko na ang paggamit ng mount command.

mount -o loop pangalanngiso.iso /mnt/saandirectorykogustomakita

para dun sa mga medyo tinatamad ng kaunti at ayaw ng console para makita yung laman ng iso.

eto at may mga GUI na na tools na pwedeng gamitin bilang kahalili o para mapadali ang pag ma-mount ng mga iso/images.

gmountiso [1]
Furius ISO Mount [2]

[1] http://www.marcus-furius.com/?page_id=14
[2] http://packages.ubuntu.com/feisty/utils/gmountiso

Tuesday, September 02, 2008

powerbook g4 (gray)

parte ng dahang dahang pagtugon sa aming mga listhan para sa 8layer, na lahat nakalaptop at walang "Microsoft" apps at OS. kaya't eto dagdag para sa amin ang "powerbook g4"-nakabili kami ng bagong powerbook g4-(maari naming gamitin sa pagtetest ng mga application namin kung compatible sa mac at syempre para sa marketing group) pero second hand pero wag ka ang maganda dito at sobrang panalo ay yung presyo at bago bago pa sya.

Machine Name: PowerBook G4 15"
Machine Model: PowerBook5,6
CPU Type: PowerPC G4 (1.2)
Number Of CPUs: 1
CPU Speed: 1.5 GHz
L2 Cache (per CPU): 512 KB
Memory: 1 GB

ang mga problema lang syempre.
1. walang kaming extrang CD/DVD para sa operating system (nawala na ata ng dating may ari?)
2. may ms office na nakainstall na (syempre..ito yung unang unang babakbakin ko o software na i-a-UNINSTALL)
3. tsaga muna sa existing na OS (tiger) at linis muna ng mga lumang profiles

eto yung mga inisyal na ginawa ko sa powerbook na ito habang singit na kasabay na gumagawa ng presentation para sa darating na software freedom day.

1. Delete Old Profiles/Accounts
System Preferences > Accounts >(Delete/Remove Old Accounts)

2. Uninstall MS Office.
go > Applications > MS Office 2004 > Additional Tools > Remove Office > Remove Office

3. Change Computer Name:
System Preferences › Sharing › Computer Name

4. Install Open Office for Mac (Neo Office)
http://www.neooffice.org/

5. Additional: Install Apple X11; just in case maisip kong maglagay ng gnome at kde in the future.

eto palang ang mga nagawa kong pakiki-isyoso sa powerbook namin na ito.
syempre linux parin ako kahit balibaliktarin mo ang mundo =) It's a free world.