This is a poem that I dedicated to my mom Mely Mara.
I recited it during the final night of her wake, following the Mass. The poem is titled 'Inang Aruga.'
sa puso'y puno.
Mabuting asal,
sa kanya ang pag-tubo
Sa'yong mga braso,
laging may kalinga.
Inang pag-aaruga,
hindi kailan man
maikukumpara
Sa sakit, sa hirap,
sa'yo kami’y sumasadya.
Ina, sa alaga,
walang makakapantay na tila.
Laging tinatanong,
"Anak, kayo ay mabuti ba?
"Pagmamahal mo Ina,
walang kapantay at kapara.
Tawa mo'y melodiya,
sa tahanan ay ligaya.
Sa bawat pagsubok,
ikaw ang aming tala.
Mahalin ang kapwa,
ito'y iyong laging paalala.
Sa iyong pag-aaruga,
kami’y sana, sa kapwa’y tama.
Ngayon kahit wala,
damang-dama pa rin.
Pag-aaruga mo,
sa puso't isip ay tumanim
Sa langit man ngayon,
pagmamahal mo'y buo.
Pag-aaruga ng Ina,
hindi mawawala sa puso.
Kahit saan man kami.
iyong pagmamahal ay ramdam.
Sa mga pagsubok at hamon,
ikaw ang aming sandalan.
Ina, sa iyong aruga,
kami’y hindi napapagod.
Sa pag-aaruga ng Ina,
kami’y ginagabayan
kamasa ang mahal na ama.
No comments:
Post a Comment