Thursday, January 14, 2021

Nalunod sa isang Kutsarang Tubig.

 

Sabi ng Nanay ko, ang pag-unlad ay pinaghihirapang maigi. Kailangan magsunog ng kilay dahil hindi naman kami marangya. Sabayan daw ito ng pagpapakumbaba at umiwas sa mga taong sarili lang ang iniisip. Matutong humingi ng tawad pagnagkamali at magpasalamat sa mga biyaya ng buhay.
May mga tao din na kailangan pang iwasan. Eto yung mga nuknukan ng yabang. Yung nagkaroon lang ng Barya lalo't mga nagsisimula palang eh akala mo daig pa ang mga nasa Alta sa Ciudad,mapanlait kahit pangit (ang masakit minsan ay walang-wala pa talagang nagagawa). Eto daw yung mga taong nalulunod sa isang Kutsarang Tubig. 
 
Biro mo nabiyayaan ka ng pag-kakaon at tiwala tapos magiging mapanlait ka na. Wow yun! Daig mo pa si Batman kung umasta. Yung walang utang na loob at walang pagtingin sa Pinang-galingan. Masakit din yung maiisip mong pinaghirapan mo tapos mawawala dahil kung paano mo dalhin ang alon ng buhay. Isang kutsarang tubig palang..ni hindi nga isang baso. Naku, malawak ang karagatan at madami pang kailangan matutunan at languyin. Dahan-dahan ngunit swabe lang.
Yun dapat yon! 
 
Kaya aral sa ating pag-laon ay 'wag malunod sa isang kutsarang tubig. Kahit ano pa ang ating propesyon. Maging mapagmahal at maging grounded. Palaguin ang kabutihan ng asal, pag nagkamali ay agarang ituwid. Yang ang tunay na kayamanan! 
 
Enjoy lang at Padayon!
 

 

No comments: