Friday, January 15, 2021

M16 rifle


 

Pag-papapagpag

Isang matandang pamahiin na kailangan pumunta muna sa isang lugar bago umuwi ng bahay upang mailigaw ang nga masasamang kaluluwa na maaring nanduoon sa lamay na iyong pinuntahan. Kabilin bilinan iyan ng lola kaya dapat sundin at wala namang mawawala. May katotohanan man o wala. Muli, wala namang mawawala. .


Thursday, January 14, 2021

8layer Cinema

Onti nalang at may Sinehen na kami. 




Nalunod sa isang Kutsarang Tubig.

 

Sabi ng Nanay ko, ang pag-unlad ay pinaghihirapang maigi. Kailangan magsunog ng kilay dahil hindi naman kami marangya. Sabayan daw ito ng pagpapakumbaba at umiwas sa mga taong sarili lang ang iniisip. Matutong humingi ng tawad pagnagkamali at magpasalamat sa mga biyaya ng buhay.
May mga tao din na kailangan pang iwasan. Eto yung mga nuknukan ng yabang. Yung nagkaroon lang ng Barya lalo't mga nagsisimula palang eh akala mo daig pa ang mga nasa Alta sa Ciudad,mapanlait kahit pangit (ang masakit minsan ay walang-wala pa talagang nagagawa). Eto daw yung mga taong nalulunod sa isang Kutsarang Tubig. 
 
Biro mo nabiyayaan ka ng pag-kakaon at tiwala tapos magiging mapanlait ka na. Wow yun! Daig mo pa si Batman kung umasta. Yung walang utang na loob at walang pagtingin sa Pinang-galingan. Masakit din yung maiisip mong pinaghirapan mo tapos mawawala dahil kung paano mo dalhin ang alon ng buhay. Isang kutsarang tubig palang..ni hindi nga isang baso. Naku, malawak ang karagatan at madami pang kailangan matutunan at languyin. Dahan-dahan ngunit swabe lang.
Yun dapat yon! 
 
Kaya aral sa ating pag-laon ay 'wag malunod sa isang kutsarang tubig. Kahit ano pa ang ating propesyon. Maging mapagmahal at maging grounded. Palaguin ang kabutihan ng asal, pag nagkamali ay agarang ituwid. Yang ang tunay na kayamanan! 
 
Enjoy lang at Padayon!
 

 

Friday, January 01, 2021

Spending my First Day of 2021

 

 


I want to thank God for giving me another year. I owe it to Him! That is why giving back is so important. I hope that this year, I can help more and be of service to others with the help of my team. As for now, let me share to you how I spent my first day of 2021. 

 1. I started my day by cleaning. Get rid of bad things once and for all and start your day with a lightweight feeling.

2. Eating tuyo and sardines together with baked sushi. It was a nice feeling when you satisfy your hunger with the things that you really want. I want it simple but I always put a kicker on the things that I do. 

3. Buying a computer and doing reports for Rotary as part of my obligation. -Be accountable for the things that you have committed to. It's actually difficult but just always try to do your best shot. It will surely land you to something that makes you great. 

4. Valuing time by reading and finishing a 128 page-book this very first day of January--Yes, my birthday and I've finished 1 book already. Knowledge is power, so don't miss a chance in feeding yourself with new things. 

 Always think that you can be part of something that helps solve a problem or fill a gap for someone while bringing your best self at the end of the day. 

Happy New Year!

Ngayon Enero Uno 2021, Apat na pû’t ápat na si Meric Mara

 




44 -- 4+4=8 (Lucky Number! Lucky Year! Happy nga ang aking Birthday! ❤❤❤
Bago pumasok ang 2021 ay nagudyok at naglalabasan na ang Vaccinnes para sa COVID19. Senyales ng pag-asa kahit nakanganga pa ang Pilipinas kung paano ihahandle ito. *Malamang lamang ay aaralin pa kasi ng ilan dyan paano kikita bago tumugon.
Ang Pag-asa ang mahalaga! Mapapalitan na ng Pag-asa ang mga hapdi at kirot nitong 2020. Ang mga Luha at lungkot ay mababalutan na din ng mga Ngiti. Sana tumakbo ng mabilis ang mga huling Oras at
Minuto at mag Alas dose na para sa pag-tawid ng  2020-2021.

Ang aking hiling sa May-kapal ay mananatiling para sa marami at hindi para sa akin.

Una, gabayan sana at yakapin ng pag-mamahal ang mga mahihirap at mayayaman tungo sa kabaitan, pag-kakaisa at pagtutulungan. Pangalawa,Hangad ko ang magandang kalusugan at maayos na pangangatawan ng ating mga kababayan. Pangatlo, Ang kanilang pag-asa na muling maibalk ang mga kabuhayan na sa pagkakataong ito ay mas masagana upang tuluyan nilang maitaguyod ang kanilang mga mahal sa buhay. At ang makapag-aral ng tama ang mga kabataan ng tuluyan nilang masugpo ang mga suliranin na pinapamana sa atin ng nakaraan. Bagong pag-asa at makabagong pamumuhay.

Masaya na akong umabot sa edad kong ito na nakasama ang mga tunay na Kapamilya, Kaibigan at mga kasama sa pag-gawa. Walang Salaping tutumbas sa inyong mga pinamalas na pag-ibig at suporta na syang nagpapaalab upang magpatuloy sa ating mga adhikain. 


Maraming Salamat po at Manigong Bagong Taon!