Saturday, October 31, 2020

Happy Birthday, Ma!

 



Nuknukan ng yabang

Mag-lalabas lang ako ng sama ng loob.

Kung hindi dahil sa akin ay hindi ka magiging ganap...hindi ka magiging magaling. Yan ang tinuringan ng isang langsingerong pulpol..nag claim na naman ng mga bagay-bagay na wala naman syang pinuhunang pawis at galing. Ewan ko ba at parang anim na po't limang taon na eh parang walang pinagkatandaan. Bilib na bilib sa sarili ngunit hindi naman nag-aaral.. Sabit-sabit ang mga pinapanindigan .

Maisingit ko lang, Natatawa pa din ako pag aking naiisip ang mga ito. na sa gitna ng malalim na usapan eh biglang iyayabang ang mga ito sa usaping "root words" daw..

Ang root word ng Advocacy at "Äds", may kinalaman daw ito sa kapitalista. Tapos eto pa, ang root word naman daw ng principle ay "prince".Napa Toink ako bigla. Saan ba galing ang mga ito? Parang may kausap akong taga ibang planeta. Ewan ko ba, iiling nalang muna ako ng ulo ko at sisipol sipol na parang wala nalang narinig.

Ganyan ang mga sample at malakas na boses na ipaglalaban ng isang bopols na ito ang mga mali, ngunit iclaclaim ang pagiging hari ng kagalingan. 

Syempre pa, ang nakakalungkot dyan ay eto. Yung kakausapin ka sa harap ng maraming tao at papangalandakan na ikaw ay Bobo..lahat ng kausap at kaharap nya ay Bobo lang sa kanya, anong level kaya ang IQ na ito na lagpak naman noong kanyang kabataan sa pag-aaral.... Galing na galing at talinong talino ang isang mamang hindi naman lumalabas sa kanyang lunga, walang ginagawa kundi ang iasa ang pag-babanat ng buto at gagawa ng dahilan na parang sya ang tunay na nagsusumikap. Eh sa bote lang naman ng alak ito magaling..yun lang naman ang tunay nyang kayakap. na kung magsalita ng galing ay sa usaping kayaman ay parang nakabili ng mga pag-katao at may malaking kayamang ipinapamana. Naghahari-harian sa ibabaw ng barong-barong na sa loob ng mahabang panahon ay hindi man lang nya nagawang maging kanaais nais. Iba talaga ang pag-ka nuknukan sa yabang nito..ibang iba.. Pati ang pag-papagal ng isang Arkitekto an nag sunog ng kilay ay sa kanyang panuntunan ay ito daw ay kapos padin.. Grabe siguro ang galing nitong sa mga bagay bagay na wala naman syang alam.

Ramdam na ramdam mo na hindi nito natrain ang sarili na magpakumbaba, hindi na train ang sarili na maging mahusay sa pakikipagkapwa tao.na dun man lang sana eh masaluduhan sya..Dahil iyan ang mga Basic na hindi kahit kaylan man matatapatan ng salapi. Paano na iyan? sa ganang akin..kawawa at nakapahirap ng tao na ito. Wala ng pinag-aralan, inoorkestra pa ang pakikisama at pinapaniwala pa ang kanyang sarili na syaý magaling. pilit mo mang unawain eh mahirap maintindihan.

Sa usaping prinsipyo na kanyang niyayabang, Malinaw naman na sya ang tagapagtanggol ng mga magnanakaw. Nang mga mapanglamang na tao. Walang paninidigan upang ituwid ang tama,bagkos dahil sa kanyang hindi pag-tupad bilang nakakatanda upang maisaayos ay iaasa nya ang mga ito sa mga taong gumagawa ng buti at palabasin na ang mga nag-sisikap ang syang mali at tama ang patuloy na ginagawa ng mga mapanlamang na tao..Nasan ang prinsipyo dito? Wala, nasa baliktad na kukote lang at nasa salita lang ang yabang..Wala ng pag-asa. Sabit talaga! nanghihingi na nga lang eh parang sya pa ang babanat ng buto kung umasta. 

Maraming mga pinangaral ngunit sya mismo ay hindi nya nagagawa. Ni ang disiplina sa pag-inom ay hindi kayang ma-control, paano pa ang laban sa buhay? Paano pa ang pagtataguyod para maasahan? Syempre sya nalang ang aasa ng may teknik para hindi mahalata na wala naman syang kakayanan. 

Nuknukan ng yabang.

 




Wednesday, October 21, 2020

Usaping trabaho tayo at kakayahan.

Isa sa pangit na ugali ng ilang mga pinoy ang mapag-puna. Pag bumira pa ang mga iyan mga iilan na iyan ay akala mo kung sinong gagaling.
Madaming mga pag-pupulang sinasabi, ngunit kung iyong susuriin sila itong madaming kapansanan. Sila itong nakailang kumpanya na at wala pang napapatunayan.
Lipat dito at lipat duon, satsat dito at satsat duon. Hindi mapermanente ang pwet, bagkos ang tanging permanente lang ay ang patuloy na kapalpakan ngunit pasikat sa pag-pupula na reflective naman sa kanilang mga kahinaan. may ilan nga akong mga kakilala na nag poach na ngunit sa kwentuhan eh akala mo best employee ang tema, medron din dyan na nangongopya lang ng mga sinasabi na akala mo ay sila ang nagpuyat ang nag-aral para sa kaalaman. kaya pag-dating ng boxingan, aba'y kamote. Meron pa dyan kung mag claim sa kakayanan eh daig pa ang mga pantas ngunit sa exam at sa mga sukatan eh lagpak naman.

Nakakhiya man eh, tatawa ka nalang.  'Na nyo!

Friday, October 16, 2020

Mahirap talaga pag bulaan

Minsan malulungkot ka nalang sa mga taong sinusuportahan mo para mag karoon na magandnag kinabukasan. Yung bang taos puso mong pagkakatiwalaan at ilaaan ang iyong mga resources para lang sa paniniwala para sa pagbabago. Nandyan din na maipakilala mo sya sa ilang network mo upang nang sa ganun ay magkaroon  ng mga taong tutulong sa kanyang pag-unlad. isinasama mo pa sa mga milestone ng buhay mo upang maramdaman nya na sya ay welcome sa aming Pamilya at mga kaibigan. Maging ang mga kaibigan nya ay sinusuportahan natin lalo na pag may mga pangangailangan pinansyal at problema sa buhay. Ganun tayo sumusuporta..

Pero mas mauuna pa din ang sariling interest at panlalamanag sa kapwa itong ulupong at traydor na ito. Ang masakit pa dito eh yung bang pinagpaplanuhan nitong tao na ito ang mga bagay bagay upang maging mapanlamang at upang pumabor sa kanya sa mga sitwasyon. Nakakainsulto lang na ginagwa nyang mangmang ang mga taong mga kausap nya kahit na obvious ang kanyang katangahan. Mag sosorry sa harap na parang maamong tupa, ngunit sinlaki ng Pangil ng Dragon ang Ahas pagdating sa talikuran. Hari talaga ng kakupalan ang supot na ito.

Tandang-tanda pa namin noong nasukol ang taong ito sa kanyang gawaing "Conflict of Interest"" at humihingi pa ng paumanhin  sa kanyang pagkakasla..Matapos mong patawarin, abaý oras palang ang lumilipas ang umaarangkada na naman sa kapulpulan, Paggawa ng mga paninira sa aming likuran. Lodi ng kaimpaktuhan at kabulaan itong gagong ito.Walang talim ang pasg-sisi at pag-papaumanhin. Mas mataas pa sa kanyang kaunanuan ang kanyang yabang at pag-ibig sa kasinungalingan.

Ngayon iba na ang bersyon ni Bulaan na parang ang bait at totoo sa sinasabi- Pinanilwa na nya ang kanyang sarili na tama ang gumawa ng mga Mali.  Isang klasikong halimbawa ng taong hindi sanay humarap sa sariling pag-kukulang na ginagawang katatawanan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pananaginip ng gising at pagsanay sa mga maling salita upang maging mabango sa mata ng iba.  Gago talaga!    Hay E! Mahirap talaga ang maging bulaan. hindi ka dadalhin nyan ng maayos na buhay. Goodluck at galingan mo pa yan!

'Wag  mong estimahin at mamaliitin ang aming kakayanan. Yun lang!




Monday, October 12, 2020

8layer Coffee nook

Ang dami ng mga pagbabago dito sa aming opisina. Luminis, Bumango at nawala ang mga daga,ipis na tila inalagaan ng mga dati kong kasamang (mga taong parasites at mga insekto) na walang inatupag kundi ang mga interest at pambababoy sa aming lugar. Malayo na ang iginanda.

Ngayon ang sarap ng pakiramdam. Yung improvement ay tuloy-tuloy at naisasapuso na ng aking mga kasama.

isa sa mga dagdag, may Coffee nook na kami.Mukhang dito ako tatambay ng madalas.
Pag-usapang kape kasi, iyan ata ang aking super power. Tuwing iinom ako parang ang saya ng pakiramdam ko, parang bumibilis yung aking pag-iisip at na pifeel ko yung creativity.


Friday, October 09, 2020

Ang aking sarili (Ni KirkLucas)

 


Huwaran,Yan si Richard!

Huwaran,Yan si Richard!
Ni: Meric Mara

Bakas pa ang mga ngiti
Alaala ng kaibigan ay nandyan lagi
Pag si Richard ang namumutawi
Gaang ng loob ang pakiramdam lagi

Mapagmahal sa anak,maging sa asawa
Ang hamon ng buhay,hindi yan uubra
Sa haligi ng pamilya,na tapat lagi sa tuwina
Yan si Richard, Pamilya lagi ang una!

Tapat na kaibigan at hindi ka iiwan
Alam nya kung kailan mo sya kailangan
Papalakasin ang iyong loob
Yan si Richard,mabuting kaibigan!

Serbisyong tapat at walang bahid
Huwarang nagsisilbi ng walang sabit
Hindi nagnakaw,hindi nangupit
Yan Richard,Pag Likod Bayan yan ay Sulit

Sa kanyang pag-panaw sya'y mananatiling gabay
Kasama ang poon sya ay laging buhay
Mula noon hanggang ngayon
Yan si Richard, sa puso natin at mananalaytay
Huwaran.

Tuesday, October 06, 2020

Paalam Batorni

 
Manalangin tayo. 🙏🙏🙏

Hindi ko naiwasang maluha.Naaalala ko pa din ang magandang samahan namin ng aking kababata,kaibigan..Best Friend at kumpare. Hinding hindi ko din pwedeng tangalin sa alala ang mga nakaraang suporta at payo ng aking kaibigan at lalo’t hindi ko kayang sabihin ang salitang success kung wala sya sa aklat ng aking buhay.
Para kay Batori, Atty Richard Pascual, Maraming Salamat! Hinding hindi ka mawawala sa aming puso at isipan. Paalam Tol at We love you Tol! Ingat ka sa biyahe! Masaya akong kasama ka na ng may Kapal at hindi ka na mahihirapan.

Faith Alegre, nandito lang kami k
 

 
 
 

Friday, October 02, 2020