Sa ganang akin, maganda din ang set-up ng Work From Home (WFH). Ang laking tipid din kung iisipin mo. Hindi kailangan ang mamasahe at makipagsikuhan sa bus at tren, lutong bahay ang pagkain. Walang maraming distraction, pwede pa kahit saang corner ng bahay mo gusto mong magset-up ng mala opisana. At saan ka pa, hawak mo ang schedule mo at walang office politics na kailangan ihandle.
Kailangan lang na matag-team-an ito ng pagiging competent professional at pag-intindi kung bakit ito kailangan gawin. Kailangan pa din nating tumapos na mga trabahong iniaatas sa atin.
Una, nariyan ang pagdating ng COVID-19 at dahil dito, wala tayong choice kundi ang sumunod sa alituntunin ng gobyerno at ang manatili sa bahay upang maging ligtas.
Pangalawa, may mga kailangan tayong ideliver at tapusin na syang nagbibigay sa atin ng kabuhayan.
Pangatlo, bale-balentungin man natin, meron tayong obligasyong legal sa ating pinagtatrabahuhan at ito'y hindi pwedeng baliwalain.
Kaya lang,
-Kung hindi naman mabisa ang method ng makikipag-ugnayan at pakikipag-usap, wala din lang ang WFH na ito.
-Kung ang mga katrabaho mo ay missing in action at hindi gets ang ibig sabihin ng WHF, wala din silbi ang WFH na ito.
-Kung hindi naman epektibo ang internet at paggamit ng teknolohiya, wala din lang kwenta ang WFH na ito.
-Kung tayo'y magiging madahilan lang din at walang respeto sa ating galing at mga kasama na umaasa sa atin, wala din at bopols lang ang WFH na ito.
Kaya sa tanong na...Work From Home, Epektibo ba?
Basta ba accountable ang mga kasama. Pwede sya!
No comments:
Post a Comment