Akda nila: Richard Albiso Buligan at Meric Mara
Halika na sa ilalim ng puno
Kung sa’n nakaukit pag-ibig na nangabigo
Halika na, sa hardin na nabuo
Ng pagkakaibigan at muli ay maupo
Sa alaala, dahil labis na abala
Doon magbabalik lahat nating saya
Sa alaala, nakakapiling ka
At pinananabikan ang muling pagkikita
Sa alala, nagbabalik ang gunita
Nagbibigay kulay sa nagdaang pagkabata
Sa alaala, nasisilayan ang tuwa at sigla
Na syang magbibigay buhay sa susunod na kabanata
At doon sa huli nating tagpo
Doon natin pupulutin mga susunod na yugto
Mga karugtong nitong bukas na kwento
Walang hanggang wakas, walang katapusang dulo
Dire-diretso, at hindi sumusuko
Sa duyan ng pag-tanda ay laging masuyo
Pag-kakaibigan ay hinding-hindi maglalaho
Tumatatag,Hangga’t buhay tayo!

No comments:
Post a Comment