Thursday, May 21, 2020

Lalaban Tayo Promotional Video

Ang mag-alay ng Musika para sa ating mga Kababayan lalo’t para sa Bayan ay isa sa magandang gawain. 

Liglig, siksik at umaapaw ang pag-mamahal! 

Habang inaatay ang ating kapana-panabik na video. 
Ang ating awiting pinamagatang “Lalaban tayo” ay maaaring mapakingan sa spotify. 

https://open.spotify.com/track/0NpV5k05SHbTdX6JtJ4qN1?si=KMWDL3BZTAirbFUz08gc4Q


Wednesday, May 20, 2020

Work From Home, Epektibo ba?





Sa ganang akin, maganda din ang set-up ng Work From Home (WFH). Ang laking tipid din kung iisipin mo. Hindi kailangan ang mamasahe at makipagsikuhan sa bus at tren, lutong bahay ang pagkain. Walang maraming distraction, pwede pa kahit saang corner ng bahay mo gusto mong magset-up ng mala opisana. At saan ka pa, hawak mo ang schedule mo at walang office politics na kailangan ihandle.

Kailangan lang na matag-team-an ito ng pagiging competent professional at pag-intindi kung bakit ito kailangan gawin. Kailangan pa din nating tumapos na mga trabahong iniaatas sa atin.
Una, nariyan ang pagdating ng COVID-19 at dahil dito, wala tayong choice kundi ang sumunod sa alituntunin ng gobyerno at ang manatili sa bahay upang maging ligtas.

Pangalawa, may mga kailangan tayong ideliver at tapusin na syang nagbibigay sa atin ng kabuhayan.

Pangatlo, bale-balentungin man natin, meron tayong obligasyong legal sa ating pinagtatrabahuhan at ito'y hindi pwedeng baliwalain.

Kaya lang,
-Kung hindi naman mabisa ang method ng makikipag-ugnayan at pakikipag-usap, wala din lang ang WFH na ito.
-Kung ang mga katrabaho mo ay missing in action at hindi gets ang ibig sabihin ng WHF, wala din silbi ang WFH na ito.
-Kung hindi naman epektibo ang internet at paggamit ng teknolohiya, wala din lang kwenta ang WFH na ito.
-Kung tayo'y magiging madahilan lang din at walang respeto sa ating galing at mga kasama na umaasa sa atin, wala din at bopols lang ang WFH na ito.

Kaya sa tanong na...Work From Home, Epektibo ba?

Basta ba accountable ang mga kasama. Pwede sya!

Friday, May 15, 2020

LALABAN TAYO@Spotify


COVID-19 breaks our hearts as no one is really ready or prepared with this new pandemic. Stress and sadness are the words that will be frequently heard from individuals due to the quarantine and lockdowns as it effects our daily lives. Most of us don't have jobs. Most of us are just waiting to get assistance from the amelioration program. Frontliners are putting their lives on the line just to make sure that most of us survive this crisis. Not to mention the increasing death toll day by day.

This incident encouraged us to create an inspirational music. It is entitled "Lalaban tayo". This gives emphasis on the Bayanihan spirit of Filipinos. That in times like this, there is a need to help each other to fight the crisis. That we need to stand together and no one will be alone.

Those who have been apart will be together. That there is a warm lullaby of love that will be a pledge to forever.
That everyone should embrace the sweetness of the ride of their lives. That there is a change that drives the coming of hope and we will win this battle of COVID19 and other crisis as long as we stand together.

https://open.spotify.com/track/0NpV5k05SHbTdX6JtJ4qN1?si=1iPEQ_d9SlS2sBPn0rEqeA

LALABAN TAYO
Composed By: Meric B. Mara & Erwin Galang
Musical Arranger:
Samuel Valdecantos
Produced by:
Mulat Media & Indiepinoy

'wag mabahala
'wag mangamba
Ang mga problema
Di yan uubra
Basta sama-sama
Sa panalangin
Bigkisin ng Pag-kakaisa
Liwanag ng bukas
Ay parating na

Koro:
Wala ng masasaktan
Wala ng mahihirapan
Sa ating pag-kakaisa
Bagong mundo'y nagsimula na
Habang may pag-asa
Lalaban tayo,hindi ka nag-iisa

Sa unos na dumating
ang hapdi ay gagaling
Damdaming nailibing
Ito'y Mabubuo din
Ang hirap at suliranin
Sama-samang haharapin
Diwa ng lambing
Na Yumayakap sa atin
Sa bawat saglit

Ang mga nagkalayo
nagkasama sa puso
Iduyan ng pag-suyo
May balik na pangako
Damhin ang tamis ng bawat yugto
ng buhay mo ngayong ang pag-babago
Pag-asa ay matatamo
magtatagumpay tayo..

Koro 2X

hindi ka nag-iisa,hindi ka nag-iisa
Lalaban tayo,Lalaban tayo
hindi ka nag-iisa

Tuesday, May 12, 2020

WALLOO VIDEO

This is Walloo Video Test


Friday, May 08, 2020

Hello COVID19: Eto na mga IDs ko. =)


Hangga’t buhay tayo

Hangga’t buhay tayo
Akda nila: Richard Albiso Buligan at Meric Mara

Halika na sa ilalim ng puno
Kung sa’n nakaukit pag-ibig na nangabigo
Halika na, sa hardin na nabuo
Ng pagkakaibigan at muli ay maupo


Sa alaala, dahil labis na abala
Doon magbabalik lahat nating saya
Sa alaala, nakakapiling ka
At pinananabikan ang muling pagkikita

Sa alala, nagbabalik ang gunita
Nagbibigay kulay sa nagdaang pagkabata
Sa alaala, nasisilayan ang tuwa at sigla
Na syang magbibigay buhay sa susunod na kabanata

At doon sa huli nating tagpo
Doon natin pupulutin mga susunod na yugto
Mga karugtong nitong bukas na kwento
Walang hanggang wakas, walang katapusang dulo

Dire-diretso, at hindi sumusuko
Sa duyan ng pag-tanda ay laging masuyo
Pag-kakaibigan ay hinding-hindi maglalaho
Tumatatag,Hangga’t buhay tayo!

Wednesday, May 06, 2020

Monday, May 04, 2020

Friday, May 01, 2020

IC100: IOS Now Ready!



Bigasero

Bigasero (tama ba? Hehehe!) muna ako...
Hindi man namin kaya ang lahat, Sa maliit na paraan sana ay may nagagawa kaming suporta sa mga ilan.
Mapagwawagian natin ang laban sa COVID19. #Lalabantayo Salamat 8layer Technologies, Inc. MaraLabs Inc. Mulat Media Venecio Vano Legaspi sa inyong suporta. Mabuhay kayo!